Kabanata 09

4.9K 145 9
                                    


— KABANATA   9




ADELINE POV


~FLASHBACK

Naglalakad ako sa may gilid ng daan habang may ngiti sa aking mga labi, masaya ako ngayon dahil napromote si mommy sa kompanya nila bilang isang bagong ceo, dapat nga ako ang magreregalo kay Mommy  pero kagabi lang binigyan niya ako ng isang kwentas na halos buong buhay ko ngayon ko lang nakita, kanina ko pa siya tinitingnan habang  nakasuot sa aking leeg para sa'ken ito na ang pinakaimportante at pinakamagandang regalo na binigay sa'ken nila mommy.

Pero habang naglalakad ako napansin ko ang isang lalaking tumatakbo halatang-halata ko sa mukha niya na umiiyak siya, hindi ko alam kung saan ba saktong pupunta tong lalaking ito...kawawa naman siya gwapo pa naman tas umiiyak ng ganyan, siguro namatayan siya or ano hindi ko alam medyo matanda siya sa'ken.

Nasa harapan na ako ng school ko pero parang ayaw ko pang pumasok dahil ang mga mata ko ay nakafocus sa lalaking iyon.

" Hala, magpapakamatay yata siya..bat siya pumunta sa gitna ng daan baliw yata toh " bulong ko sa aking sarili, wala akong maisip kundi iligtas siya ewan koba bakit ganito na lamang akong naapektuhan sa kanya. Kaya binaba ko muna ang aking bag at tumakbo ng matuli dahil may paparating na kotse, kailangan ko siyang iligtas.

Saktong tatamaan na siya ng kotse at buti nalang naitulak ko siya hanggang sa naramdaman ko nalang na sumakit ang ulo ko, kinapa ko ito at nakita ko ang duguan kong kamay hanggang sa nawalan na ako ng malay.

~END OF FLASHBACK

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, hanggang sa makita ko  . .si . . .si. . . . Franco, isang anghel siya grabe ag gwapo niya.

Bumangon ako ng konti dahil pakiramdam ko nahihilo ako, ano bang nangyari bat puro puti yata nakikita ko nasa langit na ba ulit ako? Gaga hindi maaari nakikita ko pa nga si Franco eh, kung wala ako sa langit nasan ako?

" Oh Adeline gising kana pala, how's your feeling?" Tanong ni Franco na akala mo naman sobrang concern sa'ken, ganun na ba talaga ako kaganda, magsasalita na sana ako ng may pumasok isang matandang lalaki, ahh siya  yung doctor, sabi ko nga. Nasa hospital ako, bakit? wala akong maalala ano bang nangyari saken at dinala ako dito.

" Hi doc, kamusta naman po ang lagay niya? " Tanong naman ni Franco sa doctor.

" Okay naman ang lagay niya, marami lang siyang nainom na tubig kaya nahimatay siya  and thankful naagapan agad dahil kung hindi maaaring mapasukan ng tubig ang baga niya " oo nga pala nalunod ako tapos. . .hinalikan ko si pogi OMG! nagawa ko yun?

" Okay Doc, thank you " at tuluyan ng lumabas ang doctor kaya naiwan kaming dalawa ni Franco sa loob.

" Ano bang nangyari saken? " Tanong ko naman kay Franco.

" Nalunod ka sa swimming pool, hindi mo ba naaalala Adeline? "

Omg, nahulog ako sa pool dahil kay pogi tapos. . . I kissed him, gago nagawa ko ba talaga yun?!!

" Ah oo nga, naaalala ko na " sabi ko naman

" Kaya nga adeline, mag-iingat ka kasi " nag-aalalang sabi niya naman saken, wow ha kailan pa naging concern 'to saken.

" Nasan pala si Sir Bray? " Tanong ko naman

" Si Bray, pagkatapos ka niyang dalhin dito tinawagan niya ako para bantayan ka dahil marami pa siyang aasikasuhin sa kompanya niya " paliwanag naman nito.

" Ah ganun ba, o sige okay na rin ako uuwi na ako" sabi ko naman saba bangon.

" Are you sure okay ka lang? " Pangungulit naman nito.

Spy Of Tomorrowजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें