Kabanata 06

5.8K 139 6
                                    


— KABANATA   6

Nandito kami ngayon sa may harap ng isang restaurant, kung saan parang may naaalala ako dito. Nakapunta na yata ako dito pero di ko lang talaga maalala pero may sumasanggi talaga sa isipan ko na nakapunta na ako dito. Diba ang gulo, pero medyo nahihilo ako.

" Anong gagawin natin dito pogi? " Tanong ko kay pogi habang inaayos ang suot niyang kurbata.

Dumuros na naman saken si pogi pero imbis na matakot ako mas kinikilig ako, depunggal anong mali saken. Dati ba talaga akong drug pusher? Hindi ko din kase alam

" Ano ba sa tingin mong ginagawa sa restaurant? " He asked

" Kumakain " sagot ko naman kaya napakamot ako sa batok ko.

" Idiot what's wrong with you babae? Dati kabang takas mental huh? " Nagagalit na naman si pogi

" Eh- " pinatigil niya ako sa pagsasalita gamit habang daliri niya, wow mas kinikilig ako oy

" Shut up, let's go inside " kaya ayun pumasok na din ako, ang ganda ng loob ng restaurant, at lahat ng bagay dito parang pamilyar saken, hindi ko nalang iniisip kasi kanina pa ako nahihilo.

Umupo kami sa isang lamesa, alangan naman dalawa tanga ka din noh, ito na nga pagkaupo namin may waiter agad na lumapit sa amin para kunin ang order namin, ano naman kaya ang oorderin ko eh amatagal narin kaya akong di nakakapunta ng restaurant kaya parang mangyan ako ngayon.

" Hi Ma'am and Sir, what will your order po? " Magalang na tanong ng isang lalaking waiter, maamo mukha niya di gaanong katangkadan pero cute na din, ano ba toh adeline pati waiter pinagnanasaan mo!

Kinuha naman ni pogi ang menu at binuksan ito para pumili ng oorderin.

" What do you want to eat? " Tanong ni pogi habang seryoso ang mukha niya pero nakatingin parin sa menu, pero infairness ang gwapo niya talaga.

" Uhmm ikaw " mahinang sabi ko

" What the hell? Are you fucking crazy babae huh? " Nagalit na naman si pogi kaya tumaray muna ako

" Sabi ko kasi ihaw, ihaw ihaw hindi ikaw wag kang mag assume " palusot ko naman

Napataas ang kilay ni pogi..pero ikaw naman talaga sinabi ko magaling lang ako magpalusot.

" Anong ihaw ang pinagsasabi mo huh? May ihaw ba diyan sa menu? "

Napatingin naman agad ako sa menu dahil kitang-kita ko ang umuusok na ilong pogi hayst.

" Chicken inihaw " di ko sure pero walang inihaw sa menu

Tumingin na naman saken si Pogi, mamamatay yata ako titig netoh saken but it's okay just look at me baby.

" It's chicken inasal babae hindi chicken inihaw " pagcocorrect niya naman saken ede ikaw na

" Yun nga, meron ba kayo dito? " Tanong ko naman sa waiter.

" Yes po ma'am, ilan po ba? " Tanong naman ng waiter habang si pogi naman hiyang-hiya na sa pinaggagawa ko

" Tatlo " agad ko naman sagot kaya napalki ng mata si pogi

" Are you sure kaya mong ubusin ang tatlo huh? " Inis nitong tanong

" Oo tatlo para I. LOVE. YOU " sagot ko naman napataray naman saken si pogi at napatawa naman ang waiter

" Just give me an apple juice " utos naman ni pogi sa waiter

" Okay po sir " at tuluyan nang umalis ang waiter kaya napaiwas ako ng tingin kay pogi.

" Pwede ba, tigilan mo ang pagiging baliw mo babae nakakahiya " ayan na naninirmun na ang pogi, hayst hindi naman talaga ako baliw noh matagal ko lang talaga itong hindi nagagawa.

Spy Of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon