AA27 - Secrets

8.6K 356 218
                                    

I hugged Jail so tight. I told him I won't accept his gift but he keep on insisting. He deserves my hug that night. He deserves to have a Jaile Devera that night.

Monday morning, I went down to have some breakfast. Nagtatalo nanaman yata sila nanay at tatay..

"Zander, malaki na si Jaile! Maiintindihan na siguro niya ang nangyayari sa atin ngayon." sigaw ni nanay kay tatay. For the first time ko sila makita na mag-away ng ganito..

"Jana, 'di mo naiintindihan. Ayoko ilagay ang buhay ng anak natin sa panganib."

Umiling iling pa si nanay kay tatay tapos napatingin sa akin. Nagulat silang dalawa na makita ako. Umupo ako sa tabi ni Jander at sumabat. "Nay, tay, mahiya naman po kayo sa harap ni Jander. Nag-aaway pa po talaga kayo sa harap niya?" Medyo nadisappoint ako sa magulang ko.

"Jander, pumasok ka na sa school." Utos ko. Sinunod naman agad ito ni Jander. He knows when to listen. 

Nang makaalis si Jander ay saka ko hinarap ang aking mga magulang. "Nay, 'tay, ano po ba talagang nangyayari? Pipilitin ko pong intindihin para sa inyo." sabi ko. Umupo si nanay sa tabi ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Hindi pa tamang panahon para malaman mo, Jaile. Masyado ka pang bata.." sabi ni nanay.

"I know pero magpapakamatured ako para lang maintindihan ang pinagtatalunan ninyo!"

"Alam ko anak pero sana iyong ang intindihin mo.. Na hindi pu-pwede.." sabi nilang dalawa.

"Nay, Tay, 'yan naman po ang hirap sa inyo eh, hindi n'yo po ako pinagkakatiwalaan. Bumabase po kayo sa nakikita n'yo kung ano po ako. Pati po please, 'wag na 'wag n'yo po akong huhusgahan kung pa'no ako magmahal." sabi ko.

Kinuha ko ang aking bag na nasa upuan at umalis na. Pinalis ko ang bumabadyang luha sa aking mga mata. 

Pinupunasan ko ang luha ko habang naglalakad. Medyo blurred ang paligid ko. Nakita ko si Jander na nakikipag-usap pa sa isang lalaki. 'Di pa rin tumitigil ang luha ko sa pagpatak, nakakainis!

"Jander,  nand'yan ka pa din? Sumabay ka na sa akin!" sabi ko kay Jander at hinihila siya patayo. Tumayo rin yung lalaking kasama si Jander at may nilabas sa bulsa niya. Binigyan niya ako ng panyo at binigay sa akin. Tiningnan ko lang naman.

"Ahh.. Anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin. Sinagot ko naman. Gwapo eh... Shet lang Jaile! Umiiyak ka na nga nagawa mo pang lumandi?!

"Jaile.." Mahinang sagot ko habang nakatingin sa panyong inaabot niya.

"Jaile? Hello, kulungan. Hehehe. Kuhanin mo na." Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang panyo sa palad ko. "Knock knock." bigla niyang hiriit. Hilig rin niya pala ang knock knock?

"Who's there?"

"*GOTO"

"Goto who?" Pinunasan ko yung luha ko. Ayaw pa rin tumigil. Ang babaw ng dahilan ko 'no? Parang ngayon lang kasi nangyari 'to eh,ang hindi magtiwala ang magulang ko sa akin.

"Ehem.. you goto believe in magic! Tell me how two people find each other~! Hahahaha!" I just looked at him. Hindi ako natawa sa joke niya at siya lang ang tumawa. Baliw. "Hirap mo naman. Sinong superhero ang plastic?"

"Sino?" Tanong ko.

"Si PLASTIKman Hahahaha!" Tumawa siya at medyo natawa na ako doon. "Tahan na, kulungan. Hindi bagay sa babae ang umiiyak lalo na ikaw." sabi niya.

Napatingin ako sa DSLR na hawak niya.

"Teka,nag-p-pipicture ka?" tanong ko sa kaniya kasi may nakasabit na camera sa leeg niya.

"Bakit? Gusto mo picture-an kita?" sabi niya. Agad agad akong umiling.

"Ay hindi, Mahilig rin kasi ako sa larangan na ganyan." Pagtatapat ko sa kaniya, totoo naman eh. diba nga? Nakita ko naman may dslr na rin ako. Galing kay Jail..

"Sige, kapag nagka-exhibit ako punta ka."

"Sige, titingnan ko mga kuha mo." Jaile

"Ahh, una na ako, ha. Sayo na 'yung panyo. Remembrance. Wag mo lang aamuyin, baka mainlove ka. Hahahaha!" Biro niya sa akin. Porket gwapo siya hindi ko gagawin 'yun. Asa! Tinignan ko na lang siya. "Ngiti ka muna bago ako umalis." Pero nakatingin pa rin ako.

"Huy, ngiti na dali." Pamimilit niya. Parang si Nik lang.. Ngumiti na ako ng tipid. Kulit eh."Ehh, okay na nga 'yan." Nang umalis siya tsaka ako natawa.

Nagtricycle na kami ni Jander pagkatapos nang eksena na 'yun. Ano bang pangalan nuin? Pupunta ako ng exhibit niya pero hindi ko alam name.

"Danger." basa ko sa nakasulat sa panyong binigay niya. Danger pangalan nun?

"Kilala mo ba 'yun?" tanong ko kay Jander.

"Hindi eh, ikaw kilala mo?"

"Hindi rin, pero infairness ang gwapo!" 

"Hay nako ate, may Jail ka na, may Nik pa, tapos si Isaiah ba 'yun? Tapos yung Danger naman?" sabi ni Jander sa akin. Aba loko 'tong batang 'to ah.

"Joke lang! Stranger siya at hindi ako magkakagusto dun 'no. Pero gwapo talaga."sabi ko.

Inirapan niya ako. "Bakit mag-isa ka? Wala ka bang kalaro dun?"

"Mukha ba akong may kalaro dun ate? Kaya nga ako laging nasa bahay at nagp-psp lang eh. Pampagoodvibes yun si kuya! Galing magjoke, 'di tulad mo."

Kinurot ko nga sa tagiliran niya. Naihatid ko si Jander sa kanilang school.

Nakarating ako sa aming paaralan at pumasok na din. Tinext ko si Shanella na magkita kami mamayang lunch break. 

Lumipas ang lunch break walang Jail na umaaaligid sa akin. Where is he?

Papalapit na ako sa canteen. Nandon na si Shanella, hinihintay ako. Kumaway siya sa akin. Umupo ako sa tapat na upuan. May mga pagkain na din na nasa harap namin. It's her treat..

"Thank God you're here.."

"Yes? May problema ba? Umalis si Jail kagabi. Hindi ko alam kung saan nagpunta." 

Napatingin ako ng diretso kay Shanella. "Sa amin siya nagpunta.."

Sumisimsim siya ng juice at tila nagulat sa sinabi ko. "He.. what?!"

Tumango ako. "The answer to why he is frustrated last night! Anong ginawa niyo kagabi?" Nakangiting tanong ni Shanella.

"He gave me a gift... Isang dslr.."

"Whoah.. That's shocking! Bakit?"

"Kasi gusto niya ako masaya... Nabasa niya siguro 'yong sticky note na nasa pader ng kwarto ko. Nandon kasi yung mga goals ko sa buhay.."

"Damn! Jail is really a lover boy.. Hulog na hulog sa'yo." Kinikilig kilig pa si Shanella sa amin ni Jail. 

Iniba ko ang topic. "What would you feel kapag hindi ka pinagkatiwalaan ng nanay at tatay mo? I mean.. Pa'no kung may ayaw sila sabihin sayo?"

"I would feel sad pero iintindihin ko pa rin sila. Baka kasi may reason naman sila para doon at baka rin yung reason na 'yun ang makakabuti sa atin."

"Ahh. Kasi nag-away kami ng magulang ko, sino ba ang may mali? Ako o sila?"

"Ikaw, kasi hindi mo iniintindi yung side nila."

"Hindi rin nila ako iniintindi."

"Jaile, kahit na. Magulang mo pa rin sila at alam kong alam nila ang ginagawa nila kasi responsibilidad nila 'yun bilang magulang."

Nag-isip isip na muna ako. Tama si Shanella. I am mad earlier that's why I couldn't act straight! I know I am wrong.. 

I bit my lip. Bukas ako magso-sorry sa kanila, at sa ngayon ang problema ko naman si Jail. Is he mad at me? He's not texting me!

Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon