22

17.5K 232 10
                                    

22

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero hindi ko na nakita si Jacob sa kalagitnaan ng practice namin. Ang usapan naming dalawa ay after ng practice namin ay sabay kaming pupunta sa airport para sunduin si Ate Tanya. Kaso mukhang iniwan niya ako dito.

Pero ayoko naman isipin na sinadya niya 'yon at baka nagkaroon lang ng problema. Excited pa man din ako ngayon pero makikita ko naman si Ate Tanya sa birthday niya.

Natapos na ang practice namin at nagpahinga na muna kaming dalawa ni Mariela dahil ilang oras din kaming nagpractice. 5:30pm na ng hapon at alam 'kong mahihirapan na naman ako sumakay pero wala naman ng bago.

Kinuha ko ang cellphone at tinext si Jacob para sana tanungin siya kung nasa airport na siya kasama si Ate Tanya dahil ang alam ko ay 5:15pm ang arrival ni ate. Hindi rin naman ako nakatanggap agad ng reply kaya tinago ko na rin ang cellphone ko.

"Nasabi na ba sayo ni Jacob na birthday ng ate niya sa Linggo? Sama daw tayo sa Tagaytay." sabi ko kay Mariela.

Agad na napasimangot siya. "Syempre hindi ako makakasama, bukod sa may istrikto akong kapatid, uuwi din ako sa Bulacan sa Sabado." sabi niya na ikinalungkot ko din.

Ibig sabihin ay ako lang ang mag-isa na makakapunta doon? Kung sana ay nandito ang kambal ay ipapaalam ko ang dalawa na sumama din.

Nagdesisyon na kami ni Mariela na umuwi. Siya ay agad na nakasakay sa jeep, ako naman ay pumasok ng school para mag shortcut doon sa likod papuntang Philplans para hindi masyadong malayo.

Halos kalahating oras akong naghintay ng jeep. Lagi 'kong kasabay si Chen umuwi dahil sinasabay niya ako pero ngayon kasi ay hindi siya umattend ng practice dahil nga napaka-importanteng tao niya at maraming pinupuntahan.

Nakauwi ako sa bahay mga 7:30pm na dahil sa traffic. Panay check ko sa cellphone ko kung may reply na ba si Jacob pero wala pa rin. Tinignan ko ang messenger ko at nakita ko ang pangalan ni Samantha sa unang-una at may picture siya na isinend sa akin.

Agad na pinindot ko 'yon at hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.

Litrato 'yon ni Samantha, Jacob at Ate Tanya sa airport. Mukhang si Sam ang kasama ni Jacob. Tinignan ko si Jacob na malaki ang ngiti. Napangiti na lang rin ako. Atleast masaya siya na andyan na ang ate niya.

Nagtipa ako ng message.

I-hi mo ako kay Ate, Sam.

Sineen lang ni Samantha 'yon at alam 'kong hindi niya naman gagawin 'yon. Pinatay ko na lang ang cellphone ko at nagbihis na.

Magsisinungaling ako kung sinabi 'kong hindi ako nasasaktan pero ano ang magagawa ko, si Sam ang nauna. Sila ang mas matagal ng magkakilala.

Chinat ko si Troy sa messenger kahit alam 'kong hindi naman siya magrereply. Hindi ko rin alam kung bakit hindi sila nakakareply sa akin pero iniisip ko na lang na baka may ginagawa sila.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama sa sobrang pagod. Hindi ko mapigilang maluha dahil nararamdaman ko na naman na mag-isa ako at walang kasama. Bumabalik na naman ako sa noon.

...

Umalis na ako ng canteen at pumunta sa second subject ko. Na-late ako nang gising kaya di ako nakapasok sa first subject ko.

Pasimple akong pumasok sa classroom nang hindi nahahalata ng mga kaklase ko. Tumabi agad ako kay Mariela.

"Ayan, pa-late ka pa." agad na sabi ni Mariela. Sumimangot na lang ako at nag head down dahil inaantok pa rin ako.

Anong oras ba ako natulog? 3am? or 4am?

"Bakit na-late ka?" narinig ko ang boses ni Jacob. Ipinikit ko na lang ang mata ko at tinatamad na ako na magsalita pa.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon