AA25 - Jaile and Jander's date

8.8K 282 14
                                    

Lumipas ang isang linggo na nakakalipas simula ng mangyari ang kahihiyan ko sa school. Third week ko na sa school at nakakasurvive pa naman ako.

Today is Saturday. It's my family's time to take my time. I will treat Jander on starbucks since he requested it! Ang kulit ng batang iyon. 

"Ate, bilisan mo naman!" reklamo ni Jander sa akin pagkababa ko. Napatagal ako sa paglalagay ng cheek tint sa aking mga pisngi. Hindi ko kasi magawang mapantay! "Teka nga! Atat na atat ka nanaman."

Chineck ko ang bag ko kung nandun ang wallet ko. Nandoon nga ang pink kong wallet na bigay pa ni Jail.. Damn it! 

Tiningnan ko ang kapatid ko, ang pangit ng buhok. Tinaas ko nga at inis na inis pa siya sa ginawa ko. "Ano ba, Jander! Pinapapogi ka na nga eh!" suway ko sa kaniya.

Wala naman siyang magawa kasi ako manlilibre. Subukan niyang magreklamo iiwan ko siya sa mall.

"Nay! Alis na po kami ni Jander." Pagpapaalam ko kay nanay, nagbeso ako kay nanay tapos kumiss si Jander kay nanay.

"Balik agad kayo ha, marami pa akong labahin sa kapitbahay." ani nanay. Binigyan ko na lamang si nanay ng isang tango.

Sumakay kami sa isang tricyle ni Jander. Naamoy ko ang isang matapang na pabango kay Jander.. "Ginamit mo ang pabango ni tatay?" Tiningnan ko ng matalim si Jander.

He just laughed at me. "Marunong ka na ng ganiyan Jander ha!" We both chuckled.

Few minutes, we arrived at the mall. Kumakalam ang aking tiyan kaya't napagisipan kong dalhin muna sa Jollibee si Jander since he likes chickenjoy a lot.

We ate there and talked about his school life. "At the age of twelve, wala ka talagang crush sa school ninyo?" I asked him. Sumimsim ako ng coke. 

Nagkibit balikat siya sa akin. "Good.. Masyado ka pang bata riyan ha.." Aking pagpapaalala. It's true! Kids these days are so young to have fall inlove.. It's just so impossible!

Nang matapos kami kumain ay dumiretso kami sa World of Fun upang maglaro. Nagtry din kaming magbasketball ni Jander. Ako ang nanalo! 

He pouted at me dahil natalo siya. Kinuha niya ang mga tiket na lumabas sa machine nito at kaniyang iipunin daw.

Napagod din kami sa kakalaro and that's when I decided na pumunta na ng starbucks.

Pumila ako sa linya umorder. "Two frappe, java chip. Grande." sabi ko.

Itinanong sa akin ang name na ilalagay. Inispelling ko pa ang pangalan ko dahil ayokong magkamali siya..

Umupo na muna kami ni Jander sa isang tabi habang hinihintay ang order. Kinuhanan ko ng litrato ang kapatid kong nasa aking harapan. He smiled when he saw I lifted my phone.

Tiningnan ko ang picture ni Jander. He's cute! I scrolled up to look more pictures. Nandoon ang pictures namin ni Shanella, ng pamilya ko noong bakasyon at ilang stolen pictures ko na kinuhanan ni Jail. I smiled.. He only got those lenses only for me. Nandon din pala ang mga selfie ni Jaile sa akin telepono. He doesn't smile on pictures. How adorable! Ngayon ko lang nakita ang mga ito..

Nag-angat ako ng tingin ng tinawag na ang name namin sa counter. Lumapit kami ni Jander upang kunin iyon ngunit naunahan ako ng isang lalaki. 

Nilingon ko ang lalaking kumuha ng aking frappe..

"Jail!" Napasigaw ako sa gulat dahil siya ang kumuha! He thought siya ang Jaile na tinutukoy ng barista.. o baka ako ang mali..

He's wearing a black v neck shirt. I must say he looks so good in that shirt! I almost drool in my most private daydreams!

"Ohh.. Is this yours?" Chineck niya pa kung kaninong name ang nakasulat. "Yours. Sorry!" Iniabot niya sa akin tapos inabot ko na rin yung kay Jander.

"Salamat! Sinong kasama mo?" I asked him. He's alone? 

Napatigil siya sa aking tanong. Kinuha niya ang kaniyang frappe sa counter. Nakita ko ang pagdating ng presensya ni Daphne.. Oh.. a date!

I looked at her body. She has a thin body.. may kurba ang mga ito. White skin at mahabang legs.. Long and straight hair. Damn! She's definitely beautiful lalo na sa suot niyang damit ngayon. Off shoulder na puti at maong na shorts. 

"Ah.. Una kami Jail.." Hinihila-hila ko si Jander palabas ng starbucks ngunit ayaw nitong pahila. 

"Kuya Jail, don't break my ate's heart!" sabi nito ng taimtim kay Jail. Sumabat naman yung Daphne. "Hey kid, Jail was never your sister's property. He's mine. Jail let's go please?" Higit ni Daphne sa kaniyang braso.

Hindi ito pinansin ni Jail. "Baby I'll call you later.." aniya. 

Tinalikuran ko si Jail. Goddamn it! He really knows how to make my heart tremble this fast! Really, Jail? Umirap ako sa kawalan dahil sa ginagawa ni Daphne sa kaniya. She's very much spoiled with Jail kahit na hindi ito natutuwa sa kaniya.

I don't know what's with their friendship at patuloy niya pa din itong inaalagaan. I should not be jealous okay? I should not!

Bumili muna ako ng dalawang box ng pizza sa greenwich. Naglakad kami palabas ng exit. Napatigil ako dahil may tumawag ng aking pangalan. Aking nilingon kung sino..

It's my ex crush sa dating school! "Isaiah!" Masayang bati ko sa kaniya. 

Si Jander naman nairita nanaman. "Saan ka nagpunta? Hindi na kita nakikita sa school natin. Saan ka nag-aaral? Lalo kang gumanda ah?" Pambobola nito sa akin.

"Sa Meredith College.." 

Umangat ang kaniyang bibig. "Mahal doon ah? Well, matalino ka naman at alam kong kaya mo doon. Sa'n punta ninyo?"

"Ah.. Papauwi na! Ikaw? You're alone?" Hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Mas lalo siyang gumwapo. Ang huling kita ko sa kaniyang ay third year high school pa lamang kami. He looks like a real man dahil sa hubog ng katawan nito.. Baka nagigym ang lalaking ito o baka dahil sa epekto ng basketball. Ganito din naman ang katawan ni Jail pero mas maskulado itong si Isaiah. 

Why am I comparing Jail to him again?

"Papauwi na din. I just recognized you.. Kapatid mo?" sabay turo kay Jander. Nakasimangot ang aking kapatid. "Uh yes. He's Jander by the way.." 

Nginitian niya si Jander at kumaya siya. Hindi ito pinansin ng kapatid ko. Suplado nito! 

"Sabay na tayo pag-uwi?" he suggested. Umiling ako.

"Hindi na.." 

"Bakit? May magagalit ba?" 

"Wala naman pero baka kasi busy ka." He chuckled.

"I won't suggest if I am busy, Jaile."

"Okay fine!" Sumuko na ako dahil makulit si Isaiah. 

Sabay na kaming lumabas ng mall. Pumara siya ng isang tricycle. Kami ni Jander ang nasa loob at nandoon siya sa likod ng driver. Siya rin ang nagbayad ng aming pamasahe. 

Una niya kaming pinahatid. Kumalampag ang aking puso ng makita ko ang pamilyar na kotseng nakaparada sa labas ng aming bahay. 

Lumabas ako ng tricycle at nagpaalam kay Isaiah. "Thank you! Ingat ka pag-uwi." I smiled at him.

"Can I get your number, Jaile?" Hindi ko alam kung tatango ako at ibibigay. Hinila ni Jander ang aking damit. May itinuro sa akin.

Nilingon ko kung ano ang kaniyang itinuturo.. Shit! It's Jail! 

Magkasalubong ang kaniyang mga kilay at nakahalukipkip ang kaniyang mga kamay! Why do I feel like I'm cheating?

"Y-yeah! Sure." Tinanggap ko ang telepono ni Isaiah at tinipa ang aking numero. Ibinalik ko iyon sa kaniya. 'Saka lamang siya umalis.

Kinakabahan akong naglakad papunta sa galit na Jail!

"Flirting while I am waiting huh?" Ang bawat salitang kaniyang sinabi ay may diin. It's obvious that he is fuming mad at me! 



Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon