49

3.2K 31 0
                                    

Kumalat na ang interview ni Jacob na hindi naman interview dahil wala naman siyang sinagot ni isa dahil hinarangan ko. Lantad na lantad ang mukha ko at buti naman ay blurred ang mukha ng kambal. At least they know their limits. Hindi naman ako nababahala dahil sa huli ay tama lang naman ang ginawa ko. He's not comfortable to talk about it, bakit pipilitin nila na sumagot siya?

I read a lot of comments and they are more intrigue in Jacob's accident than in me and the twin. Pero may nababasa pa rin ako na nagsususpetya na anak ni Jacob ang dalawa. Hindi ko na mapipigilan 'yon dahil hindi naman 'yon ang una na nakita nila si Jacob na may kasamang bata. Though he denied it, mukhang hindi na rin sila naniniwala.

They made a lot of articles about Jacob at hindi ko na inisa isa dahil pare parehas lang naman at wala rin sila maisulat dahil hindi sila nakakuha ng kasagutan kay Jacob. I admit that it is really chaotic in his world. We have no choice because we're already included in his life. I'm also not complaining dahil hindi rin naman ginusto ni Jacob.

Jacob is always calling. Kahit busy ay tumatawag sa akin. Gusto niya daw na makita ko siyang nasabwork mode. Minsan pag may free time siya ay nakikipagkwentuhan lang. Masyado siyang maraming chika at puro reklamo ang naririnig ko sa kanya na pagod na raw siya at gusto niya nang umuwi.

But it's the first time that I see him working as a professional. Hindi ko nga rin alam na ganoon siya kaseryoso sa trabaho niya. Pero pag rest time niya, talagang puro reklamo kaya natatawa na lang ako.

"May nambara sa akin na employee, mali raw ginawa ko kanina. Napahiya tuloy ako." oh man, here we go again.

"E baka mali ka talaga."

"Mali nga. Pero dapat binulong niya na lang." I can't believe that he's the boss and here he is, nagsusumbong sa akin.

"Bosses can be wrong. It's okay to have mistake."

"Oo nga, pero dapat binulong niya na lang. Nawala tuloy angas ko." nagpigil ako ng tawa dahil mukhang badtrip talaga siya.

"Englishero kasi kaya hinayaan ko na lang. Apat na buwan kaya akong hindi nag ingles." dugtong niya pa.

Tumango ako kahit gusto ko nang tumawa. "Okay lang 'yan. Better do next time. Wag ka nang mabadtrip diyan." tumango na lang siya at mukhang badtrip pa rin. Mamaya na lang ako tatawa.

"Matapos lang trabaho ko dito, pahihirapan ko talaga sila." bakas sa boses niya ang kagustuhang maghiganti. Tumangon ako sa taas para mapigilan ang pagtawa.

Tumingin ulit ako sa phone ko at nakasandal na siya sa swivel chair. Mukhang inaantok na siya. Ako rin ay inaantok na dahil 4 am pa lang dito.

"May tao sa likod mo, sino 'yon?" sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa likod niya at halatang gulat na gulat siya. Doon na ako tumawa ng malakas ay mukhang hindi siya natutuwa.

"Ang seryoso mo naman sa buhay." natatawang sabi ko sa kanya.

"Don't joke like that again. Aatakihin ako sa puso, Niya." seryosong sabi niya kaya mas lalo akong natawa. Is  he that serious on what happened about him and his kid?

"Sige na, papatayin ko na 'to. Inaantok na rin ako. Don't call in your sleep time hah."

"Tatawag ako sa bukas ng maaga sa oras niya. I miss the kids."

"That's a bit late, pero make it quick na lang para makapahinga ka." tumango siya.

"Bye bye! Makipagbati kana sa anak mo. Sabihin mo ay naoffend ka kanina."

"Tss. Bahala siya diyan." muli akong tumawa at hindi pa nga siya maka move on. Pinatay ko na rin yung tawag. Kahit late na akong nakakatulog ay nag eenjoy naman ako dahil nga chikadora na rin talaga to si Jacob.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon