27

17K 215 5
                                    

27

"Tessa, nag bake si ate." kumatok ako sa kanyang pinto pero hindi 'yom binubuksan ni Tessa. Alam 'kong nasa loob siya ng kwarto pero alam ko rin na galit siya sa akin.

Nakailang katok na ako sa pinto ni Tessa pati na rin kay Troy at hindi pa rin nila ako pinagbubuksan. Bumalik na lang ako sa kwarto ko at umupo sa kama.

Nagawa ko na ata lahat ng bagay na dapat 'kong gawin para patawarin nila akong dalawa pero galit pa rin sila sa akin. Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang araw na 'yon. Dalawang linggo ko na ring sinusuyo ang dalawa 'kong kapatid pero hindi pa rin nila ako kinakausap.

Dalawang linggo na rin akong hindi pumapasok dahil yun ang gusto ni Papa. Inayos ng secretary niya ang leave of absence ako at bukas na ulit ang balik ko. Dalawang linggo 'kong hindi nakausap si Jacob, kumpiskado rin ang cellphone ko simula nung araw na 'yon.

Gabi-gabi ay umiiyak ako dahil sa pag-iignora sa akin ng dalawa 'kong kapatid at dahil na rin sa hindi ko makausap si Jacob. Magpapaliwanag ako sa kanya pagpasok ko bukas. Alam ko na nahuli na ako sa lahat, pero wala na akong magagawa kung hindi tanggapin na 'yon ang parusa ko.

Agad na pumunta ako sa bathroon ko nang maramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko. Nakakailang suka na ako ngayong araw at hindi ko alam kung bakit. Marahil ay dahil sa marami akong nakain kahapon.

Naghilamos na lang ako at bumalik sa aking kama at humiga. Gaya ng lagi 'kong ginagawa. Nag isip ako na pwedeng gawin para mapatawad ako ng aking mga kapatid. Iniisip ko nga na bilhan sila ng regalo pero hindi ko alam kung ano ang ireregalo ko. Siguro ay magpapasama ako bukas kay Jacob.

...

Maaga akong pumasok sa school at halos ang lahat ay tinanong kung bakit ako absent sa dalawang linggo. Hindi ko sinabi ang dahilan pero sinabi ko na lang na personal reasons. Hindi ko alam kung paano ako makakahabol sa lahat pero maghihintay na lang ako sa intruksyon ng mga Prof ko.

Dumating na si Mariela at agad na niyakap ako nang makita niya ako.

"Anong nangyari? Bakit absent ka ng dalawang linggo? Na-miss kita shuta ka! Hindi ka nagparamdam!" mahigpit ang yakap niya sa akin.

Nagi-guilty ako dahil hindi ko man lang siya na-contact sa dalawang linggo na 'yon. Para na akong mababaliw sa dalawang linggo na nakakulong ako sa bahay. Hindi ko alam kung paano ko nakaya na nasa bahay lang ako.

"Kausapin mo si Jacob. Dalawang linggo na galit 'yon sa mundo." sabi niya. Tumango ako. Dapat 'kong ipaliwanag sa kanya ang nangyari.

Unang subject ay hindi ko nakita si Jacob. Ni-raise ko rin ang concern ko dahil nga nawala ako ng ilang araw, sobrang nagpapasalamat ako dahil bibigyan ako ng chance ni Sir na i-take yung mga quizzes na na missed ko.

Second subject ay doon na pumasok si Jacob. Agad na lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Na-miss kita!" masayang sabi ko sa kanya. Umasa ako na yayakapin niya ako pabalik pero hindi 'yon nangyari. Humiwalay ako sa yakap at tinignan siya.

Hindi siya nakatingin sa akin at tagos ang tingin niya. Malamig ang kanyang mga mata na parang matagal tumira ang pagiging malamig niya sa kanyang sistema.

"Jacob, sorry pala at hi---"

"Mamaya na tayo mag usap, wag muna ngayon at may klase pa." malamig na sabi niya. Medyo nagulat ako dahil parang galit siya sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Bumalik ako sa upuan ko dahil nga ay nagsimula na rin ang second subject namin. Buong klase ay hindi ko nakausap si Jacob dahil tahimik lamang siya at parang walang sa mood. Hindi ako nag overthink ng kung ano-ano dahil ayoko na madagdagan lang ang mga iniisip ko. Ang mahalaga sa akin ay makakausap ko na ulit si Jacob.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon