AA13 - Nik and Jaile

11.8K 412 18
                                    

Sapo-sapo ko ang aking noo habang pumapasok ng bar na itinuro sa akin ni Shanella. Hinanap ko si Shanella sa buong paligid, maliit lang ang bar kaya madali ko siyang namataan.

"Jaile! Good thing!" bati sa akin ni Shanella ng makalapit na ako.

"Bakit hindi na lang ikaw ang maghatid?" Lumipat ang tingin ko kay Nik na hawak hawak ng kaibigan niya..

"Ahh eh.. ikaw yung hinahanap niya." simpleng sagot niya. Napakamot ako ng ulo. Ano ba naman, Nik! Nang-aabala ka pa ng tao. 

"Ah ganun ba.. Pasensiya na ikaw pa naabala niya na tawagan ako."

Ngumiti si Shanella. "It's okay, Jaile. This bar is ours."

Nalaglag ang aking panga. They own a bar? "Hindi nga?"

"Oo nga! Next time, treat kita dito." Ang yayaman talaga ng mga kaibigan ko. Hindi ako makapaniwala. Mabuti hindi nila ako tinuturing na hampaslupa. 'Di tulad nung iba sa school. 

"Mamaya na ito..  Tulungan mo na si Nik." Pagpapaalala ni Shanella.

Ay oo nga pala! Nawala sa isipan ko ang presenya ni Nik. Pumunta ako kung nas'an si Nik at nakita kong inaawat siya ng mga kaibigan niya.

"Nik..." sabi ko ng mahina. Nakita niya ako at ngumiti. "Jaile! Musta?" halata mo sa sinasabi niya na lasing siya. Humahalakhak pa ito.. Lasing na nga. 

Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak. Hindi naman siya magkakaganito kung hindi dahil. Naging mabuti siyang kaibigan.. Pero hindi talaga tama na nang dahil lang sa cellphone.. O baka may iba pang dahilan? "Tara na. I-uuwi na kita sa inyo."

"No. Tara, inom ka rin oh." Inabutan niya ako ng isang shot glass. Kinuha ko 'to mula sa kaniya't nilagay sa counter.

"Nik, mag-usap nga tayo. Bukas. 'Wag ngayon. Please?" 

"Ikaw Jaile ha... Binigay ko lahat. Pero bakit? I never had a chance, did I?" Bigla akong nagulantang. I was right.. It's not about the phone.. But what do he mean by that?

'Di ako naniniwalang mahal na ako ng isang 'to. Isang linggo't mahigit pa lang kami magkakilala. Pero.. totoo ba ang love at first sight?

O sadyang nag-aassume lang ako? Damn!

"Jaile? You're miss Jaile right?" tanong ng isang lalaki sa akin na sa tingin ko'y kasama ni Nik. Nakasuot siya ng magarang kasuotan. Mayaman 'to, halata sa porma.

"Yes. Why po?" Sagot ko.

"Wala naman. Ihahatid ko na kasi si Nik sa condo unit niya... Since wala ka naman yatang sasakyan?" Lumingon pa siya sa labas para tingnan kung may kotse akong dala. Tumango agad ako. "Oh.. Doon mo na lang siya alagaan." Gusto kong umangal pero kailangan ko gawin 'to dahil ako ang may kasalanan.

Condo? "Kailangan ba may dalang foods?" Pagbibiro ko. "Joke lang."

Natawa siya sa aking joke. "Bahala ka, Baka ma-one minute rape ka." Ngumiwi bigla ang ekspresyon ko. "Joke lang rin. I'm Aaron by the way. Ka-banda ko si Nikoliah."

Nagulat ako. "Ano si Nikoliah sa banda n'yo?" tanong ko nga. Ang dami kong hindi alam sa kanila. 

"Singer."  

"Marunong siya mag-gitara?" Huling katanungan ko.

"Oo naman. Minsan siya rin guitarist namin kapag wala ako." It's so sad na na kay Nik ang hinahanap kong tipo sa lalaki pero.. bakit parang ayaw ko? "Oh ano? Tara na?" Yaya niya. Nag-nod ako at sumunod sa kotse niya. Dala-dala ng iba niya pang kabanda si Nik.

Kaya pala maraming fans talaga si Nik sa school at kaya rin pala siya dito sa bar ni Shanella. I guess nag-gi-gig sila dito. 

Pinagbuksan ako ni Aaron ng pintuan. "Thank you." sagot ko sa kaniya't sumakay na ako sa shot gun seat. Nilingon ko ang likuran kung saan nandoon si Nik.  Nakahiga ito't tulog dahil sa kalasingan. Tinitingnan ko siya palagi habang bumabyahe kami papunta sa condo niya. 

"Jaile? Alam mo ba? Ang ganda mo?" Mahahaba ang bawat huling bigkas ng kaniyang mga sinasabi. Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Napatingin ako sa tumatawang si Aaron. "Jaile, inlove na inlove sa'yo si Nikoliah ah. Ikaw siguro yung kinukwento niya sa amin dati pa." salita ni Aaron habang nagd-drive. 

"What do you mean dati?" sumingkit ang aking mga mata. 

"Summer." At humalakhak siya. 

Naguguluhan ako. Bakit kami magkakilala noong summer? Wala akong natatandaan.. Nasa hospital ako noon at nagpapagaling. Hindi ako lumalabas ng bahay dahil na-trauma ako sa nangyari sa akin.. Wala akong natatandaan na nagkakilala kami ni Nik. 

"Paano?" 

"Nagka-aksidente ka na ba dati, Jaile?" Tanong sa akin ni Aaron. Napatigil ako.. Bakit niya alam? Tinamaan ako ng ligaw na bala noon.. Sa bandang braso. 

"Oo, nagkaroon na."

"Then, ask Nikoliah about that. Matagal na siyang inlove sa'yo." Malapit sa BGC ang condominium ni Nik. Tumigil kami sa tapat ng isang malaking building. 

Bumaba ako at siya rin. Tinulungan ko siyang ibaba si Nikoliah sa kotse. Naka-akbay ang kaliwang kamay ni Nik sa akin samantalang kay Aaron naman ang kabila. Sumakay kami sa lift papunta sa 5th floor. 

Nang marating namin ang kwarto niya. Kinapa ni Aaron sa bulsa ni Nik ang susi ng condo. 

Nilibot ko ang mata ko sa paligid ng kaniyang condo. Pumasok kami sa isang kwarto, doon namin siya inilapag sa kama ng maayos. 

"Kailangan ko na rin umalis. Babalik ako sa bar, aayusin ko lang yung mga nagulo ni Nik doon." Tumango siya sa akin at nagpaalam. "Ingat ka, Aaron! Salamat rin." Nginitian niya ako't kinawayan. 

Hinatid ko siya sa may pintuan. Ni-lock ko ang pintuan nang makaalis na siya. Pagkalingon ko ay  ngayon ko lang nakita ang buong paligid. Malaki at simple lang ang condo niya. Plain white ang kolorete ng pader. May mga paintings rin na nakasabit.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag. Nagtipa ako ng isang mensahe para kay nanay. Mag-aaalala sa akin iyon..

Pumasok muli ko sa kwarto ni Nik. Naghanap ako ng damit niya. Nakakita ako ng isang itim na v-neck shirt. Kumuha muna akong malinis na tuwalya't tinanggal ang kaniyang suot-suot na damit. Dahan-dahan lamang ako sa pagtanggal dahil nao-awkward ako sa aking ginagawa.  Pinunasan ko rin ang kaniyang katawan at mukha bago siya tuluyang bihisan ng panibagong damit.

Habang tinatanggal ko ang kaniyang sapatos, nagsalita si Nik. "Jaile.. You are killing me, and you are keeping me from dying. That is love." He's sleeping talking.. 

"Sorry, Nik. Sorry. But don't worry.. I'll try." Hinawakan ko ang pisngi ni Nik. He's not that hard to fall for.. He's a man of a dream. 

"I'll try to love you but I won't promise, Nik. " Am I doing this because I'm feeling guilty or I'm doing this because he's nice? I don't know.. 

Damn it, Jaile! 


Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon