Kabanata 04

6.2K 158 10
                                    


— KABANATA    4

Ano ba 'tong buhay na'to, lord kunin niyo na ako ayoko na pinaglalaba ako ng mga damit ni pogi, laba dito laba doon, kailan kaya ako matatapos neto ha? Tell me. Nakakamiss naman manirahan sa langit, ano ba talaga misyon ko ha maging isang katulong ng poging suplado na bigla-bigla ka nalang bubugahan ng kape sa mukha, hindi ko kaya.


Habang naglalaba ako ng damit ni sir, kung ano-ano lang ang mga nilalagay ko sa washing machine, eh hindi nga ako netoh marunong gumamit grabe tong washing machine ni pogi ha daming pindutan, kaya kung ano-ano lang pinipindot ko pero sa tingin ko tama naman, omg nakita ko ang boxer ni pogi sa lamugan it's color black, na may kunting butas-butas ano ba tong boxer na'to kinatkat ba toh ng daga ha, ang yaman ni pogi tapos walang pambili ng boxer hayst, nakakairita, pero wow pwede bang amuyin to? Promise amoy lang di ko sisinghutin hehe..

1..

2.....

3.........


Aamuyin ko na sana ng dumating si manong bodyguard na si manong Alberto, panira ng trip wrong timing ka kuya.

" Anong ginagawa mo iha? " Tanong naman ni manong

" Hindi pa ba obvious manong naglalaba ako " iritang sagot ko naman sa kanya, kung kelan aamuyin kona dun pa dumating tong panot na driver na'to.

" Alam ko eh bakit hawak mo yang boxer ko " nakairap ako sa sinabi ni Manong.

Boxer ko

Boxer ko

Boxer ko

Boxer ko

Huh? Hindi to kay pogi, kaya manong ewww masuka-suka ako.

" Iyo tong boxer na parang kinatkat ng daga hindi parang, kinatkat nga manong? " Madiring-diri ko namang saad kay manong habang siya naman napakamot sa batok, kaya agad ko namang nilagay agad sa washing machine.

" Oo, at tsaka pala pinapasundo ka ni Sir Bray, may papeles siyang naiwan kaya dalhin mo daw sa kanya " mabilis namang sabi ni Manong kaya napangiti naman ako

" Bakit ako pwede naman si Berta " pabebe kong tanong pero sa totoo kinikilig ako, baka kasi gusto lang akong makita ni Pogi.

" May ginagawa sila kaya ikaw na, dalian mo at kailangang-kailangan yun ni Sir " pagmamadali naman saken ni Manong

" Oo na, wait magbibihis lang saglit, atat na atat naman kayo manong " iritang saad ko namang habang hinuhugasan ang magkabilaang kamay ko sa planggana.

" Sige basta yung papeles sa lamesa ni sir nasa office room ha, yung brown na envelope at hihintayin kita sa labas "

" Oho manong " walang gana ko namang sagot.

~

Otw na kami ni Manong sa kompanya ni pogi nasa unahan na ako nakaupo kasi why not, dala-dala ko na din ang brown na envelope na pinapadala ni manong saken, at ayun nga naging tahimik lang ang byahe namin ni manong kasi nakakainis kaya akala ko ba naman kasi boxer yun ni pogi hindi pa, hayst buti nalang hindi ko pa naamoy, yuck.

" Nandito na tayo " saad naman ni manong kaya lumabas na ako mag-isa dahil walang balak si manong pagbuksan ako ng pinto, hindi man lang lumabas aber.

Nakasuot lang ako ng rip jeans at tshirt, kasi wala naman akong damit alangan namang mag inarte ako, at tsaka kay Berta kayat toh, damit.

" Manong nasan po ba yung office ni pogi, hindi ko alam " sabi ko naman habang nakasilip sa bintana ng kotse

Spy Of TomorrowHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin