AA17 - Fuck Love

12.4K 382 24
                                    

Pagkatapos ng text na 'yon ni Jail ay hindi na siya nagt-text sa akin. Binibisita ko facebook niya pero walang post. Miski ang ate niya. I have no idea what's happening to him..

Ilang oras ako nag-iiscroll sa facebook at twitter ko. 

Humiga ako sa kama ko at nagmuni-muni. Si Jail kaya? Ano bang ginagawa nila ng Ate niya dun? Pa'no kung hindi makahabol sa lesson si Jail? Edi bagsak siya? Hay nako.

Tatlong araw na ang nakakalipas na araw hindi pa rin siya umuuwi. Baka sa lunes na ngang talaga ang uwi niya. Sabado pa lang ngayon eh.

I shrugged and sleep. Ilang gabi ko na kasi iniisip ang pagbabalik niya. Parang kinakabahan ako bigla. Ewan ko ba, minsan kapag magkasama kami ni Nik, lagi siya ang iniisip ko.

Bakit kung sino pa yung wala ang siyang naiisip ko? Nahahahawaan na yata ako ng alien na utak ni Nik.

At hanggang ngayon hindi ko kilala kung sino ang nakabaril sa akin. Pero bakit ko ba pag-aaksayahan ng oras yun? Mabuti na lang buhay ako. Ligaw na bala lang 'yun. Hindi sinadya. 

Pati hindi rin kilala ni Nik kung sino ang bumaril. Kaya pala ang tagal sumagot ay tinatakot lang ako! 

Nagbabawi ng tulog sa mga sabog days ko nitong nakaraang araw. Ala-una na yata ako nagising. Bumaba ako at nakita kong busy sila sa panonood ng horror movie.

Tanghaling tapat tapos nanonood ng horror? Kakaiba talaga 'tong sila nanay at tatay. Si Jander naman wala. Naglalaro siguro sa labas.

Pumunta muna ako ng CR at nagsipilyo. Matapos ko magsipilyo ay naaalala ko ang sinabi ni Aling Stacy.

"Nay, sabi nga po pala ni Aling Stacy yung bayad daw po sa renta."  pagkalabas ko ng CR. 

Nalimutan kong sabihin yun nung isang araw. Sorry naman! Ang dami kasing gumugulo sa isip ko eh. 

"Ah sige, ako na ang bahala d'on. May naipon naman ang tatay mo nitong nakaraang sweldo niya eh." sabi nito at binigyan ko sila ng tango.

Kumain ako ng almusal de tanghalian ko pagkatapos ay naligo. May date daw kami kuno nitong si Nik eh. Susunduin daw niya ako ng alas tres.

Pakanta kanta ulit ako habang naliligo, naaalala ko yung kamanyakan ni Jail sa akin nun! Teka kamanyakan nga ba? 

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis. Naghanap ako ng medyo magarang damit. Ayokong magmukhang tanga kasama si Nik. Tulad nung nangyari sa amin ni Jail... 

Teka nga! Bakit ba bawat galaw ko may meaning agad? At si Jail agad yung kasali dun? 

Napili ko ang damit na binili sa akin ni Jail nung nasa forever 21 kami. Isang sleeveless  na dress color black and white. Nakaflats naman ako para sa shoes ko.

Nag-ayos ako ng buhok ko, inipit ko ng braid at nagpabango. 

Tiningnan ko sa wrist watch ko ang oras, 2:48 PM na. Sakto lang ang tapos ko. 

Rinig ko ang busina ng sasakyan ni Nik. Sumilip ako panandalian sa bintana. Hinarap ko ang aking mga magulang. "Nay, Tay.. May pupuntahan lang po ako kasama si Nik."

"Saan?"

"Di ko po alam eh.. Pero uuwi rin po ako maaga!"

"Jaile, 'wag papagabi." Sabi ni tatay with an authorized voice. My dad is being protective again.

"Opo." 

I kissed both of their cheeks before leaving the house. Sinalubong ko si Nik pagkalabas ng gate namin. 

Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon