Simula

43.6K 406 62
                                    


A/N;

Pagpasensyahan niyo na if may mga error kayo na nababasa, hindi pa kasi ito naeedit kaya ganun but i'll try my best to fix it thanks!

This is work of fiction. All the name that are in this story was from my own mind. If you find out that it has similarity in real life or in other story, i didn't mean that.

Plagiarism is a crime so please DO NOT copy or adapt any scenes, story titles, name and lines.

This installment has sensitive topics please allow the characters and the theme to progress. Enjoy reading!



— SIMULA

Ako si Adeline Claire Rovale, three years na akong patay dahil sa isang aksidente, hindi ko naman sinisisi yung pagkaaksidente ko kaya ako nandito sa paraiso, yes this is paradise kung saan wala kang makikita sa mundo ng mga tao. Sa una hindi ko tanggap dahil first year college palang ako nun nung maaksidente ako, dahil doon hindi ko natupad ang pangarap kong maging isang doctor.

Isa lang akong anak kaya mas nasasaktan ako sa nangyari dahil alam kung lubos na nasasaktan si Mommy sa nangyari sakin pero kapag oras mo na talaga oras mo na.

Masaya naman manirahan dito sa paraiso dahil kasama ko ang mga kaibigan kong namayapa na katulad ko, mga kamag-anak ko.

Kung inaakala mong isa akong mabait, mahinhin na anghel pwes nagkakamali ka, ako lang naman ang ubod ng likot dito kung saan dahilan para mainis sa akin si Pinuno. Si pinuno ang nakakatandang anghel sa amin kung saan siya ang nagbibigay ng misyon sa mga kapwa ko anghel, hindi pa ako nagkakaroon ng misyon pero hephep ayaw kong magkaroon ng misyon dahil parang gusto ko ng mamatay kahit patay na rin ako.

" Adeline, tawag ka ni Pinuno, parang galit yata " narinig ko namang tawag ni Bianca ang pangalan ko, si Bianca ay kaedad ko lang kaya naging magbestfriend kami dito sa paraiso.

" May ginawa ka na naman 'no Adeline? " Sabi ulit sakin ni Bianca habang ang mga kamay ko ay nakatakip sa tenga ko para hindi ko marinig ang mga sinasabi saken ni Bianca, alam ko namang sesermunan na naman ako ni Pinuno, ano bang magagawa niya eh ganto talaga ugali ko.

" Adeline naririnig mo ba ako? "

" Hoy Adeline!!"

" Adeline, diyan na si Pinuno yari ka " agad ko namang tinanggal ang kamay ko sa tenga at umasta na parang inosente, nakita kong papalapit si Pinuno kung saan ako nakatayo.

" Adeline "

" Yes po Pinuno " sagot ko naman

" Ginawa mo ulit yung kasalan mo kahapon, ilang beses ko bang sasabihin sayo Adeline na wag na wag kang maglalaro sa ulap, lumalabas ka na naman dito "

Wala namang mali dun ah, nakipaglaro lang naman ako sa mga ulap at tsaka yung mga kapwa anghel ko pinangbato ko ng ulap, eh hindi naman masakit yun ah

" Ano po kase pinuno uh- " hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Pinuno

" Dahil diyan may parusa kana " nanlaki ang mga mata namin ni Bianca nang marinig ang sinabi ni Pinuno, parusa? Arghhh

Ha? Hatdog parusa nahh, hindi maari ako si Adeline at tsaka walang parusa pagdating saken noh.

" Pinuno, magpapaliwanag po ako " sabi ko naman sabay lapit kay pinuno

" Hindi mo na kailangang magpaliwanag adeline, nakailang paliwanag kana, mga 100 plus na nga diba at dahil sa ubod ng likot mo bibigyan ka na ng parusa, hindi naman sa parusa pero ito ang pinakamahirap na misyon "

Parusa daw tas naging misyon aba tanga kausap ni Pinuno ah, kaloka toh ha.

" MISYON? HAAAAAAAAAAA? " sigaw ko habang nakatakip ang kamay ko sa tenga, ang pinakakatakutan ko misyon, eh ayaw ko na nga dibang bumalik sa mundo ng mga tao dahil nasasaktan lang ako, paano toh? Paano tulungan niyo naman kase ako parang di friends ah.

Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now