AA31 - Gun?

7.9K 298 36
                                    

The feeling was so great. Hindi ko maitatanggi ang sayang nararamdaman ko noong inamin ko kay Jail ang nararamdaman ko. Ngising-ngisi si Jail nang makaalis kami sa loob ng tent. Nakasalikop ang ang mga kamay. 

Pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid. Gwapo ba naman kasi ng kasama ko at makita nilang may kahawak na kamay, sinong hindi maiintriga?

Lalong umingay sa loob ng gym. Rinig ko ang ibang hiyawan ng babae ukol kay Jail. Sorry girls, he is mine!

Nilapitan si Jail ng iba niyang ka-teammate at nakipag-apir. 

Lumapit ako kay Shanella at siniko pa ako ng gaga. "Yie~! Nakita ko yun ha! Ikaw ha ikaw!" asar asar niya pa sa akin. Hindi na lang ako umimik instead pinigilan ko ang kilig ko.

Nagsimula na ulit ang laro. This is the real game na, nakita ko si Isaiah na nakatingin sa akin. Nga pala, sabi niya nandito daw sila Aubrey, Zoe at Chester pero hindi ko pa rin nakikita. 

Hinanda ko na ang camera ko at inayos ang focus. Hinanap ko si Jail gamit ang camera ko. Nahagilap ko naman agad. Nasa kaniya ang bola. 

Picture lang ako ng picture hanggang sa matapos ang laro. And obviously, sila ang nanalo. Si Jail pa!

Lumapit sa akin si Jail nang nakangiti. Binato ko sa kaniya ang towel sa mukha niya at nagpunas naman siya ng pawis niya. 

"Awtsuu~ Alis na muna ako hahaha nagmumukha akong third wheel eh babye!" sabi ni Shanella na katabi ko. Umalis na siya nang kinikilig. Parang tanga talaga yung babaeng 'yun.

"I won the game." He said and he drank his water I gave him.

"Alam ko. Kita ko naman 'no. Nag-cheer kaya ako." I uttered.

"Yea',  I saw that baby." Nilapag niya ang tubig sa upuan at hinawakan ang kamay ko. "Let's go." 

"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad papunta sa parking lot. 

"My house." I gulped. NOT AGAIN!!! 

Ayoko makita yung hampaslupang Daphne na 'yun! Jusko masasapak ko talaga siya dahil sa kaartehan niya. Tapos sana nag-bake ulit si Ma'am Ashford ng cookies jusko ang sarap ng cookies niya!

Nagdrive siya papunta sa kanila. Eto nanaman yung nakakakabang feeling!! 

"Sino sinong nand'yan?" tanong ko pagka-park niya sa parking lot. Yes may parking lot pa sila sa sobrang daming kotse na nandirito.

"My sister, mom and dad." Yun lang ang sabi niya.

"Y-your dad?!" nanlaki ang dalawa kong mata at napalunok ako. DI PA AKO READY! Jusko kung sa nanay at ate approve ako pero baka sa tatay hindi.

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit kaya wala akong nagawa kundi pumasok rin ng bahay nila. Nakita ko ulit yung dalawang bodyguards sa tabi tsaka mga maids niya. 

"Magkano sweldo nila?" tanong ko nga sa kaniya. Ayaw ako sagutin ng mga maids nila eh.

"Why?" He looked at me and raised his one eyebrow. 

"Kapag malaki, magt-trabaho ako dito hehehe." 

"I'll give you money if you want." 

"Yoko nga! Gusto ko pinagpaguran ko." Pagdadahilan ko. 

Pumanhik kami sa second floor nila tapos nalito ako.. ang daming kwarto! "Seriously, lahat 'to may gamit? I mean may silbi?" 

"Yep. Different uses. Now c'mon, let's go to my room." He said and we entered a huge door with a huge room inside. Whoah.

Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon