Kabanata 12

4.8K 121 4
                                    

— KABANATA   12

Abala ako sa paghuhugas ng plato dahil si Berta ang nagluto kaya ako na ang nagsabi sa kanya na ako na ang  maghuhugas ng mga pinakainan, kakatapos kolang din kumain habang sina Yvonne at lola Elinda ay natutulog na. Maaga nga silang matulog hindi ko din alam. Pagkatapos ko namang maghugas ng mga pinggan paakyat na sana ako ng hagdan upang ayusin ang matutulugan ko dahil pakiramdam ko ay maaga akong matutulog ngayon kasi napagod ako sobra. Paano kasi kanina niyaya ako ni Lola Elinda na mag exercise daw at sumama daw ako sa tabi lang naman ng pool at pazumba zumba ganun. Di kinaya ng tuhod ko, jusko.

" Ate Adeline. " Napalingon naman ako kay Chin nang tawagin ang pangalan ko nito.


" Bakit Chin? "

" Tawag ka ni sir, pumunta ka daw sa kwarto niya at may sasabihin sayo, pakidali daw " wika naman ni Chin kaya tumango nalang ako.

Aba, nagmamadali tong pogi na 'to, miss yata ako eh. Ano kayang sasabihin nun at baka ako'y mmurahin na naman nun grabe pa naman yun manigaw, tanggal tutuli ko.

Ito na naman, nanginginig na naman ang aking mga tuhod hindi ko alam pero pangalawang ko ng pumasok dito sa kwarto ni pogi, diba nung una nakita ko ang kanyang hottieee body tas ngayon di ko nalang maiimagine kung anong makikita ko.


* knock. . . . knock. . . knock

Inayos ko muna ang damit ko, at agad namang bumukas ang pinto tumambad saken si pogi, may suot siyang salamit at nakawhite tshirt at nakapajama. Mayutulog na yata tapos pinapunta pa ako dito sa kwarto niya.

" Come in " nabigla ako sa sinabi ni pogi, anong come in help.

" Bakit po, may kailangan po ba kayo saken? " Nanginginig ang aking boses habang napalunok ako ng laway.


" Just come in " ulit naman nito kaya pumasok na ako sa kwarto ni pogi, mabango ang kwarto niya kasing amoy niya, malamang kwarto niya eh boba Adeline.

Sinarado naman ni pogi ang pinto kaya napaupo ako sa may dulo ng kama niya, napansin kong nakabukas pa ang laptop niya.

" Kung akala mong may gagawin akong masama sayo, don't assume okay, just wanna give this " may inabit siyang maliit na card.

" Ano 'to? "

" Invitation card sa wedding ni Franco, you know i don't know bat ka niya inimbitahan but wala akong magagawa dahil he wants you to come there " malamig ang mga tingin saken ni pogi.

" Ah— eh—... " Bigla niya namang tinabunan ang bibig ko gamit ang maliit niyang daliri. Kaya mas bumilis ang tibok ng puso ko. Omg hahalikan niya na ba ako?

" Don't ask too many questions, your voice is annoying, it always irritates me, I know you don't have anything to wear, so Franco sent you a dress and sandals, oh come on, take those and I'll go to sleep. "

" Talaga? Omg ang bait talaga ni Franco " napatayo naman ako sakinauupuan ko ng marinig ang sinabi ni pogi, ang bait talaga ni Franco hindi katulad ni pogi ang sungit saken. Kinuha ko naman ang dalawang papaer bag na nakalagay sa kama ni pogi, mamaya ko na titingnan if bagay ba saken.
Humiga na si pogi sa kama kaya napalingon ako sa kanya.

" Lock the door " it said softly as if it were exhausting.

" Sir?. " Nangingig kong tanong.

" Lock the door " nakapikit siya habang sinasabi na lock the door.

" Sir? " I asked again na parang nagtataka

" Lock the door when you leave " yun naman pala eh.

Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now