21

18.7K 258 9
                                    

21

5pm at hindi pa rin nakakabalik si Jacob kaya hindi ko na rin inasahan na makakabalik pa siya sa bahay dahil baka may importanteng ginagawa. Aalukin ko sana siya na manood ng movie pero sa susunod na lang. Hindi ko rin siya ma-kontak dahil nandito ang cellphone niya, medyo nag-aalala rin ako pero alam kong wala namang nangyaring masama.

Medyo nawala na ang hilo ko pero ramdam ko pa rin ang pananakit ng katawan ko, hindi ko rin alam kung papasok ako bukas pero titignan ko na lang bukas kung maging okay na ako.

Wala rin naman akong masyadong ginagawa ngayon kaya humiga na lang ako. Parang mas lalo nga na sumasakit ang katawan ko sa kakahiga kaya napagdesisyunan ko na lang na bumaba at pumunta sa kusina.

Naabutan 'kong kumakain ng halo-halo sila Ate.

"Dadalhan sana kita buti bumaba ka, halika dito." sabi ni Ate at binigay sa akin nag baso na may lamang halo-halo. May mga kakanin din at mayroon paborito 'kong biko.

"Thank you Ate." masayang sabi ko sa kanya. Meryenda talaga ang pinaka paborito ko sa lahat.

Nagkukwentuhan din sila Ate tungkol iba't ibang bagay at nakikinig lamang ako kaya hindi rin ako na-bored dahil napakarami nilang kuwento. Sobrang dami 'kong nakaing kakanin at talagang sumaya ang aking tiyan.

"Hindi mo pa ba boyfriend 'yon si Jacob?" tanong ni Ate Fe.

Umiling ako. "Hindi po, magkaibigan lang po." tumawa ako nang mahina dahil yun naman ang totoo.

"Pero nararamdaman ko na gusto ka niyan ni Jacob. Sana ay ligawan ka niya." humagikgik si ate Fely at natawa na lang rin ako.

Nakipagkwentuhan pa ako kay Ate at nung nag 6pm ay bumalik na rin ako sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang messenger, agad na pinindot ko ang message ni Jacob.

Labas ka, nandito ako :)

Agad na kinuha ko ang cellphone niya at bumaba, agad lumabas ako ng bahay at nakita siya doon. May dala dala siyang motor na hindi ko alam na marunong pala siya mag-motor.

"Kanino yan?" tanong ko at agad na inabot sa kanya yung phone niya na agad niyang tinanggap.

Tumawa siya nang mahina. "Hiniram ko." sabi niya.

"Masakit pa ba ulo mo?" tanong niya at tinignan pa ako ng mabuti na parang sinusuri niya ako.

Umiling ako. "Hindi na, konting hilo na lang pero okay na rin naman na ako, papasok ako bukas." napatango naman siya.

Sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya kaya lumapit ako sa kanya. Bigla niyang kinuha yung helmet sa storage box sa likod ng motor. Inayos niya muna ang buhok ko bago isuot sa akin ang helmet at nilock 'yon.

Sumakay siya sa motor. "Tara, roadtrip tayo." sabi niya na ikinagulat ko. Napatingin ako ako oras at halos magga-gabi na. Pwede pa ba 'yon?

"Tara na, mabilis lang 'to." hinawakan niya ang baywang ko at pinaupo na sa likod ng motor.

"Hawak ka sa balikat ko o sa baywang ko, ikaw bahala, basta kumapit ka sa akin nang hindi ka mahulog." sabi niya, agad na tumango ako. Humawak na lamang ako sa balikat niya.

Nagdrive siya palabas ng village at nag-u turn papasok sa McKinley. Hindi ko maiwasang maging masaya nang tumama ang hangin sa balat ko.

"May lisensya ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala." at saka siya natawa. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"Bawal magdrive pag walang lisensya, baka mahuli tayo nito." sabi ko sa kanya.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon