AA10 - Sleepover

12.6K 487 30
                                    

Matapos namin sa mall ay hinatid niya na ako sa bahay namin. We even watched a movie. Natuluyan na talaga ang pagc-cutting classes namin.

Kapaparada pa lang ng kotse ni Jail, napansin kong may nakaparada ring kotse sa harapan ng bahay namin. At kilala ko kung kaninong kotse 'to.

Nilingon ko si Jail, nahuli ko siyang nakatingin sa akin habang nakapatong ang kamay sa manibela. "Uhm.. Jail. Sige thank you nga pala sa lahat. I need to go... B-bye!" Aking paalam at bumaba ng mabilis. 'Di ko na siya pinagsalita kasi for sure magagalit sa akin si Nik.

Pumasok agad ako sa loob ng bahay name. Naabutan ko doon si Nik. Tama nga ang aking hinala. Nandito siya.. Tumigil sila sa lahat ng ginagawa nila pagkatapos ay tiningnan ako..

Lumapit sa akin si Nik, hinila niya ako't niyakap ng mahigpit. "Where have you been? Tine-text kita, pinaload-an pa nga kita para maka-reply ka pero hindi ka sumasagot." Bulong niya sa akin. "Nag-alala ako." dagdag pa niya.

Bumitaw ako sa kaniyang yakap. Nakatingin ang buong pamilya ko sa akin. Nalaglag ang aking panga nang pumasok si Jail sa bahay namin.

"Kasama mo 'to?" Turo ni Nik kay Jail..

I nodded and bit my lower lip. 'Wag naman sana sila gumawa ng eksena. "Umupo nga muna kayong dalawa.." Pinaupo ko silang dalawa. Mabuti na lang wala silang sumpong para hindi ako sundin.

Pumanhik na muna ako para ilapag ang pinamili sa akin ni Jail. Bumaba ulit ako, and surprisingly, nakatingin silang lahat sa akin. Parang may ginawa akong kasalanan sa kanilang lahat. Si Tatay masama ang tingin, si Nanay naman kilig na kilig at si Jander natawa.

Si Jail? Ano pa nga ba? Pokerface. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Si Nik naman nakakunot ang noo. Hindi maganda ang aura dito sa maliit na apartment namin.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Jail.. "Ay, 'nay! 'tay! Si Jail po. Classmate at seatmate ko po 'yan sa school." Pagpapakilala ko kay Jail.

Ngumiti si Jail kila nanay at tatay. "Anak, sino ba talaga dito ang kasintahan mo? Haba ng hair mo anak!" Natatawa pa sa pang-aasar sa akin si Nanay. Pinagsabihan agad siya ni Tatay dahil kinukunsinti pa ako..

Si Jail hinawakan ang kamay ko at ngumiti. Kita ko ang pag-igting ng panga ni Nik at ang pagkuyom ng kaniyang kamay..

"Wait up, I've got something for all of'em." Tumayo si Jail mula sa kaniyang kinauupuan. Binitawan panandalian ang aking kamay at lumabas ng bahay.

Kinamot ko ang ulo ko dahil sa ginawa ni Jail. May ibibigay siya sa pamilya ko.. Ako ang nahihiya eh. Pinaupo ako ni Nik sa tabi niya pagkatapos ay may binulong. "Bakit kasama mo yung kupal na 'yun?"

"Eh kasi hinila niya ako, hinahabol siya ng ate niya kanina."

"Tss. Bakit kailangan ka pa isama? Bwisit." He hissed pero 'di ko na lang pinansin. He's just being immature sa ginagawa niya..

Mga ilang minute ang lumipas, dumating na si Jail mula sa labas. Ang dala dala niya ay ang mga pinamili namin sa grocery kanina. Kaya pala siya bumili doon! Akala ko naman iyon ay para sa kanilang bahay..

"Here's for you, Mom, Dad." Sa hindi ko mabilang na pagkakataon, nalaglag ang aking panga. Pinalo ko nga sa may baywang si Jail. Nakakahiya siya!

Kinuha iyon ni Nanay at todo pasalamat siya kay Jail. Naputol ang pagpapasalamatan nang may nag-ring na phone. Nagsilabasan ang phone naming para tinginan kung kanino 'yon. Nang ilabas ko yung akin ay napatingin si Nik sa akin.

"Iniba mo phone mo?" malungkot na nakatingin siya sa akin. Nakita ko ang hawak niyang phone. Sa kaniya yung may tumatawag..

Ngumiti siya ng tipid bago tumayo. "I better go." Nagpaalam siya sa buong pamilya ko. Hindi niya pinapansin si Jail.

Nang makalabas si Nik ay nagyaya na si nanay na magluto para sa hapunan. Tiningnan ko si Jail na busy kausap si tatay sa hapag-kainan at ang bunso kong kapatid, naglalaro ng transformers.

I bit my lip. Napagdesisyunan kong sundan si Nik sa labas ng bahay namin. Mabuti naka-istambay pa siya sa labas ng gate namin. Akala ko'y wala na akong maabutan pa.

Lumapit ako ng kaunti sa kaniya. Nakatalikod siya sa akin at may kausap sa telepono.

"Yeah, May inasikaso lang.. mas importante pa siya sa inyo. Oo na. Papunta na." rinig kong sabi sa kausap niya.

Mas imporatante pa ako sa kausap niya..

Tinago na ni Nik ang telepono niya. Papasok na sana siya sa kotse nang tinawag ko siya. "Nik!" Binuksan ko ang gate namin at lumabas ako.

"I'll explain tomorrow. I promise!" I said. "Ingat ka." Dagdag ko pa.

Nag-guilty kasi ako sa ginawa ko... Feeling ko ang sama ko. Pero... phone lang 'yun.. Pero kahit na diba? Bigay niya iyon eh.. Marami na siyang nagawang mabuting bagay sa akin at malaki ang utang na loob ko kay Nik.

"It's okay." Hinila niya ako at niyakap saglit bago sumakay ng kotse.

I think that's the best way I can do to lessen our issue.

Nang mawala na ang kotse sa paningin ko ay tsaka lamang ako pumasok ng bahay namin. Nakita ko roong masayang nagkakainan si Nanay, Tatay, Jail, at Jander. Lumapit ako sa kanila at naki-kain rin.

"You know hijo, Mabait na bata 'tong si Jaile. At meant to be oh! Jail rin ang pangalan mo." Sabi ni Nanay.

"Oh kain ka pa, Jail." Sabi naman ni Tatay.

"Kuya Jail! Kuya Jail! Gusto mo ba si Ate?" Tanong ni Jander. Hinampas ko ng mahina si Jander na nasa tabi ko. Nakakahiya na talaga ang pamilya ko. Pinamimigay na ako kay Jail.

Jail just patted Jander's head and continued eating. "Pasensiya na sa pamilya ko ha. Hindi yata nakainom ng gamot.." Bulong ko kay Jail.

"No problem. They're cool and I like what they're saying." He said to me ng pabulong rin. Patuloy pa kami sa kwentuhan, kita ko sa pakikipag-usap niya close agad sila ng aking pamilya..

"Uhm.. Mom, Dad," Hindi pa rin ako sanay sa pagtawag niya sa aking mga magulang. Namumula na ako sa kahihiyan!

"Jail!" suway ko sa kaniya.

"Ano ka ba, Jaile! Ang galang nga ng mom at dad ni Jail eh! Hayaan mo na.." Kita kong abot tainga ang ngiti ni nanay. Umikot ang dalawa kong mata.

Parang pinagbuhol-buhol na sinulid ang kanilang mga utak. In short, magulo. Hindi ko malaman kung sino talaga ang itinutulak nila sa akin, parang noong isang linggo lamang ay si Nik, at ngayon naman ay si Jail. Lalong lalo na itong si nanay.

"Anong sasabihin mo hijo? Uuwi ka na ba?" tanong ni tatay sa kaniya.

"Nope. I'm planning to sleepover here, will you let me?" Ngumiti siya sa mga magulang ko at napanganga kaming lahat. Hindi ko 'yon inasahan!



Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon