AA7 - His girlfriend?

14.2K 461 91
                                    

Masama si Jail? Taliwas 'yun sa aking naiisip.. Baka naman may alitan lamang sila?

Hinatid kami ni Nik sa room naming dalawa ni Shanella. "Text mo 'ko ha! At ako ang gagawa ng account mo sa icloud! Mamaya facetime tayo.." Huling paalam ni Nik. Binigyan ko siya ng tango. Umalis na rin naman siya agad at doon lang ako nagkatsansa pumasok sa room.

Pagkatingin ko sa upuan ko, nakita ko na nandoroon na si Jail. Bilang ganti ko nga.. hindi ko siya papansinin.

Tahimik akong umupo sa tabi niya. Kinuha ko ang aking notebook, nagreview na lamang ako para sa quiz namin mamaya.Kita ko sa aking peripheral vision, nakatitig siya sa akin. Pinigilan ko ang aking sistema na h'wag siyang lingunin and I'm glad I did.

"Jaile." Gulat ako sa kaniyang pagtawag sa akin. Hindi ko pa rin siya nililingon. Patuloy pa rin ako sa pagre-review ko. Tiningnan ko siya saglit. May kinuha ako sa bag ko. Ang earphones ko. Sinuot ko pa ang earphones ko pero walang tunog. Gusto ko marinig ang sasabihin pa nito sa akin.

Narinig ko ang maliliit na mura sa kaniya. Ngumuso ako para pigilan ang ngiti. He's so cute! "I said, Jaile." He tried to call me once more but that doesn't even make me to look at him.

"Fuck then don't!" This time, tinanggal ko ang earphones ko kasi nagdadabog nanaman siya. What the hell's wrong with him? He's always mad! I didn't do anything.. Well except for my little revenge.

Sinipa niya ang upuan sa harap niya. Nagtinginan ang classmates naming sa aming dalawa. Napamura ako sa isip ko.

"Jail! Ano bang problema mo?" Bulong ko sa kaniya.

"You're my fucking problem."

Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. He's walking out again. I rolled my eyes. He's being so childish! So immature!

I don't get him. He was the one who's snobbing in the first place and now that he's talking to me, I just did the same thing he did to me! What an ass.

Inalis ko 'yon sa aking isipan hanggang sa uwian na, nakakunot noo akong lumabas ng room at hinigit ako pabalik sa pintuan ni Nik.

Nalapagpasan ko pala siya. I was thinking of Jail kaya hindi ko namalayan.

"Oh bakit nakasimangot?"

'Di ako na lang ako sumagot kasi badtrip ako. Nababadtrip ako kasi ako ang pino-problema ni Jail. Ano ba kasing problema niya sa akin? Sasabog na kasi utak ko eh.

Inakbayan niya ako at nagsimula kaming maglakad pababa ng building. "Alam ko na! Bakit hindi nagkakape, nag-tutubig at nagso-softdrinks ang madre at padre?" Tanong niya sa akin.

"Huh? Ah eh.. baka kasi bawal?" Sagot ko ng may halong pagtataka.

"Mali. Kasi maka-juice sila!" It took me a minute bago ako tumawa ng malakas to the point na pinagtinginan ako ng mga tao. Nahiya ako bigla dahil sa tawa ko. Mababaw lamang ang aking kaligayahan kaya mabilis ako matawa.

"Nadali mo 'ko dun ha!" Aniya ko't sinuntok siya ng mahina sa kaniyang dibdib.

"Eh yung puso mo, kailan ko madadali?" Natigil ako sa pagtawa't tumingin sa kaniya. Hindi ko naman naintindihan ang kaniyang sinabi dahil sobrang hina.

"Ano?"

"Wala sabi ko, bakit ka badtrip?"

"Ahh. Si Jail kasi kanina nag-walk out. Ako daw ang problema niya. May problema ba 'yun? I mean sa ibang bagay. Like family problems.."

He just shrugged. "Gusto mo masolusyunan 'yan? Tutulungan kita!"

"Pa'no?" tanong ko nang makalabas kami ng gate pagkatapos ay dumiretso sa parking lot.

Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon