09

26.3K 379 7
                                    

09

"HSU week?"

Tumango ako. "Tradition 'yon sa school. Gusto mo ba sumali sa Mr. and Ms. HSU? Bagay ka don."

"Ay oo, kabugin mo lahat ng mga lalaki dito, ang papangit kasi 'e." natatawang sabi ni Mariela. Baliw talaga.

"Anong pangit? Suntukin kaya kita dyan." pakikisali ni Mark sa usapan namin at umupo sa desk na inuupuan ni Yell.

"Doon ka nga, tignan mo 'yang pawis mo oh, didikit ka na naman sa akin." naiinis na sabi ni Yell at tinulak siya.

"Ang arte mo." mas lalo pang dumikit si Mark kay Yell nang hilain ni Kalvin ang kwelyuhan niya palayo kay Yell. Tumawa nang malakas si Yell at nag midfing kay Mark.

Napailing na lang ako.

"How can I join?" natatawang tanong ni Chen dahil sa eksena ni Kalvin at Mark kanina.

"Samahan kita bukas, bukas yung audition 'e." alam ni Yell kung paano ang proseso dahil sumali na rin siya last year kaso hindi siya nakapasok dahil masyado daw siyang overqualified at baka matalbugan ang lahat ng contestants pero ang totoo ay hindi talaga siya nakapasok.

"You should join also." sabi ni Chen na agad 'kong ikinailing.

"Hindi ako magaling diyan." natatawa 'kong sabi. Imposible na sumali ako diyan dahil hindi rin naman mataas ang kumpiyansa ko sa sarili ko. At hindi ako mahilig sa mga ganyan.

"Jacob! Halika dito." tinawag ni Yell si Jacob na agad lumapit sa amin. Umupo siya sa desk ko dahil nasa gilid naman ako at nasa gitna ang pwesto ni Chen.

"Sali ka rin sa Mr. and Ms. Umak. Isasali ko din si Niya." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong sasali? Hindi ako sasali. Sa tingin mo ba mananalo a--"

"Oo." pagputol sa akin ni Jacob. Nakatingin siya sa akin nang sabihin niya 'yon.

"O diba, mananalo ka. Si Jacob na nagsabi, sumali kayong tatlo hah, bukas yung screening. Galingan nyo lang mag-rampa rampa." parang wala na kaming karapatan humindi dahil pinal na ang pagkakasabi niya.

Tumingin ako kay Jacob na ngayon ay nakatingin kay Chen. Ngumisi lang siya at saka umalis na ay bumalik sa upuan niya. Magkaaway ba sila ni Chen?

Nagpaalam si Chen na pupunta sa CR dahil vacant pa naman namin.

"Magkaaway ba yung dalawang 'yon?" tanong ni Mariela. Nagkibit balikat na lang ako.

"Hindi ako sasali hah." pag-ulit ko sa kanya. Inirapan niya lang ako na parang sinasabi niya na wala akong karapatang magdesisyon.

Bumalik na ulit si Chen sa upuan at kinuha yung laptop niya at tinignan ang project namin.

"You guys really did a good job in design." puri niya sa amin ni Yell, si Yell naman ay nag-flip hair na akala mo ay sa kanya ang ideas ng design pero lahat ay kay Chen ang ideas.

Pag may free time kami ay puro pagco-code ang ginagawa ni Chen, ganoon din si Kalvin at Jacob. Kami naman ay nagrerevise pa minsan minsan ng design. Magwa-one week na at nasa kalahati na kami. Pero pakiramdam namin ay matatapos na talaga pero mukhang imposible din talaga.

Tinignan ko si Chen at naka-focus na siya sa pagtype ng karagdagang codes para sa project. Nakikiusyoso na nga ang iba dahil bakit daw ang bilis namin at yung iba ay halos wala pang nasisimulan o konti pa lang.

Pumunta si Yell sa upuan ni Kalvin at iniwan kaming dalawa ni Chen sa upuan.

"Niya, are you free this coming saturday?" tanong niya sa akin. Bukas  makalawa ay sabado at walang pasok.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon