AA5 - Get back here

14.9K 534 118
                                    

Pakanta kanta pa ako sa bahay namin habang tinutulungan mag-laba si nanay.

Linggo ngayon at nagpapasalamat naman ako na nakaraos ako ng isang linggo sa aming paaralan. Isang linggo na rin akong ini-isnob ni Jail.. Ewan ko ba pero ayoko ng ginaganon niya ako..

Gabi na kami natapos ni nanay kakalaba ng mga damit namin at isinampay ko pa sa labas ng bahay namin. Mga mga naninitnitsit pa nga sa akin sa labas ng gate.

"Tao po!" May kumakatok sa gate namin at tiningnan ko kung sino. Namilog ang aking mata sabay noon ang paglaglag ng aking panga nang malaman ko kung sino iyon. Si Nik!

"Nik! Anong ginagawa mo dito?" aniya ko. Inayos ko muna ang damit ko bago lumapit sa kaniya sa gate. Tiningnan ko yung mga kapitbahay namin, nakasilip nanaman! Porket may dalang kotse 'tong si Nik, chismis agad sa kapitbahay. 

Hindi na ako nagtaka na alam niya ang aming tahanan. Hinatid niya kasi ako nung 2nd day ng class. Ang kulit kulit! Baka daw madapa nanaman ako.

Ganon ba ako katanga para sa kaniya?

"Binibisita ka!" Nakangiting pa siya habang sinasabi ang mga iyon.. Pinagbuksan ko siya ng gate. Hindi ko inasahan ang salubong niyang yakap sa akin. "U-uy basa ako!" aking untag.

"Okay lang." Bumitaw siya sa yakap pagkatapos ay dumiretso sa loob ng bahay namin. Akalain n'yo nga naman, ka-close agad sila nanay at ang kapatid ko.

Sinara ko na muna ang gate ng bahay namin bago sumunod sa kanila sa loob. Nakita kong may dala-dalang laruan si Nik para kay Jander. Lakas tama 'tong si Nik aba.

"Ay tita, eto po sa inyo." May nilabas na supot 'tong si Nik at ibinigay kay Nanay. Isang magarang damit.

"Napakabait mo talaga, hijo. Maraming salamat dito ha." sabi naman ni nanay.

Umupo ako sa sofa namin at tiningnan lang sila. "Ikaw, Jander. Say thank you to kuya Nik."

"Thank you kuya Nik! Ganda nitong transformers!" Ginulo lang ni Nik ang buhok netong si Jander.

Pumanhik sa taas si Jander. Doon siguro iyon maglalaro."Nik nakakahiya naman 'yung ginawa mo." sabi ko nang makaupo na siya sa tabi ko.

"Don't be, Jaile. You're my friend." Sabi nito at inakbayan nanaman ako. Wala akong nagawa kasi yun ang gusto niya. Nakakahiya naman kung tatanggalin ko pa.. 'yun lang ang maisusukli ko sa mga kusang-loob na binibigay niya..

"Oh sakto nandirito ka nanaman, Hijo. Gusto mo kumain rito?" Pagaaya ni nanay sa kaniya.

"Ay hindi na po, tita. Paalis na rin po ako. Napadaan lang ako dito para dalhin ang mga regalo ko po sa inyo pati miss ko na 'tong si Jaile eh."

Para namang kinuryente si nanay na kinilig. Napapikit na lang ako sa kahihiyan. Nakakahiya ang mga sinasabi ni Nik!

"At syempre, eto Jaile, para naman sa'yo. Para kahit nasa malayo tayo nagkikita tayo hahaha facetime na lang tayo ha!" Nilabas niya ang isang kahon.. Nagsilakihan ang aking mata.

Nakailang mura yata ako sa isip ko nang makita ko ang iphone na katulad ng kaniya! "Hala! Nakakahiya naman, 'wag na." Ibabalik ko na sana sa kaniya pero ako'y kaniyang tinakbuhan. Hindi ko na sa nahabol.

This is so weird! He's a good friend, yes. But giving me these things gives me confusion.

"Ikaw ha, hindi mo sinasabing may boyfriend ka na. At mayaman pa!" Ibinaling ko ang aking tingin kay nanay nang sabihin niya 'yon. Isinusukat niya ang binigay na damit sa kaniya ni Nik.

"Hindi ko po siya boyfriend, 'nay."

"Sus! Mga kabataan ko gan'yan rin e, todo deny pero sa huli kayo rin pala." Humalkhak pa bahagya si nanay sa akin dahil hindi daw totoo ang akin sinasabi.

Ni-wala nga akong crush dun eh. Gwapo pero hindi ko tipo. Tingin ko hanggang friends lang talaga ang kaya kong ibigay sa kaniya.. Wala nang hihigit pa doon..

I went outside. Isinarado ko ang gate namin bago nagpatuloy sa pagsasampay.

Sa kalagitnaan ng pagsasampay ko ay bigla akong tinawag ni Nanay. Nagriring daw ang phone na binigay sa akin ni Nik. Dali-dali akong pumasok tsaka sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Uy! Bakit 'di kita matawag sa face time?"

"Uh.. kasi ewan ko?"

"Teka.. May wifi ba kayo?"

"Wala..."

Nakarinig ako ng maliliit na mura sa kabilang linya."Kaya pala eh. Oh sige babye!" Biglang nag-end yung tawag. He's acting so weird!

Kinabukasan pagpasok ko ng room, nagkakagulo. Ang ingay-ingay nilang lahat. Umupo ako sa tabi ni Shanella at nagtanong.

"Shanella, pa'no ba 'tong facetime na 'to? Si Nik kasi kinukulit ako gumawa daw ako ng account." Binigay ko sa kaniya ang telepono ko at hinayaan na siyang pakialaman yun.

"Sa'n galing 'to?" Tanong niya. Kita ko ang pag-angat ng kaniyang isang kilay tila nagtataka kung saan ko nakuha ang cellphone..

"Ah... bigay sa akin ni Nik. Binabalik ko nga kaso ayaw niya naman.." Tumango na lamang siya.

"Ah yun lang ba? Madali lang 'yan." May kinlick siya sa phone ko. "Kabit ko muna sa wifi ng school ha?" Sabi nito at nag-nod lang ako.

"Ayan.." Kita kong nakakabit na nga sa wifi ng school. "Ano bang email ang gusto mo?"

"Huh?" 'Di ko naintindihan ang sinasabi niya kasi nakatingin ako kay Jail sa likod. Kinukulit siya ni Mandra at iritang irita naman 'tong si Jail.

"I said, anong gusto mong email?" Nakuha niya ang aking atensyon. Tinuon ko ang aking mga mata sa kaniya pero pa-silip silip pa rin ako.

Hindi ko nagugustuhan ang pagnanakaw ng halik ni Mandra kay Jail. Feeling ko'y nagpupuyos sa galit ang aking damdamin nang makita ko 'yon..

"Uhmm ano.. cutiewhiteunicorns na lang." tuloy pa rin ang pagsulyap ko sa upuan nila..

"Para kang bata hahaha." Natuwa siya at tinipa yun sa cellphone ko. cutiwhiteunicorns@icloud.com ang nakalagay.

"Oh ilagay mo d'yan ang pass mo." Iniabot niya muli sa akin ang telepono ko. I was about to type my password nang sumigaw si Jail. Tuloy pa rin sa paglalandian ang dalawa. Nilihis ko ang aking tingin. Ayoko ng ganoon at hindi ko alam kung bakit.

Nawala ang pokus ko kay Shanella. Nagulat kaming lahat sa pagsigaw ni Jail. "CAN'T YOU JUST FUCKING LEAVE ME ALONE?! GET OUT OF MY SIGHT! NOW!" Natahimik ang lahat sa pagsigaw niya. Rinig na rinig naming lahat 'yon sa lakas ng kaniyang sigaw..

Tiningnan ko lang silang dalawa na nag-aaway. Si Mandra naman umiiyak na. Natakot na rin siguro sa pa-galit na mukha nitong si Jail! Kung sabagay nakakatakot nga!

"Ang gwapo pa rin ni Jail."

"Shet ang hot magalit!"

Hindi ko maisip ang mga kaklase kong babae na sabihin pa iyon sa gitna ng galit ni Jail..

"B-but Jail.. You kissed m-" Jail cut her off. "I. SAID. GET. THE. HELL. OUT. OF. MY. SIGHT!" Tsaka pa lamang umalis si Mandra habang umiiyak.

I don't think I should blame Mandra for that. First of all, nagpakita ng motibo si Jail kay Mandra.

Akma sana akong magsasalita para pagsabihan si Jail pero umurong ang dila ko ng sumigaw muli siya. "AND STOP TALKING ABOUT ME!" Pahabol pang singhal ni Jail sa lahat.

I cleared my throat. Nakakatakot siya.

"FUCKING JAILE ELLA DEVERA. GET BACK ON YOUR FUCKING SEAT NOW!"

"A-ano?!" Nanginginig ang boses ko. Nagulat ako't natatakot sa kaniya.

Hinihingal na siya sa kaniyang pagsigaw...

"Stupid. I said get back here." Naging kalmado ang kaniyang boses. Itinuro niya pa nga ang kaniyang katabing upuan.

Gusto niya akong umupo sa kaniyang tabi... Magandang ideya ba ito?



Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon