14

22.4K 323 25
                                    

14

Half day lang daw ngayon sabi sa Group chat namin dahil sa coronation day ng Mr. and Ms. HSU at required na manood ang klase namin. Inaayusan na rin ako ni Mariela dahil siya ang magaling dito. Kulang nga lang ay bayaran ko siya para sa serbisyo niya.

Nagtext sa akin si Papa na hindi sila makakadalo at ang kambal lang, hindi naman ako nagalit dahil hindi rin nakontrol ni Papa yung mga urgent happenings sa kompanya nila. Maya-maya pa dadating ang kambal at tinuro na lang namin kung paano sila makakapunta dito.

"LQ kayo ni Jacob?" tanong ni Yell. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya ang nangyari.

"Wag ka na magbanggit ng kung ano-ano kay Jacob ah, baka mailang yung tao. Basta ah, wag mo na ako banggitin sa kanya ever." kumunot ang noo niya.

"Nag-away nga kayo." sabi niya. Kahit di ko naman sabihin ay malalaman niya 'yon.

Tumawa ako nang mahina. "Ganon talaga. Baka dito na magtatapos ang pagkakaibigan namin." pagbibiro ko pero napasimangot lang siya.

"Anong nangyari?" ikinuwento ko na sa kanya ang lahat at gusto niya na akong hambalusin sa katangahan ko.

"Bakit mo inako kahit hindi naman ikaw ang nagsimula?" tanong niya.

"Para di sila mag-aaway." sagot ko.

"Tapos kayong dalawa okay lang na mag-away?"

"Hindi niya naman ako pinapansin eh, tsaka galit nga siya sa akin. Nag-sorry na rin ako pero ayaw niya tanggapin."

"Edi sasabihin ko patawarin kana."

Umiling lang ako. "Sabi ko nga wag no na ako banggitin sa kanya, pag siya nagalit din sayo tignan mo." bumuntong hininga lang siya.

"Talaga ngang wala kang pag-asa sa kanya. Baka pati friendship nyo mabuwag." sabi niya na ikinangiti ko na lang.

"Ganon talaga." yun na lamang ang nasabi ko.

"So hindi kana aamin?" tanong niya.

Umiling na lamang ako. "Hindi na, dapat ko na sigurong ibaon sa lupa ang nararamdaman ko para sa kanya." nalungkot naman siya.

"Hanapan na lang kita ng bagong ika-crush." sabi niya na ikinatawa ko.

"Hindi na, pass na lang." parehas kaming natawa.

Natapos niya nang plantsahin ang buhok ko. Straight lang ang style ng buhok ko dahil mas maganda daw na ma-emphasize ang buhok ko dahil maganda daw ito.

Pagkatapos ng hair ay makeup naman ang ginawa niya sa akin. Nagustuhan ko ang makeup niya sa akin dahil light lang ang foundation na inilagay niya sa akin at lumilitaw naman ang eye shadow sa mata ko na maganda ang pagkakalagay. May highlights din ako sa ilong na nagpalitaw sa katangusan ng ilong ko.

Nilagyan niya rin ako ng star na earings na katulad kay Catriona Gray at hindi ko alam kung saan niya nabili 'yon.

Nang umuwi ako kahapon sa bahay ay dumating na rin ang gown na ipinagawa ni Papa at Tita sa akin at nagulat ako sa designer na sinabi nila sa akin. Isang international designer ang nag-design non. Si Tessa ang nagsabi sa akin na may pinagawa si Papa dahil narinig niya lang daw 'yon.

Binigyan rin kami ng assistant ni Papa na magsusuot sa akin ng gown na hindi pa dumadating ngayon. Siya ang may dala ng gown ko.

Pero nagtext na rin naman sa akin na malapit na siya at 15 minutes na lang ay makakarating na siya sa school. Sa opening ng pageant ay jeans at isang tshirt na magkakaparehas ang design ang suot namin at kami na ang bahala mag-design non.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon