Kabanata 28

2.5K 50 8
                                    

hi smile ka muna^^

— devlixlu

Adeline Pov

Nakatingin ako sa may orasan, hindi ko maalis ang tingin ko dito kumbaga parang may mali sa pag-ikot ng orasang ito.

" Ate adeline okay kalang po ba? parang kanina kapa dyan nakatingin sa orasan ah " tanong ni chin

" Hindi ko din alam Chin, parang may mali, parang pabaliktad ang ikot ng orasan " wika ko naman

" Huh? hindi ha guni-guni mo lang yan ate adeline, kumain kana ba?? "

" Hindi pa e pero busog naman ako "

" Kumain ka ulit ate adeline for sure gutom lang yan, at nga pala yung mommy ni sir Bray pinatatawag ka "

" Huh? bakit daw? susungitan lang ako nun wag na "

" Hindi naman yata ate adeline malay mo may gustong sabihin sayo "

" San ba daw? "

" Andun sa garden "

" Sige, pupuntahan ko lang " nagsimula na akong lumakad pero hindi parin maalis ang tingin ko sa orasang iyun parang may mali talaga pero hindi ko matukoy kung ano iyun, parang kinakabahan ako na parang may masamang mangyayari.

Nakarating na ako sa garden ng mansyon at kita ko ang mommy ni pogi habang nakatayo itong umiinom ng tea sa may harap ng mga mapupulang rosas.

" Ano pong kailangan niyo? bat niyo po ako pinatawag? "

Humarap ito sakin pero ramdamn kong hindi ako nito susungitan basi sa postura ng kanyang mukha ngayon, ano kayang nakain nito.

" Adeline right? "

" Yep "

" I'm sorry for what i said to you last day, i didn't mean that... and thank you "

Nabigla ako sa sinabi niya.

" Ano po? saan? " tanong ko dito, hindi ko talaga alam kung bakit sya nagpapasalamat sakin eh samantalang nungnakaraang araw parang sasampalin na'ko nito e.

" Because of you i realized kung gaano ako kasamang ina kay Bray, you're right hindi ako nagpakaina kay Bray since namatay ang daddy niya. Pinagmamasdan ko ang anak ko ang layo na ng narating niya, at dahil dun narealized ko na hindi niya deserved tratuhin nang ganun, to be honest mahal na mahal ko si bray pero gusto ko lang matuto syang lumaban sa buhay dahil ang pagiging mahina ang naging rason kung bakit maagang nawalan ng ama si Bray. "

" Bakit, ano pong nangyari?

" Sorry, but i'm not ready to tell what happened that time, naiiyak kasi ako tuwing naaalala yun. "

" Ah ganun po ba, pasensya na po ang tsismosa ko lang pero masaya po ako sa sobrang saya ko magpaparty ako "

Natawa naman ito

" De joke lang po, akala ko nga po kukulo parin dugo niyo sakin e, ano po bang nakain niyo? bat nagbago po kayo? "

" You're funny ha "

" Pwede na po ba sa anak niyo? " ay joke lang baka sampalin ako nito.

" Do you love bray? " naging seryoso ang tono nito nang tanungin niya sakin ito.

" Opo, mahal na mahal ko po ang anak niyo " sagot ko naman dito, hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan akong sagutin iyun kahit na alam kong tama naman ang isinagot ko, mahal na mahal ko si bray at halos lahat kaya kong gawin maprotektahan ko lamang sya, mas nasasaktan ako kapag nakikitang nasasaktan si pogi.

Spy Of TomorrowOnde as histórias ganham vida. Descobre agora