AA26 - Gift

7.8K 339 15
                                    

"Flirting while I'm waiting huh?"

Ibinigay ko ang pizza kay Jander at sinabihang mauna na sa loob. Pagkapasok ni Jander ay saka ko hinarap ang aroganteng lalaking ito. "I am not flirting, Jail. He was just asking for my number. Ibinigay ko dahil magkaibigan naman kami noong high school... sa former school ko okay?" 

Why am I even explaining to this guy when it's obvious na siya ang nakikipagdate sa iba! "How about you? Kasama mo naman si Daphne ah!" 

I sounded like a freaking jealous girlfriend. Oh c'mon, Jaile! Umirap ako sa kawalan at hindi na inintay ang sasabihing explanation ni Jail. 

Hinigit niya ako pabalik sa kinatatayuan ko kanina. "Jailine wants her out of the house kaya isinama ko siya sa mall okay? Not because we have a fucking date 'gaya ng iyong iniisip."

Umirap ako. Kaya ayoko siyang mag-explain! Nawawala ang aking galit dahil alam kong nagsasabi siya ng totoo! 

I looked at his eyes. Sa aking mga labi iyong nakatingin.. Tinikom ko ang aking labi. "Sana ay itinawag mo na lang 'yan.. You don't have to visit me here." 

Bumaba ang hawak niya mula sa akin braso papunta sa aking mga kamay. "I want to see you.. Namimiss kasi kita.." malumanay niyang sabi.

Hindi na lang ako nagsalita. 

Jail is being clingy as fuck. He shows how he freaking likes me thru text! Kapag walang pasok ay ganiyan siya. He always texts me. I don't know pero feeling ko kapag tumigil siya, I'll definitely miss it! 

Sunday morning. Bumaba ako ng hagdanan pagkagising ko. Sabit sabit ang tuwalya sa aking balikat, dumiretso ako ng banyo upang gawin ang aking morning routine.

Lumabas ako ng banyo. Wala pang tao sa baba ng bahay namin.. How weird! It's 6 in the morning.. Baka mga antok na antok pa dahil nanood sila ng movie kagabi..

Nakabukas ang pintuan ng aming bahay. Lumapit ako upang isara ito pero nakita kong nandoon si tatay sa aming gate. May kausap na matandang babae.. 

Hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan.. Ano iyon? Mga ilang minuto ko silang pinagmamasdan doon. Napatingin sa akin ang matandang babae. Umawang ang kaniyang bibig nang makita ako. 

Lumingon din si tatay at tila pinaaalis na ang babae. Isinara nito ang aming gate at naglakad patungo sa akin.

"Sino po iyong 'tay?" aking tanong.

"Wala iyon.. Kumain ka na ba?" tanong ni tatay akin. Umiling ako. "Bumili ako ng pandesal.. kumain ka na, Jaile." Nanatili akong nasa pintuan nang pumasok si tatay papuntang kusina.

Mula sa aking kinatatayuan ay kita ko ang pag-alis ng isang itim na sasakyan. That must be the lady's car..

She freaking rich! Bakit niya kinakausap ang aking tatay? 

My parents acted very weird today. Alam ko.. may kinalaman ang babaeng iyon. Sino ba siya? 

"Hoy, Jander! Tulungan mo nga ako dito." sabi ko habang nakapamewang at may dala-dalang walis. Hindi ako pinansinin ni Jander, bagkus ay lalo pa siyang naglaro sa kaniyang psp. Umirap na lamang ako at sinarili na lang ang paglilinis. Hindi mauutusan ang magaling kong kapatid!

Nang matapos ko ang gawain sa bahay ay gumawa na rin ako ng mga assignments ko sa school. 

Nakaupo ako sa aking kama habang nagsasagot. Umilaw ang aking telepono dahil sa text ni Shanella.

Shanella

Where are you?!

With a resentful face, I was about to text back ng tumawag na ito sa akin. Dinig ko ang maingay na paligid sa kabilang linya.

"Jaile? Where the hell are you?!" Sigaw niya. 

"Nasa bahay. Bakit ka ba sumisigaw? Nasa bar ka ba?" 

"What?! Nasa bahay ako ni Ashford! Birthday niya ngayon!" My jaw automatically dropped. I didn't know! 

"Hindi ko alam! Kung alam ko lang ay pupunta ako diyan!"

"But now you know.. Pumunta ka na! It's still early.. mamaya pa ang tapos nito!" aniya't binaba ang telepono.

Tiningnan ko ang aking orasan.. it's 7:30 in the evening. For a girl like me, it's not early!

That's probably the reason kung bakit siya hindi nagti-text sa akin. He's busy with his party! He's busy entertaining guests.

I texted him instead. 

To Jail"

Happy birthday, Jail! Sorry I can't go to your party. Enjoy! :)

I pressed send. Nilapag ko ang aking telepono sa aking kama. Nang dumalaw na sa akin ang antok ay tinigil ko na ang pagsasagot. Tatapusin ko na lamang iyung iba bukas.. Konti na lang din naman.

Niligpit ko ang aking mga gamit. Hindi pa din nagrereply si Jail. He's really busy okay..

Nagtungo muli ako sa baba upang magsipilyo at maghugas ng mukha. Naabutan ko pa doon si nanay at  tatay na nag-uusap. Tumigil sila ng makita ako.

Dumiretso na lamang ako sa banyo. Habang nagsisipilyo ako ay naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan. Their voice are low volume at akala nila hindi ko sila naririnig..

"Patawarin mo na Zander.. Kailangan ka na pati doon.." Patawarin saan? Kailangan saan? If I ask them I know they won't tell me.. I sighed. I hope it's not a big problem to our family..

"Jail! Hijo! Ano ang ginagawa mo rito.." Nanlaki agad ang aking mga mata nang marinig ko ang mga salitang iyon kay nanay. Jail is here! 

Dali-dali kong hinugasan ang aking mukha. Pinunasan iyon ng twalya at lumabas. 

He's wearing a white shirt and black faded jeans. His hair is even messy! Natuon ko ng pansin ang kaniyang hawak. Isang regalo!

"Anak.. ayan si Jail!" Anong ginagawa niya rito? 

I bit my lower lip. Hinila ko siya papunta sa taas. Binuksan ko ang pintuan ng aking kwarto at pinapasok siya doon. Pumasok din ako at isinara ang pinto.

"It's your birthday! Bakit ka nandito? You should be enjoying your party.." agad kong bungad sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa akin. His eyes looks so mad at me. Why?

"You're not even there! How would I fucking enjoy my party without you? Ikaw ang hinihintay ko.." 

Napapikit ako. My heart is trembling so fast again! Goddamn it! Why do I even matter in his life anyway?

Umupo ako sa kama at kinuha ang suklay. Sinusuklay ko ang aking buhok. Umupo rin si Jail sa aking tabi. 

"My birthday wouldn't be complete without you.." I cursed inside my head. He's giving me tickles on my tummy!

"I want to see my gift, Jaile." He demanded. Umawang ang aking bibig. I don't have a gift..

"Wala akong binili Jail. Ang totoo niyan, hindi ko alam na kaarawan mo.. sinabi lang din sa akin ni Shanella kasi wala nga ako sa party mo.." I honestly stated.

Kumunot ang kaniyang noo. "That's not the gift that I want Jaile.. Take this." For the second time, umawang nanaman ang aking bibig. He's giving me a gift instead of me, giving a gift to him!

"F-for what? Dapat ako magbigay sa'yo niyan!"

"Just fucking open it okay?" kinuha ko agad ang regalong dala-dala niya. Mabigat ito.. 

Sinira ko ang nakabalot dito. My jaw dropped. What the fuck, Jail!

"W-what is this? Jail!" Tawag ko sa kaniya ngunit nakangiti lang siya sa aking tabi.

Oh my God! He bought a dslr camera! "That's for you.. I want my baby's wish to be granted. That's all I ever wanted for as a gift." 

Fuck!

Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon