Kabanata 10

5K 131 4
                                    


— KABANATA   10

ADELINE POV

Nag-aayos kami ni Chin ng dining table dahil ilang minuto nalang at uuwi na si pogi, magkakaroon sila ng dinner kasama ang lola niya at si Yvonne, pero kanina pa ako pero hindi ko pa nakikita si Yvonne ah, shy type yun.

" Chin? " Tawag ko naman kay Chin habang busy sa ayos ng mga plato.

" Bakit ate Adeline? " Agad namang tanong niya saken.

" Nakita mo na si Yvonne, yung kapatid ni pogi? "Mahinang tanong ko lang naman at baka marinig ni lola elinda

" Oo ate, napansin ko lang kanina lumabas agad ng bahay may pupuntahan yata " sagot naman ni Chin kaya napaisip ako, kakauwi lang aalis agad, saan kaya pumunta yun.

Napansin naman naming may bumukas ng pinto, at nakita ko ang isang dalagang ubod ng puti, straight ang buhok, makinis ang balat at maganda.

" Ay ate adeline, ayan na yata si Ma'am yvonne eh " sabi naman ni Chin kaya lumapit muna ako kay Yvonne na mukhang hindi mapakali na parang may tinatakasan.

" Hi " bati ko naman sa kanya habang nakangiti.

" Hello, are you one of the maid here diba? " English namang tanong nito saken kaya eenglishin ko din.

" Yes, why? "  I answered

" Si kuya umuwi naba? " Di mapakaling tanong naman niya.

" Hindi pa, bakit? " Sagot ko naman

" Nothing, i'll go to my room just call me if kuya is here na, okay? "

" Okay " sabi ko naman then nagpakita ako ng thumbs up.

" Thank you " nagmamadaling sabi niya at tuluyan na siya umakyat sa taas, anong meron dun bat di yun mapakali, may ginagawang kakaiba yata si Yvonne, kakauwi lang galing ibang bansa pero imbis na magpahinga umalis at hindi alam kung saan pumunta, at itong si lola elinda naman nagluto aba hindi usong mapagod ang mga ito ah.

Napansin ko namang may pumasok kaya napalingon ako at biglang gulat ko ng makita si pogi, kaya napaatras ako, mahuhulog na sana ako sa sahig pero...tumigil ang mundo ko ng hawakan niya ako sa bewang ng dalawa niyang kamay at bigla nalang kaming nagkatinginan na parang gusto ko 'tong posisyon namin habang buhay, sa sobrang lapit ng mukha namin malapit na kaming magkiss, naaamoy ko ang pabango niya, shit sobrang bango, nararamdaman ko sa mukha ko ang mainit niyang hininga, omg ang tangos ng ilong niya, ang ganda ng mga mata niya, at syempre ang kissable lips niya kaya.

" Ehemm " napalingon kaming pareho ni pogi kung saan man nanggagaling ang boses na iyon at nakita ko si lola elinda, bigla naman akong binitawan ni pogi wow grabe ha, kanina lang gusto mo akong halikan.

" Grandma " wika naman ni pogi sabay lapit sa lola niya at kiniss ito sa pisngi at niyakap, ako wang kiss ha, kiss mo rin ako ppgi.

" Bray, apo..are you tired, let's eat nagluto ako ng paborito mong adobo " masayabg wika naman ni Lola Elinda.

" Grandma, bakit naman po kayo nagluto, may maids naman po diyan, you know kakagaling niyo lang sa flight dapat magpahinga kayo " nataas ang kilay ni Pogi habang nakatingin saken, bakit saken ito nakaduros kasalanan ko ba.

" Apo, i'm not tired, gusto lang kitang ipagluto okay, kumain kana tikman mo ang niluto ko ha, paniguradong masarap yun "

" Always naman po masarap ang niluluto mo gradma eh " sagot naman ni pogi habang papunta sila sa kusina  at naiwan akong masayang nakatingin sa kanilang dalawa.

BRAY POV

" Apo, kanina kapa tulala ah may problema kaba? Wag mong sabihing dahil sa kompanya mo na naman " napalingon ako kay grandma sabay ngiti, i don't know why bakit kanina pa ako natutulala.

Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now