24

16.5K 228 15
                                    

24

Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta sa hotel, wala akong maalala.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga nang maramdaman na wala akong saplot sa katawan at tanging makapal na tela lamang ang bumabalot sa katawan ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.

Tumingin ako sa paligid ko at wala naman akong kasama dito, wala akong kasama sa kama, pero mali ako.

"Gising kana?" narinig ko ang boses ni Jacob. Siya ang kasama ko? Lumabas siya mula sa bathroom ng hotel, bath robe lang ang suot niya

Umupo siya sa kama at tinignan lang ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kahapon, pero ramdam ko na may nangyari. Ayoko mang isipin pero yun ang nararamdaman ko.

"Gusto mo bang magpadala tayo ng pagkain dito or sa baba na lang? May buffet sa baba." sabi niya. Itinanggal ko ang kaba sa sarili ko.

"May nangyari ba?" mahinang tanong ko sa kanya. Walang sabi na tumango siya. Hinawakan niya ang batok ko at inilapit ang ulo ko palapit sa kanya. Hinalikan niya ang labi ko at ang noo ko.

"May masakit ba?" tanong niya. Tumango ako dahil nararamdaman ko sa kaselanan ko ang hapdi. Pumunta siya sa bathroom at kumuha ng bathrobe para sa akin.

Tumalikod siya kahit alam ko namang useless na dahil nakita niya na rin ang kabuuan ko. Sinuot ko yung bathrobe at mas naging komportable na ako kaysa naman sa wala akong saplot.

Tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Hindi ko pinagsisihan yung nangyari Niya, pero gusto 'kong mag sorry dahil hindi ako nakapagpigil." sinserong sabi niya.

Lumambot ang ekspresyon niya, nakatingin lamang siya sa akin na parang isa akong babasaging bagay na iniingat ingatan niya pero huli na dahil nabasag niya na ako.

Pero hindi yun yung nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay mas naging buo pa ako. Na parang mas naging ganap na isa akong babae.

Tumango ako. "Hindi ko rin naman pinagsisisihan Jacob." nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon at nakita ko ang saya.

Tumango siya. Mabilis niyang hinalikan ang labi ko pati na ang tuktuk ng ulo ko. Hindi ko nagawa ang gustong mangyari ni Mariela na komprontahin siya pero sa tingin ko ay sapat na ang nangyari para malaman na baka nga ay may pagtingin siya sa akin.

Hindi niya lang masabi pero nararamdaman ko.

...

Nag-decide kami ni Jacob na magliwaliw muna sa Tagaytay bago kami umuwi. 8pm ang usapan na uuwi kami kasama ang iba dahil may service kami.

4pm ay napagdesyunan naming pumunta sa Sky Ranch. Hindi ma-explain ang saya ko. Ito ang unang beses na nakapunta ako dito, at kasama ko pa si Jacob.

"Picture tayo?" tanong ni Jacob. Ngumiti ako tumango. Kinuha ko ang phone ko at nagpicture kaming dalawa. Hinalikan niya ang pisngi ko habang ako ay nakatingin sa camera at nakangiti, kinapture ko 'yon at parehas kaming natawa dahil doon.

Kung ano anong rides ang sinakyan namin, hanggang sa nakaramdam kami ng gutom. Bumili muna kami ng pagkain at nagpahinga sa bench.

"Pagod kana?" tanong niya. Ngumiti ako at umiling.

"Kahit hanggang umaga tayo dito." sabi ko na ikinatawa niya.

Inayos niya ang buhok ko at pinunasan ang pawis ko gamit ang kamay niya.

"Sayang, kung nandito lang si Mariela, mas masaya siguro no?" sabi ko sa kanya. Tumango lang siya pero mukhang hindi niya naman gusto.

"Ayaw mo na nandito si Mariela?" tumango ulit siya. Napasimangot ako. Tignan mo ang lalaking ito, hindi man lang nagpanggap.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon