26

290 14 0
                                    

LILY

Tatlong araw na ang nakalipas ng araw na yun,pero wala paring nagbago,cold parin si Bruce sa'ken

Kapag lumalapit ako sa kanya para kausapin siya,bigla nalang siyang lalayo o aalis kapag nasa cafeteria kami

Kapag nagmemessage naman ako sa kanya,hindi siya nag rereply, hindi ko rin siya magawang e-chat o e-message sa social media dahil sa lahat ng social medias na meron at at meron din siya,naka block ako

Si Brian naman,nagiging cold na din sa'ken,hindi naman talaga sila nagbago,dahil noon paman, ganiyan na sila,noong hindi pa kami magkakaibigan

Si Dave,si Dave walang nagbago sa kanya,pagkatapos ng nangyari tatlong araw ang nakakaraan, makulit parin siya na para bang walang nangyari

Nabura bigla ang iniisip ko ng makita ko si Bruce na naglalakad palapit sa direksiyon ko,pero bigla siyang tumigil ng magtama ang nga mata namin,at bigla siyang tumalikod at bumalik ng daan

Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataon!!walang maraming tao ngayon!!

"Bruce teka!!"sigaw ko habang hinahabol siya

Alam kong narinig niya ako pero hindi parin siya lumingon,kaya mas binilisan kopa ang pagtakbo

"Bruce teka lang!!"sigaw ko pero hindi parin siya lumingon,g*go toh ah "Bruce teka lang naman-ah!" napatili ako ng bigla akong matapilok

Napahawak kaagad ako sa paa ko"Ah bwesit talaga!"bulong ko sa sarili ko habang hinihilot ang paa ko

Napatigil ako sa paghihilot sa paa ko ng may dalawang sapatos akong nakita sa harapan ko,napatingala naman kaagad ako

"You should be careful next time" sabi niya at hinawakan ang kaliwa kong braso at ipinalibot ang isa ba niyang braso sa likod ng tuhod ko

"Bruce mag-usap tayo please" pakiusap ko habang buhat buhat pa rin niya ako,at nakita ko ang kotse niya

Hindi lang siya nagsalita at pinindot ang remote ng kotse niya, pagkatapos ay agad niya akong pinasok doon,at kasabay ko rin siyang pumasok

"Bruce,mali yung nakita mo" pagpapaliwanag ko,napasinghap ako ng bigla niyang i-unat ang paa ko at tignan iyon

"Asan yung masakit?"tanong niya habang tinatanggal ang sapatos ko

Tang*na nakakahiya toh?!

"D-diyan"napalunok ako at tinuro yung masakit na parte ng katawan ko

"Dapat kasi nag-iingat ka"aniya at sinimulang masahiin ang paa ko

"Bruce,kung hindi mo nasabi yung m-message ko sa'yo,sasabihin ko nalang ngayon,wala talagang nangyari samin ni Dave,namaling akala lang siya,at yung nakita mo sa room,hindi yun ganon,yung tanong niya kung pwede niya akong maging girlfriend, tinanggihan ko iyon dahil naguguluhan pa ako,hindi ko naman alam na gagawin niya yun, hindi ko naman alam n-na,na ano...na h-halikan niya ako--s-sa baba lang naman.." pagpapaliwanag ko

Napangiwi naman ang labi ko ng bigla siyang hindi magsalita at nagpatuloy lang sa pagmamasahe ng paa ko

"Bruce kausapin mo nga ako!!"inis na sabi ko at binawi ang paa ko sa pagkakahawak niya,kahit kumirot yun,tiniis ko nalang

"What for?!"napaatras ako sa kinauupuan ko dahil sa bigla niyang pagsigaw

Naramdaman ko kaagad ang panginginig ng kamay ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko,lintik!

"S-sorry,I didn't mean to scare" aniya at sinubukang hawakan ang kamay ko,pero agad ko iyong iniwas,pakiramdam ko kasi ay makukuryente ako sa hawak niya

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon