03

27.9K 434 2
                                    

03

Binasa ko ang restaurant na favorite ni Troy.

"Paradise Dinasty."

Chinese restaurant ata ito. Okay na rin dahil mukhang magugustuhan din dito ni Chen. Pumasok na kami in-assist kami ng isang babae na na parang naka traditional na Chinese clothing.

"Ang dami mo namang inorder Troy." ako 'tong nagreklamo kahit hindi naman ako ang magbabayad.

Dati nga ay nahuli kami ni Tita dahil nga binibilhan niya ako ng kung ano-ano. Ayon, pinagalitan ako ni Tita kaya kahit gusto niya pa rin akong bilhan, ako na ang tumatanggi.

"Niya, who's that?" biglang tanong ni Chen kaya napatingin ako sa kanya. Inisip ko ang tanong niya kung sino ang tinutukoy niya nang maalala ko si Jacob nga pala ang nakasalubong namin kanina.

"Ah, si Jacob tsaka girlfriend niya. Kaibigan ko si Jacob at tsaka kaklase." sagot ko.

"Yeah, your first love right?" sabi ni Troy habang kumakain. Bigla tuloy akong nasamid kaya binigyan ako ng tissue ni Chen.

"Naka-move on na ako." depensa ko sa kanya. Nakakainis, bakit kailangan niyang i-bring up 'yon? Gusto ko na talaga siyang tirisin ng buhay.

"I like Kuya Jacob pa naman kaso may girlfriend na siya 'e, ikaw na lang Kuya Chen." ngumiti si Tessa sa kanya.

Natawa ng mahina si Chen. "What do you mean Tessa?" huminga ako ng malalim dahil parang gusto niya pang klaruhin ang gustong palabasin ni Tessa.

"Tumigil na nga kayo, ang daldal nyo." pagputol ko sa kanila. Kinain ko na yung Xiao Long Bao na inorder ni Troy.

Mabuti naman ay nag-focus na rin sila sa pag kain. Masyado silang madaldal at gusto ko silang pasukan ng tissue sa mga bunganga nila nang matigil na sila.

Nang matapos na kaming kumain ay lahat kami ay busog kaya nagdesisyon kami na magpahinga na lang mun bago lumabas ng restaurant. Nakabayad na rin ng bills si Troy gamit ang credit card niya.

"Ate, move to Kuya Chen's seat, i will take of a picture of you guys." ngumiti si Tessa sa akin. Si Chen na ang lumapit sa akin kaya wala na akong nagawa.

Hindi ko alam kung bakit lahat ng trip ng mga kapatid ko ay lagi niyang sinusunod. Nag-pose na lang ako ng peace sign at ngumiti.

"Kuya, put your hand in her shoulder so it looks romantic." pinandilatan ko si Tessa ng mata pero ngumiti lang siya.

Tumingin sa akin si Chen na parang nanghihingi ng permiso, at hindi ko siya binigyan ng permiso dahil ayoko rin na mailang siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti dahil naintindihan niya naman ang gusto kong iparating.

Naka-ilang take si Tessa hanggang sa apat na kami ang nag-picture. Nag-picture din ang dalawa 'kong kapatid na solo pic dahil ipo-post daw nila sa Instagram.

"Ate, should take a picture also, post it on Instagram." sabi ni Tessa na ikinailing ko. Hindi ako mahilig mag-picture at bukod doon ay wala akong Instagram.

"She doesn't have an Instagram, Tessa." pagpapaalala ni Troy sa kanya.

"I made her an account, you didn't use it Ate?" tanong ni Tessa. Umiling ako, napapadyak naman siya dahil hindi ko na naman ginagamit ang mga ginawa niya sa akin.

Ginawan niya rin ako ng Twitter pero ang hirap gamitin, hindi ko alam kung paano gamitin. Sa Instagram naman, naintindihan ko naman siya kaso wala naman akong ipopost na picture. Facebook lang ang meron ako at hindi ko rin masyado nagagamit. Messenger lang ang ginagamit ko para sa contact ko sa mga kaklase ko.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon