25

17.5K 219 12
                                    

25

"Anong nangyari sayo? Bakit parang nanghihina ka dyan?" tanong ni Mariela nang makarating ako sa school at second subject na 'yon.

Umiling lang ako. "Gabi na kasi kami nakauwi galing Tagaytay, sobrang nakakapagod." sagot ko sa kanya. Sobrang nafi-feel bad ako dahil nagsisinungaling ako sa kanya.

"Para kang nadiligan ah, gumanda ka." sabi ni Mariela at tumawa.

"Hindi naman ako nabasa, paano ako madidiligan?" tanong ko. Mas lalo pa siyang natawa sa tanong ko.

"Tanga, dilig. Nadiligan. Ibig sabihin naka-you know, jugjugan." sabi niya. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Sex, pota naman. Kako para kang may naka-sex." umikot ang mata niya. "Hay nako, ano nga pala nangyari sa Tagaytay, masaya?" tanong niya.

Halos hindi na ako makasagot sa kanya dahil nahulaan niya na ang nangyari kahapon, at sa Tagaytay. Ayoko naman sabihin na may nangyari dahil alam 'kong tatanungin niya lang ako ng kung ano-ano.

"Jacob! Halika dito, wala ka bang dala dyan? Shanghai?" tanong ni Mariela. Lumapit sa amin si Jacob na kakarating lang rin.

Lantaran niyang hinalikan ako sa gilid ng labi ko, sa harapan ni Mariela, sa harapan ng iba naming kaklase. Narinig ko ang tuksuhan ng mga kaklase ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. Tinignan ko si Jacob at nakangisi lang ito. Pumunta siya sa upuan niya na parang walang nangyari.

"Todo alaga pa ako sa kalusugan ko, sa inggit lang pala ako mamatay, putangina nyo." rinig 'kong sabi ni Nicole. Tumawa ang iba na nakarinig.

"Hoy, ano 'yon?" tanong ni Mariela. Umiling lang ako dahil maski ako ay nagulat sa ginawa niya. Nawala na rin ang atensyon sa amin dahil dumating na yung Prof namin.

"Kayo na ni Jacob?" tanong ni Mariela. Umiling ako dahil hindi naman kami ni Jacob at hindi pa namin kina-clarify sa isa't isa kung ano kami.

"Hay nako, ang labo niyong dalawa. Bahala na nga kayo." hindi na rin naman ako tinanong ni Mariela dahil may quiz rin kami ngayon.

Pagkatapos ng isang oras na lecture and bente minutos para sa quiz, kahit papaano ay nakapasa naman kami ni Mariela dahil nagkopyahan rin kaming dalawa, at nakopya din kami sa iba. Natapos ang klase at lilipat na kami sa Com Lab.

Natext ko na si Chen at nakamusta, ang sabi niya ay nasa China daw siya at bukas na siya uuwi, kaya kinabukasan ng bukas ay doon pa lang siya makakapasok. Wala na rin naman kaming problema sa program namin at weekly screening na lang ang ginagawa ng Prof namin.

Luckily naman ay puro puri ang natatanggap namin dahil nga masyadong advance ang gawa namin dahil kay Chen na marami na ang alam sa pag gawa ng program.

Nag-activity kami ng isa at si Mariela ang partner ko, as expected ay hindi naman ganoon kahirap ang pina-activity sa amin at nagawa namin ng tama yung activity. Pagkatapos ng activity namin ya binigyan kami ng 30 minutes break at screening na ng mga gawa ng groups.

Nag-CR muna kami ni Mariela at nandoon din ang iba 'kong mga kaklase na babae.

"Kayo na ni Jacob? Naks naman, libre mo nga ako." sabi ni Vela.

"Tanga, complicated pa nga rin e, malay mo pinaasa lang siya ni Jacob." sabi ni Mariela.

Napailing si Crisha na kaklase ko rin. "Pasalamat ka na lang at ikaw lang ang nilalandi ni Jacob, mukhang hindi naman mangbabae. Bakuran mo na Niya, mamaya balikan niya ang ex niya o guluhin kayo ng ex niya. Alam mo kung ako sayo, ikaw na mag-iniate ng label nyo, sabihin mo kayo na, para wala na siyang kawala." sabi ni Crisha at nagsitanguan sila.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon