01

2.7K 67 0
                                    

Dedicated to @EstherMarieEspiritu, yourlazyflower and JenelynBrucelo. Thanks for the support! Love you!

Chapter 1

"Girl siya ba yung bagong napag-iinitan nila Dave?"

"Balita ko oo,buti pa siya noh?Napansin nila Dave"

"Ang swerte naman niya,sana ako din"

Dinig na dinig ko ang bulong-bulungan ng mga estudyante sa paligid habang naglalakad ako papuntang room namin,hindi ko alam kung nakainom lang sila ng panis na gatas no'ng sanggol pa sila,o talagang certified T A N G A lang talaga sila.

"Aray ko!"sa sobrang lutang ng isip ko,hindi ko na nakita na may tao pala sa unahan ko, nakabangga na pala ako.

Pucha naman oh!

Napahawak ako sa noo ko na bumangga sa matigas na bagay,saka hinimas himas iyon para humupa ang medyo pagkahilo ko.

"Hi Lily babe"

Nanlaki ang mga mata ko at para bang nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang matikas pero mapang-asar na boses na iyon.

Pakiramdam ko ay nagsimula na namang umalog ang mundo ko,kumulo na naman ang dugo ko at nalilisik ang mga mata akong nag-angat ng tingin.

Nagtama ang tingin ng aming mga mata,dahilan para mag-alab pa lalo ang naghahalong galit at inis sa aking mga mata.

Meet Dave Fuenta,matangkad,gwapo daw,pero para sakin pangit siya,matalino pero masama ugali,mayaman pero mata-pobre,assuming masyado,at siya ang leader ng isang grupo ng mga badboy na binubuo ng tatlong miyembro.

Binaliwala ko ang pagbati niyang 'yon at lumihis ng daan para makaiwas sa gulo,sa totoo lang, pwedeng pwede ko siyang patulan,pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ang mga magulang niya ang isa sa mga may-ari ng eskwelahang pinapasukan ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makaramdam ako ng braso na pumalibot sa balikat ko,at nang maamoy ko ang matikas na pabangong iyon ay napagtanto ko na kaagad kung sino ang putang inang umakbay sa'kin.

"Are you avoiding me Lily babe?"tanong ni Dave na may maamong boses,pero ang totoo'y isa siyang tigre na naga-antay ng pagkakataon na makapag-hasik ng lagim.

"Hindi"simpleng sagot ko at inalis ang braso niya na nakaakbay sa balikat ko.

"Kumain kana Lily babe?"tanong niya at muling pinalibot ang kanyang braso sa balikat ko.

Pwede ko bang putulin 'yang braso mo Dave?

"Oo"walang buhay at simple ko ulit na sagot sa kanya sabay tinanggal ulit ang pagkakaakbay ng braso niya sa balikat ko.

"Lily babe may dala akong sandwich gusto mo?" umakbay ulit siya sa'kin dahilan para lalong kumulo ang dugo ko.

Hinga ng malalim Lily,'wag mong papatulan,sila ang may-ari ng school na 'to,relax ka lang.

"Hindi"sagot ko at hindi nalang tinanggal ang braso niya sa balikat ko dahil matigas din naman ang kanyang ulo at ayaw magpaawat.

"Sigi kukunin ko sa bag ko ta's kainin mo ah!"may bahid ng excitement sa boses niya dahilan para mas kumulo ang dugo ko.

Ramdam ko na huminto siya sa paglalakad at inalis niya ang kamay niya sa pagkakaakbay sa'kin.

Dinig ko ang paghalungkat niya sa kanyang bag, kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para bilisan ang paglalakad ko para hindi niya maipakain sa'kin ang lintik na sand which na 'yon.

This is my chance,binilisan ko kaagad yung paglalakad ko para hindi na niya ako maabutan,tatakbo na sana ako, pero yung lintik na mga kabarkada niya na naman yung humarang sa daraanan ko.

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon