Kabanata 18

4.6K 124 10
                                    

Author's note:

Hi Luxians, sorry kung ngayon lang ako nakapag -update heheh, busy lang talaga ako pero ngayon hindi na din kaya I'll update more chapters hehhe luv u . Thanks and enjoy reading, don't forget to give me some feedbacks!

— KABANATA 18

Nandito ako ngayon sa isang magandang restaurant, sinama kasi ako ni Mommy, ay joke ni Mrs. Rovale pala. Iiwasan ko ng tawagin siyang mommy kasi mas naalala ko pang buhay pa ako kapag pinagpatuloy ko iyun mahirap na at baka mamiss ko lalo siya. So ayun nga sabi kasi ni Mrs. Rovale  na sumama daw ako dito sa restaurant hindi ko naman alam kung bakit kasi wala namang sinabi basta basta nalang akong binigyan ng bagong magarang bestida at ayun nandito na ako agad-agad. Nakaupo na kami sa isang table dito, halos lahat ng paligid ay sosyal ang ganda dito. Parang mag hinihintay nga kami dito pero hindi naman ako tsismosa kaya hindi ko alam kung sino ba ang hinihintay namin, nahihiya naman ako magtanong eh.

" Are you okay, Adeline? " Napatingin naman ako kay Mrs. Rovale sabay ngiti.

" Ah opo, okay lang po ako hihi. "

" Are you hungry? " Nag-aalalang tanong nito, hindi pa naman ako gutom eh kasi kumain naman ako bago umalis, pero ang pinagtatakahan ko lang bat sinama pa ako dito ni Mrs. Rovale, diba? Bat kaya? Hayst.

" Ah hindi po "

" Waiter? " Agad naman nanglaki ang nga mata ko ng biglang tinawag nito ang waiter, sabing di naman kasi ako gutom.

" Yes Ma'am? " Sagot naman nitong lalaking waiter habang ngumingitti saken, aba may gusto kaba saken kuya? Sorry pero ang puso ko ay para lang kay Bray na masungit.

" Uhm, i'll order this, Carraba's Itallian grill then what do you want to eat Adeline? "

" Kahit ano lang po, kahit nga po damo kinakain ko hehe " mahinang wika ko naman pero sure ako na hindi naman nila yun narinig.

" Aw okay, so i think you will love this uhm this chicken alfredo then pineapple juice and blueberry glaze dessert okay? "

" Yes po Ma'am " sabi naman ng waiter at umalis na ito sa harapan namin, pagkaalis naman ng waiter biglang nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang lalaking nakatayo sa aming harapan, nakasuot ito ng pang opisina, shit ang gwapo niya  bigla namang tumigil ang mundo ko nang malamang si pogi pala ang nakatayo dito, shit omg bakit nandito siya, hindi ko dapat siya makita.

Galit pa ako sa kanya remember?

Agad ko namang tinago ang aking mukha gamit ang bag na dala ko, paano ako makakaalis sa pwesto kong ito.

" Good evening, Mrs. Rovale! " Narinig ko namang bati ni Pogi kay Mommy ay este Mrs. Rovale.

" Good evening too Mr. Mondrial, take your seat. "

" I'm sorry at pinaghintay ko pa kayo. " Guilting wika ni Pogi kay Mrs. Rovale.

" It's okay Mr. Mondrial kakadating lang din namin at umorder na din ako ng kakainin natin. "

" Okay, and who's this? "  Omg anong gagawin ko, bakit wait lang hindi maaari nakakahiya very much. Biglang kinuha naman ni Mrs. Rovale ang bag na hawak ko at boom nakita na ng buong mukha ko ni pogi, parang semento akong nanigas dito at hindi alam ang gagawin.

" Are you okay Adeline? " Tanong naman saken ni Mrs. Rovale.

" Adeline? " Agad naman akong napatingin kay pogi nang sambitin nito ang pangalan ko, alam kong nabigla din siya sa nangyayari ngayon kahit ako naman noh sobrang biglaan wala man lang pasabi na magkikita kami dito, hayst i miss you pogi charot.



Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now