Kabanata 21

5.3K 124 16
                                    

— KABANATA   21

ADELINE POV

So ayun kanina pa ako dito nakakulong sa kwarto hindi ko alam kung bakit nakakulong ako dito, yung tipong gusto ng utak kong iwasan si pogi pero yung puso ko kinikilig sa tuwing nakikita siya. Parang bigla nalang kumakabog ang dibdib ko kapag kinakausap ako, hindi kaya. . . . .

" In love ka! " Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko at matalon sa gulat nang biglang may sumipot sa likod ko, si Bianca bigla namang napangiti ako nang makita ko si Bianca ang aking bestie, oh my god i miss you.

" Bestie! I miss you! " Sabi ko naman at biglang niyakap siya ng mahigpit.

" Miss na din kita, ehem. . . " Napatingin naman ako sa kanya, may sakit ba 'to bakit ito inuubo?

" Anong meron Bianca? " Bikit balikat kong tanong habang naupo kami sa malambot na kama.

" Adeline, tandaan mo ayaw kong masaktan ka sa huli pero misyon lang ang sadya mo dito hind— "

" Ops, sa huli pa naman yun at alam ko naman na misyon lang talaga sadya ko dito pero may karapatan naman diba akong maging masaya diba? Kahit papaano, Bianca magtiwala ka sakin kaya ko 'to. "

" Alam ko Adeline, pero mag-iingat ka dahil lahat ng saya napapalitan ng lungkot. " Nag-aalalang sambit ni Bianca sakin, alam ko na nag-aalala talaga sya sakin.

" Oo ako na ang bahala. "

" Pero infairness bagay kayo nung boss mo." Napapalo naman sakin si Bianca sa balikat ko, aba kanina seryoso 'to tapos ngayon hayst, baliw kana talaga bianca.

" Oo alam ko, kaya pakiramdam ko may gusto sya sakin Bianca, pansin ko talaga. "

" Wag assuming teh, malay mo in love pero hindi sayo. "

"  Talaga? Eh nagkiss kami eh, hindi ba yun counted? "

" Talaga? Anong lasa? " Ano ba namang tanong yan Bianca sasabihin ko paba.

" Syempre malambot yung labi niya, meserep. "

" Omggggg! Hala ka! "  Napasigaw naman si Bianca sa gulat nang may biglang kumatok sa pinto at agad naman syang nawala hayst hindi pa nga kami tapos mag-usap sino ba 'tong istorbo na'to ha, haler wrong timing ka. Gusto ko pa nga ikwento lahat ng nangyayari eh.

Pagbukas ko ng pinto tumambad sakin si pogi na wala lang, wala syang reaksiyon parang bumalik sa dati.

" Sinong kausap mo dyan? " Tanong niya habang nakacrossarm, at medyo cold ang posture niya ngayon.

" Huh? Eh wala ah, ano bang pinagsasabi mo? " Hala narinig niya yata ang mga sinabi ko, gaga ka talaga Adeline hindi ka nag-iingat.

" I heard na may kausap ka, sino yun? " Tanong niya ulit habang nagmamasid sa may loob ng kwarto ko at  bigla nalang pumasok.

" Wala nga, kahit pumunta kapa ng ilalim ng higaan wala kang makikita self talking ang ginagawa ko you know? "

" Self talking,  tanga. " Sabi ni pogi sabay kaltok sa noo ko, aray close tayo?

" Awts masakit ha "

" You're so cute. "

Bigla naman akong namula sa sinabi ni pogi, first time niyang sinabi sakin yun eh weh? ano, anong irereact ko. Kunwari galit ako ganun, cold ganun anooo.

"  Huh? May sinasabi ka? " Hindi narinig effect haha.

Dumuros lang sakin si Pogi, pero sa totoo kinikilig ako. Cute daw ako, alam ko matagal na kaya stop it pogi.

Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now