Kabanata 31

3K 72 39
                                    

Hi! smile ka muna :)





" Nasan ako? "








Flashback

Wala akong inaksayang oras at sinundan si pinuno kong saan man sya pumunta, kahit na bumalik na ang pakpak ko hindi ko parin maipapaliwanag ng nararamdaman ko kung gaano ako kalungkot at nanghihina ngayon, parang nagbago ang lahat hindi ako ito, hindi ako ang dating adeline na masiyahin, sa tingin ko'y ngayon palang ako pinaparusahan ni pinuno. Hindi ko maitanggi sa aking sarili na gusto ko nang makita si pogi.


" Pinuno, parang awa niyo na po alam ko pong may paraan pa para ibagsak niyo ako sa lupa, ano pong gusto niyo gagawa ulit ako ng panibagong pagkakamali para lang ibalik niyo sa lupa? " pinipigilan kong umiyak, dahil ayaw kong makita ako ni pinuno na umiiyak. Hindi umiiyak si Adeline, hindi!


" Adeline, bigyan mo ako ng rason para ibalik kita sa lupa " napatigil ako sa paghinga, anong irarason ko? siguro mas mabuting sabihin ko na ang totoo kung bakit ko talaga gustong bumalik sa lupa, alam kong isa itong mahirap na sitwasyon dahil dito sa paraiso walang sakit na nararamdaman kahit na kabaliktaran ito ng lupa pero handa akong itake a risk ang lahat para lang sa kanya, ganun ko sya kamahal.

" Sa mundo ng mga tagalupa, naranasan kong mahalin na walang hinihinging kapalit, naranasan ko na mahalin ako ng isang tao na mas mahal ko, gusto kong bumalik sa lupa sapagkat nangako ako sa kanya na hindi ko sya iiwan at babalik ako para sa kanya, alam kong hindi madali ang gusto kong mangyari ngunit gagawin ko ang lahay para pagbigyan niyo lang ako "

" Reincarnation ang sagot " wika ni pinuno, nasiglahan ako nang sabihin ito ni pinuno.

( Reincarnation, a major tenet of Hinduism, is when the soul, which is seen as eternal and part of a spiritual realm, returns to the physical realm in a new body. )

" Sure kaba sa gagawin mo Adeline? " tanong naman ni Biance kaya tumango nalang ako.


Spy Of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon