AA1 - Jail

41.2K 700 28
                                    

"Hello miss? Sa'n ko po mahahanap yung room na 'to?"

"Kaliwa ka lang d'yan ta's room 50 na 'yan." Sabi ng isang studyante sa akin.

Obvious naman sigurong hindi ko alam ang mga rooms diba? Well, Transferee lang naman ako, from public school to private school. Scholarship from my tita, mayaman, 'di katulad ko na nasa tama lang ang kalagayan sa buhay. Hindi mayaman, hindi mahirap.

"Thank you po, Ate!" Sabi ko kay Ate na napagtanungan ko pero parang diring diri siya sa akin.

Grabe naman mga tao talaga! Kilala agad kapag mahirap. Palibhasa simple lang ang damit ko ngayon at sila mga sosyalin. Branded ang mga damit, sapatos at bag. Halata naman. 'Di ko na lamang sila pinansin.

Anyways, first day of school ligaw na ligaw ako dito sa paaralang 'Meredith Academy'. Teacher ang tita ko dito. Malaki ang sweldo kaya yumaman. Kaya nga ako rin nagbabalak mag teacher at dito ako papasok balang araw.

For now, pagtitiisan ko ang pambubully na magaganap sa akin ngayon sa paaralan na 'to. Isang taon na lang naman g-graduate na ako ng high school. Kagaya ng mga nababasa ko sa wattpad. Kapag mahirap ka at nakapasok sa isang magarang paaralan, bu-bully-hin ka. Oh wait, masyadong exagge yung bully, uhm pag-uusapan ka. Ayon. Mas tama ang term na 'yon.

Pumasok ako sa room 50, 3rd floor siya ng isang malaking building. Tahimik akong dumaan sa harap nila at naghanap ng mauupuan, nakakita ako ng isang upuan sa sulok at may isang lalaking natutulog doon.

Rinig na rinig ko ang chismisan ng mga classmate ko. Pag-uusapan na nga lang ako yung obvious pa.

"New transferee?"

"Baka?"

"She looks so poor!"

"Her bag doesn't even have a label!"

"Dapat hindi siya pumapasok sa ganitong paaralan 'no!"

Masisisi n'yo ba ako na pumasok ako dito? Gusto ko ng magandang paaralan at magandang edukasyon kaya kinuha ko na ang pagkakataong ibinigay sa akin ng Tita ko.

Hindi ko na lamang sila pinansin... Masasany rin naman ako. Nag-earphones na muna ako at nagbasa ng libro. Lalo lang akong maiinis sa mga babaeng pinagch-chismisan ako.

Maya-maya pa ay dumating na ang guro namin at tinanggal ko na ang earphones ko at itinago ang libro ko.

Pansin kong hindi pa rin gumigising ang katabi ko. Mahimbing na mahimbing siguro ang tulog neto tsk tsk.

"Good morning, Class!" Masaganang bati sa amin ng aming guro.

"Good morning, Ma'am." Since hindi pa naman namin alam kung anong pangalan niya.

"I'm miss Alea Deadro, and obviously I'm your-" Tumigil ang guro namin sa pagsasalita at natigil ang paningin sa akin. "You Miss.... What's your surname?"

Tinuro ko ang aking sarili para manigurado kung ako nga ba ang tinutukoy. "Yes you." Pangungumpirma niya.

"Devera po." I answered. "Can you please wake up your seatmate? It is such disrespectful for me as an adviser. Unang araw ng klase, tulog na tulog." Rinig kong nagbubulungan ang aking mga kaklase.

"Ah okay po." Tinapik tapik ko yung katabi ko, "Huy gising daw sabi ni ma'am.." bulong ko sa kaniya.

"The f-ck?!" Sigaw nito sa akin. Hinampas niya ng malakas ang kamay ko Masaki tang hampas na iyon. 'Di ba siya aware na babae ang katabi niya? 

Humarap siya sa aming lahat. Kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga."So it's Mr. Ashford again. Hindi porket malaki ang shares ng iyong magulang dito sa paaralan ay maari ka ng matulog sa klase ko."

Kinakabahan ako sa tingin nitong katabi ko. Feeling ko anytime pwede akong lumipad sa outerspace dahil sa talim ng kaniyang tingin.

"Get out." Mahina at pero may diin ang utos nito sa guro.

"Ashford!"

"I said get out!" Pagalit na sabi nito sa aming guro. Hindi ko na kaya ang ginagawa niya. I might go to the guidance and report him!

"How dare you, Ashford!"

"I really dare, Miss Deadro." Umangat ang gilid ng kaniyang labi't kinuha ang telepono. May tinipa ito sa kaniyang cellphone at inilagay sa kaliwang tainga. "Fire Alea Deadro."

Tumikhim ako. Ganoon siya kalakas sa school na ito para i-fire ang kaniyang sariling guro? He's out of his mind!

"I'll call your mom!" sabi ni ma'am Deadro and she stormed out our room crying.

"YEHEY!!! FIRST DAY WALANG TEACHER!" Tuwang tuwang naghihiyawan ang mga classmates ko. Tiningnan ko nga ang maangas na lalaking 'to.

Susumbatan ko na sana nang makita kong masama siyang nakatingin sa akin. Napalunok ako. Nakakatakot naman! Feeling ko patay na ako sa imahinasyon neto kakatitig sa akin ng masama.

"Tss." He hissed and went back to sleep.

That's it?! Wala ba akong classmate na magsusumbong sa principal at sabihin ang pang-gaganun niya sa guro namin?!

"Thank you, Jail!"

"I love you na talaga, Jail!"

They're all thanking my seatmate. Ohh.. so his name is.. Jaile Ashford? but.. Jaile rin ang pangalan ko?


--

Yes I am really jonaxx inspired.




Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon