24

284 15 3
                                    

LILY

To:Lelliana Madrigal
From:Caleb Martinez
Date: ** ** ****

Hi Lil,kamusta?si Caleb toh *insert laughing face* siguro nagtataka ka kung bakit sa sulat at hindi sa chat ko sasabihin toh noh?well,sabi kasi ni mommy na mas formal ag sulat kesa sa chat,kaya ayun.

So ayun na nga,Sorry talaga Lily, sa lahat..sorry kasi nangako ako sa'yo nung pag alis namin na babalik agad kami,pero hindi yun nangyari

Sorry kasi hindi ako nagparamdam sa loob ng maraming taon,mga bata pa naman kasi tayo noon kaya hindi ko masyadong binig-deal ang pangakong iyon

Pero nung nag seventeen ako,doon ko narealize na dapat ay hindi ko binalewala ang pangako ko sa'yo

Sorry kasi hindi na ako makakabalik diyan sa Pinas, actually gusto ko ngang bumalik diyan eh,pero hindi ako pinapayagan ni mommy dahil nag aaral pa ako

Ang sabi niya ay kapag nakapagtapos na ako ng pag aaral, saka lang ako pwedeng makauwi diyan

Nandito kami ngayon sa States, nahihirapan nga ako magtagalog eh,itong letter na nakasulat dito ngayon,pinasulat ko lang toh kay mama,sinasabi ko in english language,at tinatranslate niya

Sorry talaga Lil,actually kuni nalang talaga ang naaalala ko tungkol sa'yo at sa Pinas,kasi naman mahigit siyam na taon na ang nakalipas

Sorry kasi nagpadala ng sulat si Tita sa'ken at sinabi niya na araw araw mo daw akong hinihintay, pasensiya kana kung pinaghintay kita ng ganoon katagal

Sorry sa lahat ng sakit na naidulot ko sa'yo sa bawat araw na nag aantay ka sa pagbalik ko

Pero wag kang mag alala Lil,kapag nakapagtapos na ako sa pag-aaral, babalik ako diyan sa Pinas para makita ka

At may mga litrato nga pala diyan, mga picture namin yan nila mommy dito sa States,kasama ko din siyan so Amethyst,nakilala ko siya pagdating na pagdating ko palang dito sa States

Mabait naman siya eh,actually naiisip ko ngang ikaw siya eh,siya yung naging bagong bestfriend ko pagdating ko dito sa States,sana makita mo toh

Lalo na yung pictures namin,hindi mo matatanggi ang gwapo ko noh? *insert wink and smile*,tsaka maganda din si Amethyst,mabait tsaka maalaga din,masaya--

Hindi kona tinapos ang pagbabasa at marahas na kinuyom ang sulat, tinignan ko din ang mga litrato nila

Oo,hindi ako magkakaila na gwapo na nga lalo si Caleb ngayon,si Titq naman kahit na malaki na ang edad bata padin ang mukha,at ang Amethyst natoh naman maganda naman,kasi maputi

Kinuyom ko din ang mga litrato at tinapon iyon sa basurahan na katabi lang ng kama ko,pinahid ko ang mga luha na tumutulo sa mga mata ko

It's time to move on.

Simula ngayong araw natoh, kakalimutan ko ng may nakilala akong Caleb Martinez,total kinalimutan niya din naman na ako eh

Sa mga nagdaang taon,halos mabaliw ako kakaantay na bumalik siya,tapos siya dun?pa easy easy lang?well tang*na niya

"Promise Lil,babalik ako,sabi ni mommy babalik naman agad kami"

"Eh pa'no kung hindi?!"umiiyak na tanong ng batang ako sa batang Caleb

"Ede antayin mo lang ako,babalik at babalik ako kahit gaano paman katagal,pangako yan,diba nga sabi ko sa'yo ikaw ang crush ko!kaya syempre babalikan kita"

"T-talaga?"

"Oo,kaya wag kana umiyak,tsaka kahit na pumunta kaming states, ikaw padin ang crush ko,hinding hindi magbabago iyon,ha?!I lab you!" sabi niya at hinalikan ang pisnge ko

Natameme lang ako..

"Lil,gusto ko ako yung first kiss mo ah?!"masaya niyang sabi habang nakaakbay sa'ken

"Ano yung first kiss?"nagtatakang tanong ko

"Ano kaba!!Syempre yung una mong halik sa lips!gusto ko ako yun ah!"

"Eh bakit hindi nalang ngayon?" tanong ko naman sa kanya habang patuloy niyang pinapahid ang mga luha ko

"Kasi sabi ni mommy bawal pa daw iyon eh,sabi ni mommy kapag malaki na daw tayo,pwede na daw tayo mag kiss,pero dahil maliit pa tayo ngayon,sa cheeks lang daw pwede"

Tumango-tango naman ako

"Wag kana malungkot..basta pag nalungkot ka,punta kalang sa dagat,o sa dalampasigan,isipin mo lang lagi na kasama mo ako, masaya tayong naliligo sa dagat"

And that's the reason kung bakit gustong gusto ko ang dagat

"Basta babalik ka kaagad ah"

"Oo nga promise!"itinaas pa niya ang kanang kamay niya "Basta ah, pakabait ka kay Tita,tsaka...sana ma miss mo ako,kasi ako..kahit ngayong andito pa ako,namimiss na agad kita"

Mas lalo kong humagulhol

"Uy Lil naman,akala koba di kana iiyak?!"

"Ikaw kasi eh!"

"Sus..miss mo din ako noh?"mapang asar niyang tanong

Agad naman akong tumango

"Sus dunt-chu wurry,kapag nakasakay na kami ng ereplano, titignan padin kita at ang bahay niyo"

"Pa'no mo gagawin iyon?!"

"Ah basta,makikita parin naman namin kayo kahit na nasa eroplane na kami eh"

"Okey"

"Wag kana malungkot..hug nalang kita.." at niyakap niya ako ng mahigpit

"Mag promise kang kahit anong mangyari,babalikan mo ako dito"

"Promise.."

Mapait akong napatawa ng maalala ko ang mga huling salita niya bago siya umalis patungong States

May pa-promise promise pang nalalaman,at ako naman itong tanga at naniwala ako,eh mga bata pa kami nun!!

Ako araw araw na nag aantay sa pagbalik niya,tapos siya kinalimutan nalang pala niya yun?!

"Mama..a-asan n-na po s-sila C-Caleb.."patuloy lang ang pag iyak ko habang hinihimas himas ni mama aNg likuran ko

"Sshh..taha na anak..malapit ng umuwi sina Caleb ha..wag kana umiyak,natraffic lang ang eroplano nila ha"

"Pero mama..ganito napo sila katagal dun.."pinakita ko kay mama ang lima kong daliri

Sa bawat araw na nagdadaan, binibilang ko ito,sa bawat araw na nagdadaan,hinihintay ko siyang bumalil

"Anak..diba sabi sa'yo ni Caleb na babalik agad siya?"

"Opo..."

"Oh ede babalik agad yun,kelan paba nagsinungaling sa'yo si Caleb diba?'

Tumango tango lang ako

"Oh siya tahan na at mamaya ay matulog kana,tignan mo pangit kana kakaiyak mo"

Ako lang pala ang nagpakatangang nag antay sa wala..maybe it's time to move on

Maybe it's time to give Bruce or Dave a chance,sana hindi ako masaktan

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon