Kabanata 29

2.8K 62 33
                                    


ADELINE POV

Everything happens for a reason nga, ilang buwan nadin ang nakalipas nagkaayos nadin sina tita at bray, masaya ako para sa kanila dahil pakiramdam ko nagawa kona ang misyon ko pero nalulungkot din dahil anytime maaari na akong bumalik sa langit.

Nandito kami ngayon nila pogi at tita sa harap ng simbahan, it's sunday kakatapos lang naming magsimba yes maraming nagbago, at sa pagbabagong iyun hindi na ako katulong sa mansyon ni pogi kundi isa na akong girlfriend, upgraded ako 'no pero hindi ibig sabihin nun buhay señorita na'ko, tumutulong padin ako sa gawaing bahay. Minsan naiisip ko, ang layo na pala ng narating ko, hindi ko aakalain na tatanggapin ako ni tita para sa anak niya at may bonus pa nagkaayos na sila, diba!

Dati hindi nagsisimba si Bray pero ngayon sya na ang nagyaya, ang sarap sa piling, sana ganto nalang lagi, sana dito nalang ako lagi sa tabi niya para makita ko kung paano maging masaya si bray at kung paano niya enjoyin ang buhay niya na walang iniisip na problema.

" Let's eat? i know you guys are hungry " sabi ni tita sa bago kami sumakay ng kotse.

" Sure mom, i know that ade wants to eat na, kanina pa kumukulo tyan niyan " baliw naman 'tong si bray, kumain kaya ako. Hindi ako nagugutom, natatae ako.

" Baliw ka talaga, hindi ha " sabay hampas ko sa braso ni pogi, nakupo kami ni pogi sa unahan ng kotse at si tita naman ang nasa likod.

"Ang cute niyong tingnan " tita giggles

" Okay, let's go " at simula nang magdrive si pogi papunta kung saan.

" Uhm Adeline Bray. . . wala ba kayong balak magpakasal? " nagkatinginan kami ni bray nang banggitin iyunni tita, hindi ko alam ang isasagot ko.

" We're planning palang mom " napalunok ako ng laway nang sagutin yun ni pogi, parang gusto ko ng lumabas ng kotse at lumunok ng bato para maging darna. Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi yun mangyayari.

" That's good, gusto ko na kasing magkaapo "

" Ay puke ng baboy " napasigaw ako nang marinig iyun.

Huminto ang kotse at tumingin sakin si Pogi.

" Why? "

" May ipis "

" Huh?? kakalinis ko lang ng car ko ah "

" Ah baka guni-guni ko lang " sagot ko naman

" Alright then " he kissed my forehead then nagstart na syang magdrive ulit.

" Nilalanggam ako dito oh " tita said

I saw Bray smiling, grabe nakakamatay ang ngiti niya.

And this is the last time that i saw Bray smiled like that, nandito ako ngayon sa loob ng simbahan habang nakatitig kay Bray na nakaluhod at patuloy parin ang pagpatak ng kanyang mga luha, humihiling sa panginoon na ibalik ako.

Oo, kaluluwa na ulit ako gusto ko man yakapin at halikan si bray ngunit hindi kona ito magagawa dahil tapos na ang misyon ko, ito na ang araw kung saan alam kong masasaktan ng sobra si Bray, gusto kong punasan ang mga luha ni niya dahil alam kong kanina pa sya nandito sa may simbahan maglilimang oras na syang nakaluhod dito at nagmamakaawa na ibalik ko, hindi niya alam na nadito lang ako sa tabi niya.



~ FLASHBACK

ADELIN POV

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami ng mall dahil may bibilhin daw si tita kaya ayun sinamahan na namin ni Bray, pero kanina pa ako di mapakali na parang may mali e. Parang may kaninang pang sumusunod samin, alam ko namang pogi si Bray kaya halos nang madaanan namin napapatingin talaga sa kanya pero may kakaiba talaga e.

Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now