Kabanata 25

3.7K 73 15
                                    

Nakatitig ako sa may tulips kung saan nakalagay ito sa gilid ng lamesa ng aking kwarto, hindi ako makapaniwala na binigyan ako ni pogi ng bulaklak na ganito. This is my first time to recieved this kind of flowers and galing pa sa unang lalaking minahal ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na he loves me more than i know. What a lucky, adeline.

" Oy, oy adeline sanaol " nagulat ako bigla ng buksan ni berta ang pinto ng kwarto ko, ano ba to di marunong kumatok kaya may pinto para may kakatukan e.

" Ano ba yan berta, nakakagulat ka naman "

" Pasensya na, naiinggit lang ako sayo kasi nakatanggap ka ng ganyang klaseng bulaklak at galing pa kay sir, alam mo ba napakaswerte mo kasi halos lahat ng babae pinapangarap mabigyan ng bulaklak galing sa taong mahal nila. "

Alam ko naman yun, pero hindi alam ni berta na mas maswerte sya kesa sakin, sya nabubuhay ng malaya sa lupa eh ako kapag natapos na misyon ko sa ayaw ko man at gusto babalik na ako sa langit at iiwan ko si pogi.

Napapikit ako ng mariin kapag iniisp pa iyun, sana nalang tao nalang ako at hindi na babalik pa sa langit pero wala e, matagal na akong patay.

" Nga pala Adeline, pinapatawag ka ni bebe mo. "


" Bakit daw? " Nagtatakang tanong ko naman dito.

" Aba'y hindi ko alam "

" Sungit tse! " Sabi ko naman kay berta sabay labas sa kwarto ko.

Kumatok ako sa kwarto ni pogi at bigla naman itong bumukas, bumungad naman si pogi sakin habang hindi mawala ang ngiti nito sa kanyang mga labi na tila ba'y nasasabik akong makita, eh nasa iisang bubong lang naman kami, grabe mo naman ako mamiss.

" Pinapatawag mo daw ako, may kailangan kaba? " Mahinahon kong tanong dito.


Tumawa naman ito bigla.

" Anong nakakatawa? bat tumatawa ka?"

Inis kong tanong dito. Bigla niya naman hinawakan ang ulo ko.


" From now on, you're going to sleep here in my room. " Napanganga naman ako, hindi ko alam kung seryoso ba sya o hindi.

" Huh? Bakit? Baliw kaba? Baka kung anong isipin nila berta? At bakit mo naisipan yan ha? Ikaw haa? " Sunod-sunod na tanong ko dito habang pinipigilan kong mamula sa harapan ni pogi.


" Gusto lang kitang makasama ng matagal " ano bang pinagsasabi nitong si pogi, akala mo'y mamatay na ngayon e.

" You know Ade, i dream about you "

" Anong napanaginipan mo? " hinila niya ang kamay ko at ipinasok ako sa loob ng kwarto niya at nilock ang pinto.

Omg, i'm not ready lord, help me!

" Gagawin natin? " Kinakalibutan kong tanong na parang di ko mapigilang mapawisan.

" I want some peace with you, Adeline "

Tumango lang ako, pero sa totoo kinikilig ako ehe.

" Ade, napanaginipan kong isa ka daw anghel, an angel that will spy me tomorrow. " Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni pogi

" Huh? "

" You're my spy of tomorrow? Do you know what does mean? " Hinawakan niya ang kamay ko, nararamdaman ko tuloy na nilalamig niya, ang lamig tas ang lambot oa ng palad niya.

" Ano? "

" One who keeps secret watch on a person or thing, and ikaw yun ikaw yung spy sa panaginip ko, ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa bukas upang mailigtas ako. "

Napahinga ako ng malalim at ngumiti sa kanya.

" May gusto pala akong sabihin
sayo "

Wika ko naman habang nag-iisip kung sasabihin ko talaga sa kanya ang katotohanan, eh ayaw ko namang masaktan pa sya sa huli.

" What if- " napahinto ako sa pagsasalita

" Uhm? What if ano? " Ulit niya naman

" What if isa pala akong anghel tapos yung misyon ko dito baguhin ka lang then kapag natapos kona yung misyon ko, babalik na ako sa langit. . . mamahalin mo parin ba ako kahit pandalian lang? "

" Panandalian? " Napatawa naman ito

" Oo, kasi hindi habang buhay makakasama mo'ko, anong gagawin mo? "

" Edi susundan ka sa langit "

" Ano? sira kaba? anong susundan " kinirot ko naman ito sa tagiliran.

" I'm serious, ano pang gagawin ko dito sa kung nasa langit kana, alam mo lahat ng tao may purpose dito sa mundo pero i'm sure yung purpose ko dito is to love you and be loved by you, you know minsan nang nanganib ang buhay ko, and may isang young girl na iniligtas ako and i think it's you, i saw her as you, when i saw your face sya ang naaalala ko. " seryoso ng wika ni pogi, totoo nga sa tagal ng panahon sya nga, sya nga ang lalaking iniligtas ko.

" I'm so thankful to her, kung saan man sya ngayon sana mapatawad niya ako, dahil sakin maaga syang nawala dito sa mundo. Hindi niya nararanasan kung ano ang nararanasan ko ngayon. " Matagal na kitang pinatawad bray.

Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa langit, minsan napaoaisio ako kung anong mangyayari kay Bray kung tuluyan mang tapos na ang misyon ko, paano nalang sya. . . gusto ko man na hindi sya iwan ngunit wala akong magagawa dahil isa lamang akong anghel na sumusunod kay pinuno at misyon ko lamang ang kailangan kong gawin sa mundong ito at wala nang iba pero hindi ko inaakala na sa ganitong paraan makikilala ko ang lalaking ito, he's the standard.

Isa lamang ang gusto kong mangyari, kung sakali mang mawala ako sa mundong ito, ayaw ko syang masaktan kaya kung kinakailangan makahanap sya ng babaeng mamahalin sya katulad ng pagmamahal ko sa kanya, kahit ako na yung masaktan, huwag lang sya.

" Ang lalim ng iniisip mo Adeline ah " nalingon ako sa aking likuran nang sumulpot si Berta.

" Pano mo nasabing malalim? "

" Ang layo ng tingin mo eh, parang sinisilip mo si lord sa itaas ah " natatawang wika nito.

" Siraulo! " sagot ko naman dito sabay tapik.

" Oh dun kana matutulog sa kwarto ng bebe mo? "

" Hindi 'no "

" Bakit? ayaw mo? "

" Gusto mo ikaw nalang " balik ko naman dito

" Kung pwede lang why not " aba berta

" Basta ready kang makita si lord, ano game? " napalunok naman ito ng laway

" Grabe kana Adeline, joke lang oh alam mo naman ako joker diba, huwag ka namang seryoso ha "

Napatigil kami sa pag-uusap ni Berta nang biglang tumunog ang doorbell, nagkatinginan pa kami ni Berta kung sino ang magbubukas ng gate.

" Ikaw na Adeline, may niluluto pa kasi ako e "

" Nandun naman diba si manong? "

" Ede kung dun si manong nakabukas na sana ang gate diba? adeline? "

Aba, pilosopo 'to ah

" Oo na Berta ako na ha, nakakahiya naman sayo e, nagtitigan pa talaga tayo tamad 'to! " padabog kong sabi kay Berta habang papunta sa may gate upang buksan ito.

Dahan-daha kong binuksan ang gate hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng super duper na parang pinipigilan akong buksan ang gate at tumambad sakin ang lalaking nakasuot ng puro black.

" Wow man in black " bulong ko naman sa aking sarili.

" Who are you? " piling maldita kong tanong sa kanya.

" Open the door, Madam is here "

" Huh? sinong madam? "

" Secret "

" Gago kaba? hoy- "

Magsasalita pa sana ako nang bigla nalang itong pumasok at binuksan ang gate hanggang sa tuluyang pumasok na ang eleganteng kotse na kanina ko pa pinagtatakahan kung sino ang sakay nito....

Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now