31

16.7K 241 13
                                    

31

"Huy bakit mo ako binubuhat?" nagpapanic na ako. Hindi ba siya naiilang?

"Hindi ko nagugustuhan 'yang suot mo." malamig na sabi niya sa akin. Agad na kumunot ang noo niya. Bakit naman may say siya sa suot ko?

Hindi ko alam kung na saan kami pero ang alam ko lang ay nasa parking lot kami.

"Ibaba mo na ako Jacob, hinahanap na ako ni Mariela doon." hindi niya pinansin ang sinabi ko. Binuksan niya ang isang magarang sasakyan at pinasok ako doon sa tabi ng driver seat. Pumasok siya sa driver seat at bigla nalang pinaandar ang kotse.

"Jacob, saan mo ako dadalhin? Hahanapin ako ni Marie--"

"I will not eat you." malamig na sabi niya. Siguro ay naramdaman niya na medyo natatakot at kinakabahan ako. Hindi na katulad ng dati na komportable pa kami sa isa't isa.

Anim na taon na ang nawala, masyadong mahabang oras ang nawala. Kaya hindi ko maintindihan na bakit parang umaakto siya na walang nangyari, na parang okay pa rin kami sa isa't isa. Lalo na at magkaiba na kami ng lebel. Ma-inpluwensiya siyang tao ay ano na lang ang sasabihin ng tao pag nakita siya kasama ako.

Nakita ko ang St. Lukes Hospital at mukhang doon niya ako dadalhin. Agad na kumabog ang dibdib ko.

"J-jacob, ano, wag mo na ako dalhin diyan, hindi ko naman kailangan."

Sa sobrang bilis ng pangyayari, ang alam ko na lamang ay chini-check na ng doctor ang paa ko. Hindi naman ako kinakabahan kung ano ang nangyari sa paa ko, kinakabahan ako sa babayaran.

"Tell Mariela that you're with me." sabi nya na agad 'kong ikinailing.

"Wala akong cellphone." sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at wala rin namang sinabi.

Matagal nang hindi ako nagamit ng cellphone, ang mayroong cellphone lang ako ay yung keypad na cellphone na na kina Jaylene at Cobi dahil yun ang pangkontak ko sa kanila gamit ang cellphone ni Mariela.

Nang matapos nang ma-check yung paa ko ay binigyan lamang ako ng advice na ipahinga, at konting gamot para ma-lessen yung sakit. Kahit papaano naman ay hindi na siya ganoon kasakit.

"Magkano po?" tanong ko sa doctor. Takang tinignan niya ako. Medyo nahiya tuloy ako.

"Ah, ano po, yung bayad po sa check up."

"I paid it." sabi ni Jacob. Tumango ako at tumingin sa kanya.

"S-sige, babayaran ko na lang. Pero pwede ano mga next week na, w-wala pa kasi akong pera."

Next week pa ang sweldo ko at hindi ko alam kung magkank ba ang babayaran ko at iniisip ko pa lang na malaki ang babayaran ko ay nanghihinayang na ako.

Nahihiya tuloy ako sa kanya dahil hindi ko pa mababayaran agad yung binayad niya. Wala nga ako perang dala e at mga 200 lang yung dala ko dito.

"Promise ah, babayaran kita, pero sa next week na. Magkano nga ulit? Sana naman hindi umabot sa sampung libo." feeling ko ay mas manghihina ako doon.

Wala siyang sinabi at nakatingin lang sa akin, napaiwas na ako ng tingin dahil sa kahihiyan. Halata ba na wala akong narating kaya ganoon ang tingin niya sa akin? Nakakapanghina tuloy. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi na dapat ako sumama sa reunion na 'to at hindi pala healthy sa utak ko.

"Bukas promise, ta-try ko magbayad. Pero hindi pa sure, pero ita-try ko. Mangungutang muna ako kay Mariela. Balik na tayo doon at sasabihan ko siya."

Wala akong sagot na narinig sa kanya. Kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko, gusto ko na lang maiyak. Para akong napapahiya na sa kanya. Wala siyang sinabi at naglakad na, nakapaa pa rin ako dahil ayoko muna magheels, sinundan ko na lang siya dahil hindi ko rin naman alam ang pabalik doon sa hotel.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon