AA24 - Terrified

8.2K 289 35
                                    

Lintek na kahihiyan ang nangyari sa akin dun ah! Mabuti na lang pala si Shanella niligtas ako huhuhu savior ko na siya!

Pagkatapos ko magpalit ng damit ay lumabas na kami ni Shanella. Nagwawala pa rin kasi si Jail. Pagkalabas ko ang daming tao, Nakatingin sila kay Jail tapos nung lumabas kami sa amin naman tumingin.

"Jail.." Nilapitan ko siya kasi dumudugo ang kamay niya. "Ano ka ba naman!" Hinawakan niya ang kamay ko so ang tendency, nagkadugo rin ang mga kamay ko. 

"Dalhin nga kita sa clinic." I bit my lower lip. Lumingon na muna ako para sabihan si Shanella. "Shanella, mauna ka na ha? Thank you ulit." 

"Sure no problem!" nag-nod lang ako as a response.

"Get back to your fucking classes!" Singhal ni Jail sa mga studyanteng nakatingin sa amin. 

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, keri na 'to kahit may dugo mag huhugas na lang ako mamaya. Pagkadala ko kay Jail ay nagulat ang nurse na naglilinis doon. 

Dali-dali niyang pinaupo si Jail at nilinis ang kamay. Umalis na muna ako saglit para maghugas ng kamay. Pagkahugas ko ay bumalik rin ako, pagkabalik ko may benda na sa kamay si Jail.

"Nakipag-away ka ba, Jail?" tanong ng nurse sa kaniya.

Inirapan ko nga. Landi naman neto. "I didn't. I was just checking on my girl if she's okay." napatingin sa akin yung nurse at napataas ng kilay.

Parang sinasabi ba namang hindi ako maganda para magkagusto si Jail? Che!

Pagkatapos bendahan si Jail ng nurse ay lumapit agad sa akin si Jail at niyakap ako. "Namiss kita baby." 

Ayan nanaman yung racing heart beats ko. Three months akong nawala at aaminin ko. Namiss ko si Jail. I smiled as a response. 

I let Jail to hug me for a minute. He deserves it. 

Umalis kami ni Jail ng clinic. Binilisan ko ang paglalakad at hindi hinintay si Jail. Hinigit niya ako sa braso at iniharap sa kaniya. "What's your problem?" 

"Wala ka na dun!" Asar kong sabi at pumanhik papunta ng room namin.

Hinatid ako ni Jail papunta sa klase ko. Nagpaalam na siya dahil may klase din daw siya. Pumasok ako ng room namin at nagklase.

First day was cool. Kahit puro introduction sa unahan ay okay lang naman. May assignments din agad ang iba kong subject.

Nagtext ako kay Shanella na hinihintay ko siya sa may canteen. Naka-upo lamang ako doon at hinintay si Shanella. 

May tumigil na tao sa harap ko. Pag-angat ko ng tingin ay si Jail pala. Kumunot ang noo ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Umupo siya sa katapat na upuan ko at tiningnan ako.

"You know what? You're weird this day and moody." Comment ni Jail sa akin. Tiningnan ko ng masama, "Eh kung itusok ko 'tong ballpen sa mata mo?" 

"Calm down, lady. I surrender." Tinaas ni Jail ang both hands niya at umiling iling.

"Naiinis kasi ako sa presensya mo!"

"Whoah! Hindi mo man lang ba ako namiss? Kasi ako, miss na miss kita." 

Shit naman Jail! 

Umiwas agad ako ng tingin. Nilingon ko ang aking telepono. Wala pa din text si Shanella!

"How's your vacation? You really did turned off all your communication with me huh?"

"Because family time is family time, Jail." 

Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon