AA23 - First day

7.8K 307 36
                                    

"Third floor, room 305, Ma'am." 

Matulin naming sinugod ang kwartong kinaroroonan ni Nik. Sa elevator pa lamang ay hindi na ako mapakali. Bakit hindi ko alam ito? Ngunit sino nga ba ako para malaman hindi ba?

Hinawakan ni Jail ang aking kamay. Napatingin ako sa aming kamay bago nalipat ang aking tingin sa kaniyang mukha. "Calm down." 

I'm swearing in my head right now. His voice makes me chill. Hindi ko alam pero sobra na ang epekto ni Jail sa akin. Napapansin ko iyon.

Tumunog ang elevator. Nasa tamang palapag na kami. Ako ang unang lumabas ng elevator para isa-isahin ang numero sa bawat pintuan na aking nadadaanan.

"303.. 304...... 305!" Nang aking makita na ang kwarto. Hinintay ko muna sila Shanella na makasunod sa akin. "I'll open it." suhestiyon ni Shanella. 

I let her open the door. I can see Shanella's smile pagkabukas ng pintuan. "Hello po, tita!" sabi ni Shanella.

Hinila ako ni Shanella papasok ng kwarto. Nakita ko ang ina ni Nik na nakaupo sa isang monoblock kalapit ng hinihigaan ni Nik. 

"Shanella! Glad to see you here." Nik's mom grinned at us. Dahan-dahan kami pumasok ni Jail sa kwarto. 

"Hello po! Kaibigan po ako ni Nik." Ngumiti ako at lumapit sa mommy niya para makipagshakehands. Inabot niya ang kaniyang kamay sa akin. "Ikaw siguro si Jaile?" 

 Tumango-tango ako. I guess kinukwento ako ni Nik sa mommy niya. He's very vocal talaga.

"Gandang bata mo pala." natawa ako ng mahina sa sinabi ng mommy ni Nik. Napaubo naman sa likod ko si Jail kaya don nabaling ang tingin namin.

"Jail! Long time no see. Well.. wait, it's been years simula nung nakita kong magkakasama kayong tatlo." ani ng ina ni Nik.

I'm really curious with their friendship. Silang tatlo ni Shanella, Jail at Nik. 

"Ma ano ba.." nagsalita si Nik. "Shanella, bakit mo sinabi kay Jaile na nandito ako?" 

Magsasalita na sana si Shanella pero sumingit na ako. "Kasi nag-aaalala ako. Memorable day natin yung graduation natin tapos wala ka.. Hinahanap kita.."

"Okay lang naman ako. Ayoko lang mag-aalala ka sa akin."

A minute of silence and I decided to break it. "I'm a friend to you, Nik. Of course mag-aaalala ako." 

Kinagat ni Nik ang kaniyang babang labi. "Ma, Shan and Jaile. Leave. I want to talk with Ashford." 

Tumingin ako kay Shanella and mouthed "Bakit?" 

"Sige." sagot ni Shanella at hinila ako sa labas kasama ang mommy ni Nik. Sumilip muna muli ako bago tuluyang lumabas.

"Masakit kaya ipamukha sa tao na friend mo lang talaga siya! He's emotional, Jaile." banggit agad sa akin ni Shanella pagkalabas. 

I sighed. 

Nagpaalam ako kay Shanella na aalis na ako. 

Nagbakasyon kami sa probinsya namin at wala akong balita kila Jail at Nik. Si Shanella lang ang tanging nakakausap ko sa cellphone. Ayoko makibalita muna, bakasyon namin 'yon kailangan peaceful at tutok ako sa pamilya ko.

1st day of being a freshmen as a college student. 

Iisa lang kami ng pinapasukan na school ni Jail at Shanella. Si Nik naman ay sa ibang school napasok dahil wala ang kursong kinukuha niya dito sa aming paaralan.

Jail is taking Civil Engineering. Shanella is taking business ad and me? I am taking Education. Ang sabi ni Shanella ang tinetake ni Nik ay Architecture.

"Huy!" Nagulat ako sa biglang tawag ni Shanella sa akin. 

Naglalakad ako papunta ng klase ko. "Lalim ng iniisip mo. Hulaan ko, suitor number two 'yan!" pang-aasar pa.

Suitor number two is Jail. Napairap ako. "Hindi ah. Bakit ko iisipin 'yun?"

"Miss mo lang eh! Three months ka nawala at hindi mo nakikita." Napailing ako at nagsimula na kami maglakad. 

"Ang bakasyon Shanella, oras 'yan para sa pamilya kaya dapat tutok ka sa kanila. Walang kaagaw. Bata pa tayo! Nalilito pa 'yun sila sa nararamdaman nila."

"Ayan ka nanaman, girl! Ilang buwan na din sila naghihintay sa'yo at sobrang loyal. Can't you believe it? Wala ng nalapit na babae sa kanila dahil walang ibang bukambibig na pagmamay-ari ka nila."

Jail and Nik are very competitive to each other. 'Yun lang 'yon. 

"Shanella, ikaw na lang maghanap ng sarili mong lovelife kaysa 'yung akin ang pinagdidiskitahan mo." Natawa si Shanella 

"Ang sungit sungit mo, Jaile!" 

"Anong masungit dun? Nagpapaliwanag lang ako. Lagi ako ang binubugaw mo sa kanilang dalawa! Sabing ayoko ng lovelife!"

"Tingnan mo 'to, masungit ka nga!" 

Tawa ng tawa si Shanella sa kasungitan ko "daw". Ngunti natigil din ang tawa niya nang dumaan kami sa isang grupo ng mga studyante na tila pinagtatawanan yata ako.

Sumingkit lalo ang mga singkit na mata ni Shanella at may tiningnan sa likod ko. Dali-dali niya akong hinila papunta sa pinakamalapit na CR ng campus.

Tinulak ako ni Shanella papasok ng isang cubicle. "Magpalit ka ng damit!! May tagos ka sis!"

I gasped and looked at my dress. Mayroon ngang dugo! Nakaputing floral dress pa naman ako! 

Kumuha ng isang blue dress si Shanella at dali-daling ibinigay sa akin kasama na rin ang napkin. 

Sinara ko ang pinto ng cubicle at nagbihis. Maya-maya pa habang nagbibihis ako ay may nagwawala sa labas. I can hear my name... wait a minute...

"Jaile! What the fuck is happening in there!" Shit it's Jail!

Anong ginagawa niya? Bakit siya nagagalit sa labas! Bakit ba siya nandito?! Hindi pa ako handang makita siya!

Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon