AA3 - Nikoliah

19.3K 528 57
                                    

Katulad ng kahapon, pumasok muli ako sa paaralan ng maaga at naabutan kong muli doon si Jail. Pero hindi na siya tulog tulad ng kahapon. Naglalaro siya ng tahimik sa cellphone niya.

Naghahagigkikan ang mga babae sa room namin.

"Ang gwapo talaga ni Jail!"

"Mahal ko na talaga siya!"

"Naging ex ko kaya yan ng 1 day!"

"Ako naman 2 days!"

"Ako hindi pa but soon hihi."

Inikot ko ang mga mata ko. Ang haharot naman ng mga classmate ko. Miski ng Jail na 'to. Bakit siya nagkagirlfriend ng 1 day at 2 days lang? 'Di niya ba alam na dapat kung papasok ka sa relasyon, dapat mahal mo siya? Eh sa ginagawa niya nagmumukha siyang playboy.

"Oh noes here comes the malandi!"

"How dare she na maki-upo kay Jail!"

"Grabe 'no? Ang tapang niya!"

"She's not even pretty"

Bulong ng mga classmates ko. Anong pakialam ko kung hindi ako maganda? Atleast ako, edukada. At wala rin akong pake sa Jail nila! Jusko inyong inyo na! Lamunin n'yo na!!

Tahimik na lang akong umupo sa tabi ni Jail at pinagpatuloy ang binabasa kong pocket book kahapon. Buti hindi niya ako sinasabihan na "Get out of my sight" gan'yan ano? Aba! S'yempre bakit niya ako sasabihan ng ganun kung ang bait bait ko sa kaniya?

As I've expected, may panibago nanaman kaming teacher at kararating niya lang ngayon. "Good morning, everyone!"

"Good morning, Mrs. Ashford." Bati ng mga classmates ko, hanggang good morning lang ako eh. 'Di ko naman kilala kasi.

Pina-upo kami ng maganda naming guro at bigla akong nakaisip na... "Nanay mo?" Matapang na tanong ko sa katabi ko. Nagsalit-an ang kaniyang tingin sa akin tapos sa aming guro.

Pero wapakels lang siya, naglaro lang ulit!

Pa'no ngayon maalis ang pagiging curious ko kung hindi ako papansinin nito?

"Miss Deadro, resigned yesterday or should I say.." 'di na naituloy ni Mrs. Ashford ang kaniyang sasabihin. Alam na naming ang kaniyang ibig sabihin. "So.. Ako na muna ang teacher n'yo ngayon! Para wala ng masabi ang anak kong napakapasaway na si Jail." sabi nito sa amin.

Tiningnan ko ulit siya. "Nanay mo nga. Ganda ha!'Di mo kamukha, pangit mo eh." Sabi ko pero yung dulo pabulong lang. Baka marinig patayin ako nito.

Tinitigan niya lang ako ng matagal pero nag-iwas tingin ako at nakinig sa guro namin. Ang ganda niya! Para pa rin siyang isang dalagang dalaga at hindi bakas ang katandaan. Ano na kaya ang kaniyang edad?

"So I know for 4 years kayo lang rin ang magkaka-klase except kung may transferee. So meron nga ba?"

"Meron po!!" Sigaw ng mga classmates ko at itinuro ako nilang lahat. "Please kindly stand up and introduce yourself to everyone." She said while smiling to me. Sa ganda niyang mala-anghel ay hindi ko akalaing magkaka-anak siya na ubod ng sama.

"Uhm.. Ah.. I'm Jaile Ella Devera.. 16 years old." 'Yun lang ang info na binigay ko. Alam ko namang lalaitin nila ako kung sasabihin kung saang university ako galing dati 'no!

"Oh.. Kapangalan mo pala si Jail. Hahaha."

"Ma'am, may 'E' po yung Jaile ko." sabi ko nga at nang hindi sabihing kapangalan ko. Kahit na pareho ng pronunciation pero magkaiba kami ng spelling.

Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon