AA28 - Pride

8.3K 315 41
                                    

Kinabukasan, nagsorry ako sa magulang ko about sa pagsagot. Kabutihan naman siguro ang inaalala ko diba? Problema naman nila 'yun eh.. pero kung hindi na nila kaya ang problemang 'yun, nandito ako para lagi sa kanila.

Nagbihis ako ng magarang damit. Balak kong pumunta kila Jail ngayon, kahit labag sa damdamin ko kasi feeling ko hindi ako tanggap. Well.. let's exclude ate Jailine. She likes me a lot! Ay nga pala hindi ko na nabubuksan twitter ko.

Binuksan ko muna at chineck ang notifs. Ang dami kong notifs! May mga hate tweets ako at may good tweets naman. 

"Whaaaaaat? Is this even true?"

"You're with Ate Jailine?! Jail's ate?!

"Wow bigtime!"

"Girlfriend meets sister in law ohmygosh kinikilig ako"

Yan ang ilan sa mga nabasa ko pero hindi ko na pinansin yung iba. Ni-retweet ko lang yung picture namin ni Ate Jailine. In-off ko na ang telepono ko at umalis na ng bahay.

Nag-tricycle ako papunta sa bahay nilang mansyon huhu. Pinapasok ako ng guard nila at nakasalubong ko si Ma'am Ashford.

"Oh.. Ms. Devera, what are you doing here?" Nakangiting tanong ni Ma'am Ashford sa akin. May hawak hawak siyang tray tapos may cookies. Natakam ako bigla ah.

"Visiting Jail po. Nand'yan po ba siya?" Magalang at nakangiti kong tinatanong si Mrs. Ashford ngayon hehehe.

"Yep, in his room with Daphne." Kumunot noo ko pero ngumiti ulit ako.

TAKTENG 'YUN!! KASAMA PALA SI DAPHNE SA KWARTO NIYA?! BWISIT SIYA! "Ah sige po, Ma'am----" Pinutol niya ako nang magsalita siya.

"Hep hep hep. Tita na lang. Sa school mo na lang ako tawagin ng gan'yan." Comment niya. Sweet naman hehehe.

"Oh sige po, tita. Alis na po ako, may kasama po palang iba si Jail eh." Sabi ko, diniinan ko bawat word na sinabi ko. 

"Aywait, hija, Tikim ka muna ng cookies ko oh. Wala kasi akong magawa sa bahay eh hahaha." Tumango lang ako sa kaniya at kumuha ng isang cookie galing sa tray na hawak hawak niya.

Kinain ko ang cookie at tumango tango. Pagkalunok ko tsaka ako nagsalita, "Ang sarap po." Walang halong biro. Ang sarap talaga! 

Naubos ko agad ang isang piraso. "Pwede isa pa po?" tanong ko hahahah hala Jaile kapal mo.

"Sure sure. Wala rin namang kakain niyan dito eh." Kumuha pa ako ng isa at nagpaalam na aalis na ako.

Ang sarap nung cookie. Gusto ko pa huhuhu.

Nagtricycle ako pabalik ng bahay namin at safe naman akong nakauwi. Pagkapasok ko nang bahay, same old scene. As always, araw araw naman. 

Pumanhik ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit pambahay. Umupo ako sa kama ko at nag-facebook na lamang. 

Nakita ko bigla sa friend request ko na nagpapa-add sa akin si Jail.. Pinag-isapan ko ng ilang segundo kung iaaccept ko ba ito o hindi? Pero inaccept ko na rin. Baka patawarin na ako eh. hehehe.

Scroll lang ako ng scroll sa news feed ko tapos nakita kong may post si Nik. Picture niya at nang mga kabanda niya habang nagp-perform sa isang gig. 

Pero may nakita akong kakaiba sa picture na 'to eh... teka bakit nandun si Shanella? Zinoom ko pa lalo para makita ko kung si Shanella.

PERO SI SHANELLA TALAGA EH!! Hmmm..something fishy's going on here.

Aasarin ko bukas hahaha Shanella ha, kasama si Nik sa gig hahaha.

Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon