AA21 - Yours

11.7K 401 37
                                    

Dedicated to @/kathnielftswift of twitter. Saw her tweets hahaha! Thank you!!! :)

 Saw her tweets hahaha! Thank you!!! :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--//--


Sobra ang kaba ko ngayon. Ngayon lang ako dadalhin sa bahay nila dahil gusto daw ako makita ng ate niya. I wore a decent dress para hindi pangit ang impresyon sa akin ng ate niya.

Ang kanilang bahay ay sobrang laki. Mansyon na ang tawag dito, hindi na bahay. 

"Jail.. back out na ako." higit ko sa kamay niya pa-atras. 

Ayaw ko pa pumasok. Kinakabahan ako, makikita ko ang parents niya. Well bukod kay Ma'am Ashford, eh iyung kaniyang ama? Hindi ko pa nakikilala!

"Nope, hold my hand." inalok niya ang kamay niya. Tiningnan ko siya tapos nalipat ang aking tinging sa kaniyang kamay.

Hinawakan ko ng dahan-dahan iyon at kumalma naman ako. "I'm happy that my hand can make you calm too." He said while smiling.

Inirapan ko na lang siya, guilty ako. Totoo!

Dahan-dahan kaming lumakad papunta sa malaki nilang pinto, pinagbuksan kami ng dalawang nakaunipormeng bodyguard sa labas.

"Good thing you're home now sir, Miss Jailine wants to see you now in her room." sabi ng isang naka-suit na isang lalaki. Guessing this is their butler.

Jail nodded at him pagkatapos ay nilingon ako. "I'll be right back. Tawagin ko lang si Ate." 

I gave him a smile and nod. 

Pumasok kami sa mansyon nilang bahay, tiningnan ko ang buong paligid. Napapamura ako sa isip ko sa ganda. Ganito rin ang gusto kong bahay ngunit hindi kalakihan. Yung kasya lang sa pamilya namin.

"Jaile, sit here." tinuro niya ang isang couch. Sinunod ko ang kaniyang utos at naupo ng maayos. "I'm going up to call my sister a'right?" Habilin sa'kin ni Jail.

"Give her everything she needs okay? Or else.." Sinenyasan ni Jail ang apat na katulong dito sa bahay nila. 

Nang makaalis si Jail, nagsimula ng umikot ang aking paningin sa paligid. Mga malalaking naka-frame na litrato ng pamilya ang nakasabit sa pader nila. 

Umikot pa muli ang aking paningin ng makita ko ang pictures nila sa gilid ng TV. High school days ni Jail. 

Tumayo ako para lapitan ang mga iyon. Dinampot ko ang isang picture frame, picture nila Shanella at Nik na nakatoga. Batang-bata pa at halatang grade school graduation ito. 

I'm really curious bakit sila nagkawatak-watak na tatlo. Close sila dati. Hindi pu-pwedeng walang dahilan hindi ba?

Ibinalik ko iyon sa lalagyanan. Sinilip ko pa ang iba pang litrato nilang pamilya na nandon. 

Kamukha ni Jail ang kaniyang ama kaysa sa kaniyang ina. Kaya hindi ko namukhaan na mag-ina pala si Mrs. Ashford at si Jail. 

May dinampot muli akong picture frame. Hindi ko kilala ang babaeng ito at parang recent lang ng litratong ito. 

Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon