11

26.3K 394 6
                                    

11

"Ako na." ngumiti ako ng tipid kay Jacob at kinuha ang panyo sa kanya at pinunasan ang pawis ko. Hinayaan niya na lang ako sa gusto 'kong mangyari.

Hindi naman ako lumalayo sa kanya pero iniiwasan ko na ang mga gusto niyang mangyari na maaaring ma-misinterpret ng ibang tao. Si Chen naman ay hindi na rin nag-try sa gusto niyang mangyari dahil ako na ang unang nagsarado.

Nakatira na si Hiraya sa bahay niya at mas nagiging close na rin kami ni Hiraya kahit papaano dahil pag may ginagawa kami ay nakikipag-usap siya sa amin.

"Pagod kana?" tanong ni Jacocb. Umiling lamang ako kahit na taliwas naman ang sagot ko sa nararamdaman ko ngayon.

Kanina pa kami nakatayo dahil sa aming pag-eensayo at dahil na rin sa heels na suot namin ay mas lalo pa kaming pinapapagod.

First time ko ang ganitong paligsahan at hindi ako sanay sa ganito. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko bang manalo dahil halatang magagaling ang iba. Nagpapasalamat ako kay Mariela dahil siya ang nagtuturo sa aking ng mga dapat gawin.

"Ang tahimik mo, may problema ba?" tanong niya at doon na siya lumapit sa akin. Umiwas lamang ako ng tingin upang hindi magtama mga mata namin.

"Wala naman, bakit?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kawalan.

"Tumingin ka sa akin." doon na ako naalarma dahil lumamig na ang kanyang boses at naging seryoso na.

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Nagtama ang tingin namin na agad akong napaiwas. Para akong nanghihina pag nakikita ko ang mga mata niya.

"Bakit hindi ka makatingin sa akin?" tanong niya. Hindi ko na halos kayang magpanggap na wala namang problema.

Wala naman talagang problema, sa akin lang ang may problema. Siguro kahit mabaling ang atensyon ko sa iba, babalik pa rin ako sa kanya dahil laging nararamdaman ko ang presensya niya.

Nagkagusto ako kay Chen, pero hindi katulad kay Jacob. Alam ko ang limitasyon ko kaya hindi ko na rin ipipilit. Gusto ko na lamang sila maging kaibigan dahil alam 'kong mas makakabuti 'yon.

Ang problema lang sa akin ay hindi pa rin nagbabago ang impact sa akin ni Jacob at kahit gusto 'kong mawala sa sistema ko na may gusto ako sa kanya, na kahit ibaling ko ang atensyo ko sa iba, at sa mga bagay, bumabalik pa rin.

Pero ayoko, hindi pwede.

"Wala nga, pagod lang siguro ako." pagsisinungaling ko sa kanya. Sinubukan 'kong umalis sa harap niya pero hinila niya ang pulsuhan ko para mapanatili ako sa kanyang harapan.

Doon na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Naglakas loob na akong tignan siya, nagtama ang tingin namin at halos manghina na ako.

"Wala akong problema Jacob." deretso 'kong sabi sa kanya.

Tumawa siya. "Walang problema? Pero bakit iwas ka sa akin? Anong ginawa ko? Sabihin mo nang maintindihan ko." galit siya, yun ang nakikita ko, na galit siya.

Nagi-guilty ako dahil wala namang problema sa kanya, kung hindi sa akin ang may problema. Pag sinabi ko ba na gusto ko pa rin siya, na kahit mabaling ang atensyon ko sa iba ay babalik pa rin ako sa kanya, mareresolba ba ang problema? Hindi. Hindi mareresolba. Walang mangyayari.

"Sorry, kasalanan ko. Pasensya na." halos hindi ko alam kung ano paano ka nasabi 'yon pero kung kinakailangan 'kong mag-sorry sa kanya nang paulit-ulit ay gagawin ko.

Wala siyang sinabi at tinignan lamang ako. Natapos na ang rest time namin at bumalik na kami sa pag-eensayo.

Pumatak ang alas singko ng hapon ay natapos na kami sa pag-eensayo. Tapos na rin ang araw na 'to sa paghahanda namin para sa pageant.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon