12

25.9K 344 26
                                    

12

"Alam mo Niya, umamin kana kaya kay Jacob para hindi kana nahihirap sa iyong emosyon. Kasi naman 'tong si Jacob, paasa na manhid pa."

"Baka naman ganoon lang talaga siya, ako lang 'tong naga-assume ng mga bagay. Wala namang bago diba." napabuntong-hininga ako.

Pero baka nga tama siya, na dapat ay sabihin ko na sa kanya para hindi na kami magkaproblema, kung hindi niya man tanggappin, ayos lang basta nasabi ko ang dapat 'kong sabihin. Hindi ako makakawala sa nakakaramdam ko sa kanya kung hindi ko sasabihin ang nararamdaman ko para sa kanyan.

"Sige, ita-try ko umamin." final na sabi ko kay Mariela. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Ayan, dapat ganyan. Pag ni-reject ka hayaan mo siya, sinayang ka niya. " humagikgik siya. Napabuntong hininga na lamang ako.

Masyado ako na-attach sa kanya kaya eto akong nahihirapan. Basta ang mahalaga ay maamin ko sa kanya, dapat masabi ko na sa kanya.

Si Yell ang nag makeup sa akin paara sa photoshoot namin mamaya dahil required iyon. Kailangan namin for our video at doon din pipili ng magiging Miss Photogenic. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ako madalas tumutok sa camera at hindi ko alam kung magiging maayos ba ang o hitsura ko doon.

Si Chen at Jacob naman ay inaayusan din hired makeup artist ng school, si Mariela lang ang nag insist sa akin dahil alam niya ang babagay sa akin. Sa school lang di kami magpo-photoshoot.

Wag naman sana kami pagtinginan ng mga estudyante. Ayoko pa naman sa lahat ay atensyon dahil pakiramdam ko ay mababaliw ako pag nasa akin ang lahat ng atensyon, pakiramdam ko ay hinuhusgahan ako ng mga tao kahit wala naman talaga.

Mahina ang loob ko pagdating sa harap ng maraming tao, kaya itong pageant, hindi naman sa hindi ko gusto, pero hindi lang ako sanay, baka siguro pwede 'kong i-try, pero ang maging panalo ay napaka-imposible.

Ako na ang sasalang sa photoshoot at kinakabahan ako. Tumingin ako kay Chen na nakatingin lang sa akin, siya ang ka-partner ko na ipinagpapasalamat ko dahil hindi ako napunta sa iba at sa kakilala ko pa.

Ngumiti sa akin si Chen, kaya napangiti na rin ako. Huminga ako nang malalim. "Kaya ko 'to." mahinang bulong ko sa sarili ko.

Picture at video ang kinuhanan nila sa akin, at sa lahat para sa VTR ng mga candidates. Nag-enjoy ako sa photoshoot dahil ginuide ako ng photographer. Panay puri niya din sa akin na mas lalong pinataas ang kumpiyansa ko sa sarili ko.

Nang si Chen na ang sasalang, biglang nawala siya. Kanina ay nandito lang siya ngunit ngayon ay hindi na namin siya makita. Na saan na kaya 'yon? Hindi ko na rin siya napansin na umalis pala siya.

"Change partners daw, pwede ba 'yon?" tanong ng assistant ng photographer. Tumango na lamang ang photographer dahil nasasayang na rin ang oras.

Nagulat ako nang makita na si Jacob ang ipapalit kay Chen na partner ko. Deretso lamang siya nakatingin sa akin. Tinignan ko ang ayos niya at napangiti ako ng tipid dahil ang ganda ng itsura niya sa ayos.

Moreno ang kulay ni Jacob, matangkad rin siya at ang height niya ay nasa 5'10. Magkasing height si halos ni Chen pero mas matangkad ng konti si Chen. Maganda rin ang features niya sa mukha, makinis ang mukha niya, matangos din ang ilong, sakto ang kapal ng kilay at maganda ang itsura.

Hindi siya katulad ng iba na gustuhin ng mga babae pero sapat na para magustuhan ko siya. Hindi din siya ang tipo na pag dumaan sya grupo ng mga babae, hindi siya yung pagsisigawan pero sapat na para lingunin siya sa isa sa limang babae na 'yon.

Mabait si Jacob, sobra niyang bait. Palabiro sa classroom, pero minsan ay seryoso. Minsan ay nangongopya, pero normal lang naman 'yon dahil ganoon din ako sa kanya. Ganoon kami sa lahat.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon