Kabanata 01

11.3K 266 44
                                    

A/N;

Etoh na nga , don't forget to vote and comment, thank you mwa!!


— KABANATA  1


MANANG LOTLOT POV

Papalabas ang ng gate para magtapon ng basura, pero bago yun ako nga pala si Luceta Alcara, 30 years na akong nagtatrabaho dito sa bahay ni Bray oo Bray lang ang tawag ko sa kanya dahil halos ako na yung tumayong magulang ni Bray, mula pagkapanganak sa kanya ako na ang nag-alaga kay Bray kaya lubos niya akong ginagalang kahit na isa lang akong katulong, mabait na bata si Bray para saken dahil minsan talaga masungit siya, matipid magsalita ganyan na talaga si Bray at ngayon 23 years old na siya, naawa rin ako sa kanya dahil lalo siyang naging suplado, tahimik ma tao nang malaman niyang ipapakasal siya sa babaeng di niya naman gusto. Yun ang utos ng Mommy niya, grabe napakastrikto ng mommy niya habang ang Daddy niya naman patay na nung 6 years old palang siya.

May kapatid si Bray na nakakabata sa kanya si Yvonne, nasa Amerika kasama ng mommy niya at pagkakaalam ko uuwi dito bago ang  birthday ni Bray pati na ang lola niya na si Donya Elinda.

Balik tayo sa kasalukuyan ko..

Magtatapon ako ng basura dahil grabe tatlong araw na palang hindi natatapon tong basura sa kusina nang umalis si Anya, si Anya nga pala siya yung tinanggal ni Bray sa trabaho eh nabuhusan lang ng kape ayun,  pinakausapan ko naman si Bray at akala ko lalambot siya hindi pala, eh alam mo naman si Bray ayaw sa mga boba.

Habang nilalagay ko sa may gilid ng gate ang mga basura nang may nakaagaw saken ng atensyon nakita ko ang isang nakalabas na paa sa may basurahan kaya kinabahan ako na tao ito kaya inaalis ko ang mga basurang nakatabon dito para makita ko ng buong-buo.

" Jusko " bulong ko naman sa sarili ko habang nakatakip ang mga kamay ko sa bibig.

" Tao nga ito, at hindi lang basta tao magandang tao, jusko hubo't-hubad, ginahasa yata ito " bulong ko ulit sa sarili ko kaya agad naman akong pumasok sa loob para kumuha ng pang-itatakip sa hubad na katawan ng dalagita. Habang kumukuha naman ako ng tela sumalubong naman saken si Berta ang pamangkin ko.

" Nang yung niluluto niyo doon masusunog na naku " irita niya namang sabi habang ang mga mata ko ay patuloy paren sa paghalungkat ng tela.

" Ito " agad naman akong tumakbo palabas

" Nang!! "

" Ikaw na muna bahala at may aasikasuhin lang ako dini " sagot ko naman






ADELINE POV

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, hanggang sa nakita ko na ang buong paligid.
Pero puro bahay na malalaki naman ang nakita ko, ang sakit ng ulo ko punyeta para nahang-over yata ako, kainis naman si Pinuno ihuhulog nalang ako bigla, at pakiramdam ko gutom na gutom ako, arghh.

Ang baho puta ano ba toh, ihuhulog na nga lang ako hindi pa dun sa malambot na mabango, infairness malambot naman kaso mabaho piste, basurahan yawa kaya pala mabaho na malambot, naku pinuno kumukulo talaga dugo ko sayo, ang sama mo grabe!.

Tatayo na sana ako nang maramdaman kong wala akong saplot? Wala ako damit,tumingin ako sa katawan ko, at confirmed wala nga akong damit kahit panty manlang at bra ni wala, tangina nakakadalawa kana pinuno kapag talaga ako nainis sayo sobraa, lalagyan ko ng floor wax ulo mo para mas lalong kumintab.

May lumabas naman sa gate na isang matandang babae habang may dalang tela, nakikita ko sa itsura niya kung gaano siya nagmamadali.

" Iha, gising ka na pala etoh suotin mo, hayst naku bakit kaba nakahubad ha, ginahasa kaba iha? " Sunod-sunod namang tanong ng matandang babae habang binabalot niya sa katawan kong hubad ang dala niyang tela.

Spy Of TomorrowWo Geschichten leben. Entdecke jetzt