Kabanata 24

5.2K 102 52
                                    


Nagising ako dahil sa kalabog na ingay na nagmumula sa aking kwarto, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sakin si Berta na naglilinis ng kwarto ko at pati mga damit ko, ano kayang gagawin ni Berta sa mga gamit?

" Hoy! anong ginagawa mo sa mga gamit ko ha? "

Napatalon si Berta nang biglaan ko nalang syang sinigawan.

" Ano ba Adeline, nanggugulat ka naman easy kalang, at nga pala itong ginagawa ko sinunod ko lang ang utos ni sir. "

" Huh? Utos? Anong utos naman Berta? " Nagtatakang tanong ko dito habang si berta naman ay patuloy ang paglalagay ng mga damit ko sa isang malaking lalagyanan, actually kanya naman yan mga damit e.

" Sabi ni bebe mo ay ni sir pala, lahat ng damit na ito ay ililipat sa kwarto ni sir. "

" Anoo? seryoso ka? " Laglag panga kong tanong dito, kinakalabutan ako ngayon.

" Hindi ko din alam, malay mo joke  lang diba? Pero sa tono ni sir hindi e, at kayo na 'no? Hindi mo naman sinasabi samin Adeline, nkakatampo ka tuloy. " Parang tanga 'tong si Berta eh magkausap kami ni pogi sa dining area nakasilip sila dalawa ni Chin, and alam namang narinig nilang lahat yung pinag-uusap namin ni pogi.

" Kahit nakasilip kayo hindi niyo narinig? "

" Ah—eh, narinig naman "

Hays ano kaya ang pumasok sa utak ni pogi at gusto niyang ipalipat lahat ng gamit ko sa kwarto niya, omg baka— ano ba adeline pinag-iisip mo assuming ka talaga as if naman na patulan ka sa kama ni pogi, pero pwede naman diba? go lang goo with the flow!

" Oh Adeline, magmugmog kana kaya at may bisita yung bebe mo, at aalis na ako dadalhin ko pa'to sa room ni sir. " Tumango lang ako at ibinaling ko ang aking sarili sa salamin.

Ang mo self!

Pero napapaisip ako. . . kung tama paba yung mga ginagawa ko, kung makakabuti paba yun kay pogi, paano nalang kung tapos na yung misyon ko? pano nalang kung babalik na ako sa langit, pano na si pogi, ako pa naman ang kauna-unahang babaeng minahal niya tapos ganto pa ang mangyayari. Nakakainis!

Bumaba na ako ng hagdan upang kumain, piling ko nga ako na ang boss dito na sa mansion na'to e, tanghali  na magising at kakain nalang pero okay lang naman wala din namang ginagawa sina berta at chin e, malinis naman kasi ang buong mansion kaya tanging luto at laba lang ang nagagawa nila.

Pagdating ko sa sala nakita ko si pogi na nakaupo sa sofa, nakasuot siya ng white tshirt, aba walang pasok ah at wait may kausap, hala si Franco, namiss ko sya ah at may kasama pang magandang babaeta sino kaya yun, mapuntahan nga.

Pumunta na muna ako sa may kusina dahil nandun si Chin  nakita ko namang nag-aasikaso sya ng pagkain.

" Oh Chin, para kanino yan? Mukhang masarap ah. "

" Ay gising kana pala ate Adeline, para 'to sa bisita ni sir sina sir franco at asawa niya yata yung babae. "

" Asawa ni franco? "

" Opo, wait dadalhin ko lang po sa kanila 'to ah. "

" Wait chin, ako nalang. " Pagpigil ko naman dito, para naman marinig ko ang pinag-uusapan nila pogi kaya napag-isipan kong ako nalang ang magdadala ng pagkain kanila.

" Oh sige po ate Adeline, salamat! "

Ngumiti nalang ako kay at inayos ko muna sarili ko para naman mukha akong anghel kapag haharap kay pogi 'no then hinga ng malalim.

" Ayan okay na! "

Kinakabahan tuloy ako habang papalapit kina pogi, parang mawawalan yata ako ng tuhod bakit kaya ganito yung nararamdaman ko ehe, at nang makarating na ako kina pogi napansin ko namang tumingin sya sakin at syempre it na chance ko oh, ngumiti ako sa kanya at kumindat.

Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now