AA15 - Their past

11.7K 393 67
                                    

Pagkatapos ng heart to heart talk with Shanella. Bumalik na sa unahan si Shanella para maupo. Dumating na si Ma'am Ashford at mukhang hindi maganda ang timpla ng mukha. Nakasimangot siya nang pumasok.

"Morning." Simpleng sabi nito. 

"Good morning, Ma'am." Walang kasigla-siglang bati ng aking mga kaklase. 

May biglang sumigaw ko na classmate na lalaki. "Anong good sa good morning?" Tanong nito.

Sagot lahat ng classmate ko, "WALA!" Tinakpan ko ang tainga ko ng sabay sabay nilang banggitin 'yun.

"Enough! Enough with the jokes. I'm not in the mood to laugh." Ma'am Ashford should not bring that stress here in the school right? Pero ginawa naman kasing joke ng mga kaklase ko ang pagbati. Why am I even making this as a big deal?

"Anyway, today is Club day. Mamili kayo ng club na sasalihan n'yo. Buong araw 'yon. Hindi nagpapalabas hangga't 'di pa time okay? Pwede na kayo lumabas." Stress na sabi ni Ma'am. Umupo siya sa upuan niya sa may harapan. Sapo-sapo ni Ma'am ang kaniyang noo. Problemado nga.

Hindi ko na lamang pinansin. Tahimik kong kinuha ang bag ko tsaka umalis ng room. Pagkadaan ko sa harap ng table ni Ma'am ay bigla niya akong tinawag. "Miss Devera."

Nilingon ko si Mrs. Ashford, humakbang ng kaunti papalapit pa.  "Yes... po ma'am?"

"I'm so stressed with my son right now." 

Sa isip isip ko ay, bakit ito sinasabi sa akin ng nanay ni Jail? 

"He's with his sister right now. You know that right? And he's freaking out there. He wants to go here and wanting to hold your hand again." Nag-angat bahagya ang aking labi. 

"Ma'am baka po namimisinterpret n'yo po yung ginagawa ni Jail."

"I don't know. Sige na. Leave me alone. I'm crazy." 

Binigyan ko ng isang tango si Ma'am bago nilisan ang kwarto. Dala-dala ko ang gulong bumabalot sa aking isip. Bakit? 

Ginulat naman ako ni Nik sa labas ng pintuan. Pinalo ko siya ng mahina sa kaniyang braso. Muntik na akong atakihin kahit wala naman talaga akong heart attack haha.

"So anong club ang sasalihan mo?" lumipad nanaman ang kaniyang kamay sa aking balikat. 

Bumaba kami ng dahan-dahan sa hagdanan. "Ewan ko. Baka sa photography na lang ako."

"Photography? May mga kuha ka na ng mga litrato?" Tanong niya.

Umiling ako. "Wala kaming pera pambili ng mamahaling dslr pero kapag may camera kaklase ko, hinihiram ko tapos kumukuha ako ng mga pictures." Bigla kong naaalala ang habit ni Nik. Dapat hindi ko sinabi. For sure, bibilhan niya ako. "Wag na, Nik please? Alam ko ang nasa isip mo."

"Kaw ha! Kilala mo na talaga ako! Oh sige! Kung 'yan ang gusto mo." Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Parang nabunutan ako ng tinik sa kaniyang sinabi sa akin. Mabuti naman! Ayoko na ng utang na loob sa ibang tao.

Ayoko kasing magbigay siya ng magbigay. Lalo akong nag-guilty.

Pero gusto ko talagang kumuha ng mga litrato. Marami akong litrato sa bahay. Nasa isang album nga siya eh. Nilalakap ko lang yun mula sa iba't ibang lugar. Kapag nakakakita ako ng magandang shot sa dyaryo ay ginugupit ko.

Pumila ako sa listahan ng photography club. Si Nik daw sa Varsity daw siya sasali. Si Shanella sa journalism. She's good with literature and I know bagay nga sa kaniya 'yon.

Pagkatapos ko mag-fill up ay nag-text si Nik na magkita kami sa VIP section sa cafeteria. Pumunta ako don at nakita kong may mga pagkaing nakahanda nanaman.

"Nik..." Sabi ko agad.

"Please? Last na 'to promise." Sabi niya at ngumiti. Nakakadala ang ngiti ng lalaking 'to. Hinawakan niya pa ang kamay ko at hinigit pababa para makaupo ako sa kaniyang tabi.

Kumuha ako ng isang piraso ng fries na binili niya. "Nik.. may itatanong nga pala ako." naalala ko yung sinabi ni Aaron nung isang gabi. Ayokong patagalin ang sagot niya. 

"May kinwento kasi sa akin si Aaron, matagal mo na daw akong kilala. Hindi kasi ako naniniwala.." sunod sunod ang dakot ko sa fries habang sinasabi iyon.

"That bastard! Sinabi pala!"

"Why? Wala ka bang balak sabihin sa akin?"

"Meron naman.. Pero masyadong creepy nga kapag sinabi ko agad. Ano 'yun? Hi, Jaile! Ako 'yung nagligtas sayo. Ganun?"

Napatigil ako sa pagnguya, "Anong nagligtas?" 

"Ako kasi yung nakakita sa'yo nung nabaril ka." Sabi niya habang pinaglalaruan ang inumin niya gamit ang straw. "And that day, sinugod kita sa hospital. Ako nagbantay sayo ng ilang araw dun kasi 'di ko alam ang pangalan at address mo kaya hindi ko ma-contact ang magulang mo." Pagpapatuloy niya.

Taimtim akong nakikinig sa kwento niya. He was my savour before? Damn! How small the world is..

"Then nung naging busy ako sa banda, hindi na ako masyado nakakabisita sa'yo, nalaman ko na lang nakaalis ka na ng hospital." Tahimik lang ako.

Nag-guilty nanaman yata ako sa sarili ko. Mafo-fall ba talaga ako? Naaalala ko ang mga sinabi sa akin kanina ni Shanella. Another guilt nanaman 'to.

"Tinanong ko sa nurse yung name mo, syempre kailangan nila ng record sa hospital right? Nalaman kong ikaw si Jaile Ella Devera, 1 month mo 'kong stalker sa facebook. Tapos nalaman ko tita mo pala yung isang teacher dito. I even told her na dito ka papasukin this year."

So all this time hindi si tita ang nagbayad ng tuition ko bilang scholar? Kasabwat niya si Tita. Tama nga sila. Some things are better left unsaid.

"Ahh. Nakakahiya naman yung mga tulong mo sa akin. Sobrang dami ko ng utang sayo. "Tumungo ako pero inangat niya ulit. He's smiling to me.

"Don't be, Jaile. Your love is enough to all of this." He grinned.

I don't know what to react. Kumuha ako ng fries at kumain. "Nik? Nasan mga parents mo. I mean, 4th year ka pa lang pero nabubuhay ka na mag-isa." I changed the topic. Ayoko pag-usapanang pag-ibig na 'yan. Bata pa kami. Masyado pang maaga pa d'yan.

"Kasi, Jaile. Lalaki ako at for sure hindi ako mapapahamak. Malaki ang tiwala sa akin ng mga magulang ko. Bakit? Gusto mo na rin ba silang makilala?" Tinaas niya ang kilay niya at tumawa.

Pinalo ko nga ng mahina. "Tongaks! Curious lang." Sino ba namang hindi mac-curious sa ganun?

Eh kasi living on your own? Well, Palibhasa kasi mayaman 'tong isang 'to kaya lahat ng kailangan niya andyan agad.

"Nasa ibang bansa sila. Ganun naman usually mayayamang parents eh. Sa abroad nagt-trabaho." Kwento niya pa.

"Ahhh. Okay." yun lang nasabi ko. "Last na tanong ko na, kilala mo ba nakabaril sa akin?"

Tumingin lang siya sa akin ng matagal bago sumagot.

Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon