Kabanta 14

4.5K 129 4
                                    


- KABANATA 14

Pumasok na kami sa loob ng mansion at agad naman kaming sinalubong ni Berta. Hinila naman kami nito sa gilid kaya nagukat kami ni Chin pero sumunod na kami.

" Bakit? . . . Anong meron ha? " Tanong ko naman kay Berta.

" May kausap si Sir Bray sa may sala, babae."

" Ano babae? Sino naman? " Tanong ko ulit.

" Narinig ko Clara ang pangalan kaya napaisip ako na yung fiancee ni Sir, omg! " Nagtatarantang wika naman ni Berta.

" May fiancee pala si sir? " Napatingin naman kami ni Berta kay Chin.

" Hindi ko din alam chin eh, nabigla din ako akala ko talaga joke joke lang yun ni Berta totoo pala. " Napairap naman ako.
" Bat ba tayo nagtatago dito berta ha? " Inis na tanong ko naman kay Berta.

" Galit kaba adeline? Agoii nagseselos
kaba? "

" Nagseselos ka ate Adeline? "

" Hindi ah, bakit naman ako magseselos huh? Naku kayo talaga kung anong pinagsasabi niyo, pupunta ako sa kwarto at magbibihis na. " Depensa ko nama pero sa totoo nagseselos ako, pero konti mga 101% joke. Oo na nagseselos ako yawa.

" Dapat lang, dapat lang na wag ka magselos dahil wala naman kayo ni Sir. " Tiningnan ko si Berta ng matalas, masakit yun ha.

" Anong tingin yan? "

" Tinging kamatayan! " Sabi ko naman at nagsimula akong maglakad, syempre bago ako makakapunta sa kwarto ko dadaan muna ako sa sala. Dadaan na sana ako pero nakita ko si pogi na seryoso ang mukha, so siya pala si Clara. Sus maganda pa ako, malinis lang manamit pero maganda ako, don't worry self maganda ka.

" Happy Birthday Bray! " Napatigil naman ako sa may gilid ng kusina ng marinig ang boses nitong babae.

" Why are you here? " Seryosong tanong naman ni pogi dito. Suplado talaga 'tong lalaking 'to binabati na nga eh ayaw pa.

" Umuwi ako ng pilipinas kasi gusto kitang batiin at makita, birthday mo ngayon and besides i have gift for you, open it. " Sabi niyo inabot naman niya kay pogi ng isang envelope.

Ano kaya yun?. . .

" I don't need that, wala kana bang ibang sasabihin? Marami pa akong gagawin. " Tumalikod si pogi pero hinawakan nung Clara ang kamay niya kaya humarap ulit ito.

" Bray, hindi mo ba ako namiss? Galit ka ba saken? Hindi ko naman ginusto na yung nagyari, i have no choice din kundi mahalin ka at ituring na boyfriend ko, fiancee moko Bray sana naman mahalin mo din ako, ito nga ako ginagawa ko lahat para lang maging magkalapit yung loob natin sa isa't- isa para naman kapag kinasal tayo hindi na tayo uncomfortable sa isa't- isa diba, am i right? " Mukhang mabait naman pala 'tong si Clara eh, kawawa naman ganyan ang turing sa kanya ni pogi.

" Sinong nagsabi sayo na itutuloy ang kasal? "

" Bray?! " Nanginginig ang boses nung babae mukhang tutulo na yata ang mga namuong luha sa kanyang mga mata.

" Walang kasal na mangyayari, okay? Wala at kung sa tingin mong magiging comfortable tayo sa isa't-isa, it will never happen. Just go home. " Bray shouted.

" Okay, alam ko namang hindi moko mahal bray kaya ginagawa ko 'to para naman mahalin mo din ako, bakit kaba ganyan? Bat ang manhid manhid mo, may puso ka pa ba? . . . Sige pagod na ako, sasabihin ko nalang sa parents ko and mommy mo na ayaw ko ng magpakasal sayo, ayoko na! Sobrang nasasaktan na ako, kaya sana maging masaya kana dahil papalayain na kita, ikaw na bahala sa Mom mo magpaliwanag. " Umiiyak ang babae at agad itong nagwalk-out pero nahulog niya yung panyo niya nang papalabas na ito ng pinto kaya agad kong dinampot ang panyo niya at sinundan palabas.

Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now