15

22K 317 30
                                    


15

"Bwakanang shiet ka, ang ganda mo!" malakas na sabi ni Mariela. Halos yung iba ay nakatingin din sa gown ko at hindi ko maiwasang mahiya.

Maski ako ay namangha sa sobrang ganda ng gown nang suotin ko ito. Hindi ko alam kung magkano ang ginastos ni Papa sa gown at ang mga detalye ay kitang-kita.

Nude ang color ng gown, sleeveless siya at sobrang nipis lang ng strap. Squaure cut ang style ng dress, at mababa ng konti ang neckline kaya may kaumting cleavage ang lumilitaw. May slit din ang gown na mas lalong nagpa-sexy sa akin. Mas lalo akong tumangkad dahil sa 4 inch na sandals ko. Binalik ni Mariela ang style na straight hair lang sa akin pati na rin ang hikaw.

"Mariela, take a picture of me and Niya." sabi ni Chen nang lumapit sa akin. Agad na naman ni kinuhaan kami ng litrato ni Mariela.

"Jacob, magpicture din kayo ni Niya, ang gwapo gwapo mo oh. Promise, di ko 'to ipopost, picture lang naman walang malisya.

Lumapit sa akin si Jacob. Tinignan ko ang suot niya at ang ganda ng suot niya. Naka maroon tuxedo siya, may polo white sa loob, vest na maroon at ang pinakalabas ay maroon na suit. Tinignan ko ang kanyang neck tie na bumagay sa suot niya.

Napatingin siya sa suot ko, hindi ko alam kung ano ang madedescribe ko sa expression niya dahil hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya rvqhabang tinitignan ako.

Nagpicture kaming dalawa. Bigla niyang hinapit sa bewang ko palapit sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagdikit ng katawan naming dalawa.

Nagtama ang tingin naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ipahayag 'kong emosyon sa kanya. Pagkatapos ng picture taking naming dalawa ay tatlo na kaming nagpicture at apat na si Miss Julia na ang kumuha ng litrato sa amin.

Naiba ang atensyon namin nang magkaroon ng komosyon sa isang kandidata.

Pumunta si Miss Julia sa kandidata na nasiraan ng zipper ng gown. Dahil sa isang fashion expert si Miss Julia ay nagawan niya ng paraan ang sira bago magstart ang long gown competition.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang ginagawa niya. Pero kailangan 'kong iwala yon sa isipan ko at kung hindi ay madidistract ako.

Isa isang pinalabas ang mga babae. Nang ako na ay dahan dahan akong naglakad para ipakita ang ganda ng gown ko. Nginitian ko si Tessa na ngayon ay nagwawala na hawak ang banner. Narinig ko ang sigawan at pa-torotot ng mga kaklase ko.

Si Troy naman ay vinivideohan ako. Umikot ako sa buong stage at dahan dahan na naglakad. Sobrang nagpapasalamat ako dahil hindi ako natapilok. Nairaos ko ang pagrampa ko sa gown nang hindi man lang natatapilok.

Natapos na rumampa ang boys at girls at oras na ang pagrampa ng with partners. Ganon pa rin at pang-anim kami ni Jacob. Ramdam ko na rin ang pagod at pagsakit ng paa ko dahil sa heels na suot ko pero kaya pa naman.

Lumabas na kami ni Jacob at sabay na pumunta sa gitna. Isinukbit ko ang kamay ko sa braso gaya nang ipinractice namin sa rehearsal. Naglakad papunta sa harapat naghiwalay din pagkatapos. Naglakad kami sa magkabilaang side ng stage, at nagswitch place.

Nang bumalik na kami sa gitna ng stage, nagulat na lang ako nang halikan niya ako sa gilid ng labi ko. Nagulat ako doon dahil wala naman 'yon sa pinractice namin. Tinignan ko siya at parang wala lang 'yon sa kanya.

Halos narinig namin ang sigawan ng buong Grand Theater at yun ang pinakamalakas na sigaw na narinig ko. Kahit kabado at distracted ay ngumiti ako sa crowd. Bumalik na kami sa backstage, napaupo ako sa upuan dahil ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko.

"Grabe, ang lakas ng sigawan sa inyo!" sabi ni Mariela. Hindi nakita ng mga nasa backstage ang nangyari kaya wala silang idea. Nakapagpahinga ako ng halos limang minuto at sasabak na kami sa huling kumpetisyon.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon