00

65.2K 745 53
                                    

00

Hindi ko na alam kung paano ako lalabas sa lugar na 'to, ngayon lang ako nakapunta dito. Alam ko naman na malapit lang ako dito sa McKinley pero hindi naman dito ang madalas na puntahan ko. Kung bakit ba naman hindi ako tumingin kanina sa papunta dito at natulog lang ako sa kotse.

Halos magga-gabi na at hindi ko alam kung na saan ako. Tumingin ako sa paligid. Hindi ko maiwasang mamangha, para akong nasa Premium Philippines.

Tumingin ako sa paligid at may nga nakikita akong mga banyaga na estudyante na lumalabas mula sa school na nasa likod ko na ngayon ko lang napagtanto na school pala.

"May school pala dito?" tanong ko sa sarili ko. Pinagmasdan ko ang eskwelahan. Hindi siya ganoon kalaki pero alam mong mamahalin ang school.

"Chinese International School. Puro chinese siguro mga estudyante dito." komento ko.

"Everyone can study here." agad na kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa nagsalita, at lalaki ang nakita ko.

"Bakit? Diyan ka ba nag-aaral?" tanong ko sa kanya. Nakatingin lang ito ng deretso sa kalsada.

"Yeah." tipid na sagot niya.

"Chinese ka?" tanong ko sa kanya. Tumango siya. Mukha nga siyang Chinese dahil sa pagka-mestizo nito.

"Pero nakakaintindi ka ng Filipino?" tanong ko ulit.

"I studied it." labis na namangha ako dahil hindi madali ang pag-aaral ng isang lenggwahe na hindi mo naman nakasanayan.

"Nag-try din ako mag-aral ng Chinese Language 'e, 'wo ai ni' lang alam ko." humagikgik ako. Nakita 'kong tumaas ang side ng labi niya. Ngumiti ba siya?

"Teka, alam mo ba saan palabas dito? Papunta sana sa C5 road." agad na tanong ko. Panigurado naman ay alam niya ang lugar na ito dahil dito siya nag-aaral.

"That way." tinuro niya ang daan at isang deretso lang naman pala, pero mukhang malayo ang lalakarin ko.

"Aigoo-ya." Napailing na lang ako. Sana lang ay may masakyan agad ako pauwi. Kukunin ko sana yung wallet ko sa bag nang maalala ko na pinahawak ko ang bag ko kay Tessa.

"Korilashikotopiruteru." mahinang bulong ko sa sarili ko. Doon na ako nagsimulang kabahan. Wala rin ang cellphone ko sa akin. Malayo pa ang bahay ko mula sa McKinley.

"Mr. Chen, let's go." napatingin ako nang marinig ko 'yon. Mukhang bodyguard o driver 'yon ng lalaki 'kong kausap at may isang magarang kotse ang naka-park sa harap namin. Mukhang nagmamadali na rin dahil nga hindi naman pwedeng mag-park nang matagalan sa kalye.

Halata ngang mayaman ang lalaking nakausap ko na ngayon ay nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasanang mamangha sa itsura nito at talagang napaka-gwapo nito. Agad na umiwas ako ng tingin at tumingin na lang sa kalsada.

"Is there a problem?" tanong nito na ikinagulat ko.

Agad na umiling ako at ngumiti ng pilit. "Wala hehe." humagikgik ako nang mahina. Mukha hesitant pa ito na pumasok sa kotse pero wala na rin siyang nagawa dahil nga kailangan na rin umalis ng kotse sa kalsada.

Sinundan ko na lamang ng tingin ang kotse hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Nagsimula na akong maglakad sa direction na tinuro niya. Sobrang haba pa ng lalakarin ko. Wala naman akong pera kaya wala na akong choice kung hindi lakarin mula McKinley hanggang sa Waterfun.

"Exercise."

Nagsimula na akong malakad. Hindi pa ako nakakalabas sa McKinley dahil sa kahabaan nito at naramdaman ko na ang pagod, pataas pa ang daan nito. Nang makalabas na ako ng McKinley at nakita ko na ang C5 na ikinangiti ko.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon