Kabanata 13

4.7K 100 3
                                    

— KABANATA    13

Maaga akong gumising dahil sunday ngayon at birthday ni pogi. Gusto ko siyang bigyan ng letter kahit papaano kasi ayaw niya namang handaan sya sa birthday niya kaya bibigyan ko nalang siya ng letter kahit na mag-iisang buwan palang ako dito sa mansion niya. Balak ko talagang magsimba ngayon at isama sina Chin or Berta, kung sino gusto nilang sumama saken. Kaya bumangon na ako sa higaan ko at pumunta sa kwarto nila Berta, at ayun wala na sila dito sa kwarto nila. Kaya bumaba nalang ako at dumiretso sa may kusina dahil baka nagluluto sila ng almusal.

Abalang-abala sila sa pagluluto, habang itong si Chin ay naggagayat ng mga gulay.

" Hi, good morning! " Masayang bungad ko sa kanila kaya napalingon silang sabay saken.

" Hi Adeline, good morning." Balik na bati naman saken ni Berta.

" Magandang umaga ate Adeline." Ang bait talaga nitong si Chin, ang amo pa ng boses.

" Linggo ngayon, tara magsimba tayo."

" Oo nga pala noh, gusto kong sumama pero marami pa akong gagawin eh at baka magalit yun si sir Bray dahil tatlo na nga lang tayong kasambahay dito aalis pa tayong sabay-sabay. " Wika naman ni Berta.

" Haler, linggo ngayon kaya dapat magsimba, tara na."

" Hindi talaga ako pwede Adeline kahit gusto ko talagang sumama, nagluluto pa ako eh." Sa bagay walang kakainin sila pogi kapag umalis si Berta.

" Ikaw Chin? Gusto mong sumama? "

" Oo ate Adeline, pwede ba akong sumama ate Berta? "

" Mabuti pa, sige magligo na kayo ako nalang muna ang bahala dito, basta isamaniyo ako sa mga prayers niyo ha. "

" Don't worry, isasama kita " sagot ko naman kay Berta.

" Sige, ate adeline tatapusin ko nalang muna 'to  tapos maliligo na ako." ani naman ni Chin kaya tumango nalang ako at bumalik sa kwarto ko para maligo na. Medyo malayo kasi ang simabahan dito, dahil nung sumama ako kay Manang lotlot mamalengke dumaan kami sa simbahan. Kaya ito napadesisyunan kong maagsimba para narin plus points sa langit, alam kong nakikinig sina Pinuno at Bianca sa mga sinasabi ko but i don't care.

Naligo na ako at nag-suot ng simpleng damit lang, nakadresas ako pero hindi ito saken. . . hiniram ko lang ito kay Berta, kaya nagbagay naman saken. Lampas tuhod at kulay puti. Medyo astig ako sa suot ko, kasi ngayon nalang ulit ako nakasuot ng bestida. Pagkatapos ko namang ayusin ang aking sarili tumingin ako sa wall clock sa may kwarto at nakita ko na 7:02 am na kaya nagmadali na akong bumaba ng hagdan habang may bitbit na shoulder bag. Napansin ko rin naman na nasa kusina na si Chin nakabihis na ito at nandun din si Pogi, na kumakain ng almusal, hindi pa yata gising sina Yvonne at lola elenda.

"  Aalis na tayo Ate Adeline? " Tanong nman ni Chin at lumapit ito saken.

" Oo, tara na. " Sabi ko naman papalabas na sana kami pero. . .

" Wait. " Boses yun ni pogi kaya lumingon kami paharap sa kanila.

" Where are you going? " He asked.

" Sunday ngayon, sa simbahan. " Sagot ko naman.

" Simbahan? Kahit ilang beses pa kayong pumunta ng simbahan hinding-hindi magkakatotoo ang hinihiling niyo!. " Madiing sabi ni Bray kaya umiba ang reaksiyon ko dito, ang sama ng ugali ng lalaking ito ngayon ko lang napagtanto na ibang-iba ang ugali niya kay Franco.

" Naririnig mo ba yang sinasabi mo. . Sir?! " I said. " Aalis kami, magsisimba kami sunday naman ngayon sir, at teka Happy birthday nga pala, hindi man magkakatotoo ang hinihiling namin pero isasama parin kita sa prayer at baka naman sir ngumiti ka, and boom himala." Sabi ko naman habang nakakaramdam ako ng inis sa kanya. Hindi na siya nakapagsalita at umalis ma kami ni Chin.

Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now