AA14 - Bad

12.1K 398 14
                                    

Umuwi ako sa amin kagabi at doon natulog. Pero maaga rin akong gumising para puntahan si Nik sa condo niya. Nakangiti pa nga ako habang isinusuot ang damit na ibinigay sa akin ni Jail. Ang ganda. Tama lang sa akin ang damit. Sleeveless ito, kulay itim. Hanggang sa taas ng tuhod ko ang haba.

Speaking of Jail.. Where is he? Kumusta na siya? Akala ko ba'y hindi siya sasama sa kaniyang ate? Buhol rin pala ang utak n'on..

Tumunog ang elevator, hudyat na ito na nasa tamang palapag ako. Naglakad pa ako ng kaunti para mahanap ang tamang bilang ng kwarto. Kumatok ako ng dalawang beses sa pintuan. 

Namilog ang aking mga mata at nalaglag ang aking panga nang buksan niya ang pinto. Pareho kami ng reaksyon ni Nik. 

Nagmadali akong tumalikod sa kaniya't pumikit! 

He's shirtless and he's only wearing a boxer! I'm a girl and that makes me feel so awkward! I better forget that scene! 

"Jaile." Napatalon ako sa gulat ng kuhitin ako ni Nik mula sa likod.

Pumikit ako saglit. Lalo kong na-imagine iyung kanina. Humarap na ako sa kaniya, nakita kong may suot-suot na siyang short at isang white shirt. "The bangerz" nakalagay tapos ay may logo ng gitara. Must be his band.

"Anong ginagawa mo dito?" Kaniyang paunang tanong. 

"Uhm.. Binibisita ka. Kasi kagabi lasing na lasing ka. Hinatid ka namin ni Aaron dito sa condo mo ng maayos." sagot ko naman. Bago lumihis ang paningin ko ay kita ko ang kaniyang pagtango. 

Niyaya niya akong papasukin sa loob ng condominium niya. Sumunod ako sa loob at umupo sa sofa. Muli kong tiningnan ang paligid. He's neat and clean when it comes to his house.. 

"Okay ka na?" tanong ko agad pagkaupo. 

"Yup. Thanks to you!" Ngumiti siya sa akin.

"About sa phone.. sorry ha. Sinagot ko yung tawag mo diba? Kinuha ni Jail at sinira..." pagpapaliwanag ko. Sorry, Jail. Sorry.

"Yung gagong 'yon? Napakagago niya talaga. Kainis!" Galit na si Nik sa sinabi ko. This is my fault.. Damn! "No. Sorry, Nik. 'Wag mo ng sisihin si Jail." Sabi ko sa kaniya.

"Siya nanaman? Lagi na lang yata siya, Jaile ah." Singhal niya sa akin. Tumayo ako at hinawakan kamay niya.

"Ano bang meron ka? Napapakalma mo kami." Sabi ni Nik. Ngumiti lang ako ng slight. "Ewan ko." simpleng sagot ko kahit medyo naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan.

Niyakap niya ako at may binulong siya. "Ayoko kitang napapahamak. Para sa akin.. Please, layuan mo na si Jail." sabi niya.

Naningkit ang mata ko. Hindi kapani-paniwala na mapapahamak ako kay Jail. He's obviously making stories para lang layuan ko si Jail but of course, hindi ko kaya. Hindi ko alam. Hindi talaga kaya ng sistema ko.. Parang may tali kaming dalawa ni Jail at hindi pwede magkalayo. Hindi ko 'yon alam kung ano.

Lumayo ako sa yakap niya. Hindi ako sumagot. "Ano nga palang pinagsasabi ko kagabi?" tanong niya.

Napatawa ako nang maalala ko yung kagabi. "Wala."

"Ano nga?" Kiniliti niya ako sa baywang ko. "Wala nga!" sabi ko habang tumatawa. Kinikiliti ba naman kasi ako nakakainis!

"Tama na!"

"Ano? Hindi mo pa ba sasabihin?"

"S-sa-sasabihin na!" Tumigil siya pagkasabi ko n'on. Mawawalan na yata ako ng hininga ah. Papatayin na yata ako ni Nik. 

"Wala nga, Nik. Sabay na tayo pumasok." Aking tiningnan ang wrist watch. "Male-late na tayo." Ayokong sabihin ang sinabi niya sa akin kagabi. Naiiilang ako. 

Tumalikod na siya sa akin at nagsimulang maglakad papunta sa kwarto niya ngunit, lumingon siya ulit sa akin. Nilapitan ako at hinawakan ang parehong kamay ko. "Jaile, I like you." 

Mula sa kamay namin ay iniangat ko ang tingin sa kaniya. Mata sa mata ko siyang tiningnan. He looks so sincere but... I am not ready for this. 

"I'll make sure you'll fall for me, Jaile Ella Devera." sabi nito ng seryoso sa akin. Lumapit siya sa akin at inipit ang buhok ko sa gilid ng tainga ko.

"M-mal-late na tayo, Nik!" Sabi ko ng makita ko ang oras sa wall niya.

Tumingin siya doon at dali-daling nagbihis. Hinintay ko siya hanggang sa makalabas. Hinigit niya ako palabas ng condo at nagdrive papunta sa school.

Inakbayan niya ako habang hinahatid sa room. Nakakainis naman oh. Laman nanaman ako ng balita!

"Omg so landi girl!"

"Picture of them! Tweet it to jail!"

"You are so yari to papi Jail!"

"Hayaan nyo sila mag-date para sa'tin na si Jail"

"Yes!"

"Tama! Right!"

Ni-roll ko ang eyeballs ko sa mata ko. Nakakabwisit talaga sa mayayaman yung ganito. Insecure! Pero ganun rin naman sa buhay public school. Mas naging conyo at englishera nga lang dito sa Meredith.

Nasa labas na kami ng pinto ng maghiwalay ang landas namin ni Nik. Umupo ako sa upuan ko. As usual, wala si Jail. One week wala. 

"Ano nanaman 'tong nabababalita ko?" Lumapit sa akin si Shanella at umupo sa tabi ko.

"Anong nababalita mo?" Tiningnan ko siya ng diretso sa mata.

"Kayo ni Nik. Nagd-date kayo? Akala ko ba si Jail?" Ano bang isasagot ko dito?

"Ahh.. Shanella kasi.. Hindi sa ganoon! He's my friend." 

"Ohh.. He's not that clingy when it comes to his friends.. Especially sa mga babae." Shanella looked so disappointed. I don't know what she's thinking about.

"I swear, he's my friend. That's it and hindi ko sinasabing gusto ko si Jail! Saan mo ba nabalitaan 'yun?"

She gave me a shrug. "D'yan sa tabi."

"You should stop listening to others, Shanella." 

"But honestly, Jaile? 'Wag mo naman pakitaan ng motibo si Nik. If you don't like him, distance yourself or ipaliwanag mo."

"I'm scared na kapag sinabi kong hindi, wala ng pag-asa. It's like ang unfair ko sa kanilang dalawa ni Jail. I mean si Jail pwede lumapit sa akin siya hindi?"

"The difference naman kasi Jaile ay, si Nik may gusto sa'yo, si Jail wala." Biglang kumirot ang puso ko nang banggitin niyang walang gusto sa akin si Jail. It hurts.. Why?

"What do you want me to do? Forcefully like Nikoliah? Okay, I will try to like him. Para naman sumaya siya."

Pero mukhang nairita si Shanella sa sagot ko. "Jesus, Jaile! Don't come into someone's life when you have no intentions of staying. Tools are meant to be used, not hearts." Napatulala ako ng limang segundo. "That is not my suggestion. Ang sinasabi ko lang, putulin mo 'yung pag-asa niya. He's hurting himself kasi umaasa siya."

May tama siya. Pa'no kung hindi mag-work out diba? Basta ko na lang ba iiwan sa ere si Nik? Ang bad mo yata, Jaile.

"Think before you speak, Jaile. Masasaktan mo si Nik sa ginagawa mo. Love is a major distraction. Tingnan mo kung ga'no ang epekto mo kay Nik. Simpleng cellphone lang 'yun ha? What more kung si Jail pala ang pipiliin mo in the end?"

Bigla akong napitik ng katotohanan. Tama ang mga sinasabi ni Shanella ngayon. Pero.. ewan ko. Parang ginagawa ko lang naman 'to bilang utang na loob sa kaniya eh.

"Let's... just forget about it. Pag-iisipan kong mabuti." Sabi ko kay Shanella at taimtim na nag-isip.

Anong gagawin ko? Ang tanga tanga mo, Jaile! Bakit ka ba gumagawa ng desisyon ng hindi mo iniisip ang kapakanan ng ibang tao?

Napakaselfish ko. Bad, Jaile. Bad!



Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon